MILLIE'S POV
2 years later
Naging tambayan ko ang hardin namin ni Azuro. He's busy as always. I'm busy, too. Hehe.
Busy looking at the broad beautiful sky while enjoying the cool breeze and the beautiful scenery.
Ang tamad eh haha.
Kasama ko lagi ang baby namin ni Azuro. He is a he! Lalaki ang baby namin. Medyo bugnutin at makulit. Ewan ko ba dito sa batang ito. Pag wala sa tabi ko laging nakasimangot pero kapag nasa tabi ko naman lagi akong kinukulit. Minsan naiinis na ako dahil times 10 ata ang kakulitan nito saakin!
Now I know the feeling of my parents. Ganito din kaso ako noon sa kanila. Huhu.
(〒﹏〒)Naalala ko pa nung mga panahong nanganak ako.
Everyone was present! Parang gusto pa nilang makita paano ako manganganak. Sa inis ko, pinalayas ko sila. I used my magic. Ang tanging present lang ay ako, ang asawa ko at ang mga doctor. Jusko. Pati ba naman si Papa manonood? Wew.
Hindi naman ako pinahirapan ng baby namin. 24 hours lang naman ako naglabor.
ಥ‿ಥMabuti nga at naisipan na ng bata lumabas dahil akala ko forever na akong maglalabor sa kanya. My goodness! Imagine the pain! Buti pa si Aliyah hindi pinahirapan si Ate. Samantala itong baby boy ko, my gosh. Isang araw talaga ako umiyak, lumuhod, ngumawa, bumaluktot, at kung ano pa!
Noong una akala namin babae ang nasa sinapupunan ko. Nagulat kami dahil paglabas ay lalaki na pala ito! Iniisip ko nga baka binabae ito paglaki? Naku. Huwag naman sana. Anyway, I did cry when the baby went out off me. Noong nahawakan ko siya, grabe ang feeling. Ganito pala ang pakiramdam ng isang ina. Walang-wala ang sakit na dinanas ko noong narinig ko na ang iyak niya and he's so big. Ang chubby-chubby niya!
"Mama.. dada!"
Iyan pa lang ang alam na bigkasin ng baby namin. By the way, his name is Kendric Dewei. Ako ang nag-isip ng Kendric at si Azuro naman ang nagdugtong ng Dewei. Dewei means high noble daw. Well, he's the crown prince.
"KD, halika rito! Huwag kang sumisid dyan!" Tumayo ako at pinuntahan ang batang pasaway. Minsan nasa tabi ko pa siya tapos magugulat ka nasa malayo na pala siya. Binuhat ko siya at dinala sa isang swing. Nagswing kaming dalawa. Siya naman tuwang-tuwa.
"Happy ka?" He's giggling whenever we swing together. Tuwang-tuwa sa hangin. Itong batang 'to. Mababaw ang kaligayahan.
"There you are!" Tumigil kami sa pag swing.
"Look, there's dada!" Binuhat ko si KD para lumapit kay Azuro. Azuro kissed me first before carrying KD.
"Your sister is here. They brought Aliyah." Kung anong kulit ni KD, ganoon naman kagulo ni Aliyah. Nonstop ang bibig ng batang iyon! Jusko. Isang beses na pinabantay saakin ng Ate si Aliyah, halos sumuko na ako. Times 100 ang kakulitan nitong magpinsan kapag nagsama!
Pero despite that, mabait si Aliyah. She is really beautiful. Masasabi namin na kamukha siya ng asawa ni Ate pero ang ganda niya lalo na yung buhok niyang super curly.
Samantalang si KD naman ay kamukha ko maliban sa buhok niya at sa ilong na matangos. Also, vampire si KD. Abel is so fond of him. Minsan na rin niyang binantayan si KD nung nagkasakit ako.
"Tara." Nagcling ako sa braso ni Azuro habang nagpalakad papasok. Hindi pa kami lubusang nakakapasok nang may yumakap na saaking tuhod.
"Tata!"
Oh my. Speaking of the mouth demon.. but anyway, I still love her so much!
"Aliyah! My cute little babbling niece!" Binuhat ko siya. Hinalikan niya naman ako sa pisngi.
"Millie," Bati ni Ate at hinalikan din ako sa pisngi. "Hindi ata makakapunta sila Mama. Nagyaya pa naman ako ng maliit na kasiyahan para sa atin."
"Wrong timing naman kasi yang invitation mo." Suway ko. "Alam mo naman na busy sila kay Marco dahil nag-aaral na." Sumimangot naman siya. Binaba ko si Aliyah at dumeretso siya sa pinsan niyang nakaupo sa baby chair.
Umupo kami ni Azuro sa harap nila Ate at Kuya Linus. I called him Kuya which is okay naman sa kanya. Besides, brother-in-law ko naman siya hehe.
"Looks like our son wants a sister." Bulong ni Azuro. Siniko ko naman siya.
"Next time na pag malaki-laki na si KD! Baka abutin naman ako ng dalawang araw sa paglalabor. Maghahanda muna ako." Bulong ko pabalik. Hindi pa handanang matres ko!
"I want to make an announcement." Ate said. Umayos ako ng upo. "Sayang wala sila Mama pero anyways, I want you to know that my husband and I are pregnant. Aliyah is going to be an Ate na!" Magiliw niyang anunsyo. Napatakip ako ng bibig.
"Omg! Ate congratulations!"
"Also," Kuya Linus said, "my brother, Kael, is going to marry his mate next month. There will be a grand wedding. We are inviting you."
"We'll come. Thank your for the invitation." Sabi ni Azuro.
I can say our life is peaceful na. May kanya-kanya na kaming buhay ni Ate. We did experience a lot of hard problems and pain but we managed to survive.
Naalala ko pa noong una akong napadpad rito. Inis na inis pa ako noon pero sinong mag-aakala na ang misyon ko ay ang makakatuluyan ko. Azuro may be heartless before but now his love for the kingdom is unbreakable. He may be giving a cold shoulder but he is a very responsible King. I am proud.
Marami kaming napagdaanan na dalawa. May mga panahong nalilito kami sa nararamdaman naming dalawa. Pinili kong kalimutan siya dahil sa sakit na nararamdaman ko. My curse also tore us apart but his love for me conquered. Mas pinili niyang magaikripisyo para saamin ng kanyang anak. He loves us so much.
I will forever cherish our family. Life is not easy but with him, everything will be fine. It may be hard, but it won't be hard if we're together.
I am Millie Dorothea, an ordinary but the naughtiest witch, who fell inlove with the Vampire King. This is my story and forever will be ours.
***********
AUTHOR'S POV
Thank you so much for reading my story. It has ended. :)
Thank you sa mga readers na nagtyaga. Ayun. Happy na sila.
~jehanvanie (ᗒᗩᗕ)
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...