Chapter 51

1K 53 4
                                    

MILLIE'S POV

Baka nagkakamali lang ako. Baka sa labis na pagkamiss ko sa kanila, halos marinig ko na rin ang boses niya. Hay. Baka ganun nga.

Pagbalik ko sa park mabuti at wala pa si Abel dahil baka malintikan ako. Naiisip ko na ang magiging reaksyon nun kapag nalamang wala pa ako. Hehe.

I waited patiently. Inayos ko ang pagkakalagay ng hood sa ulo ko at tiningnan ang singsing sa loob ng paper bag. Sana magustuhan ni Abel itong simpleng regalo ko. Pasasalamat ko sa mga naging tulong niya. Hindi niya ako kaano-ano pero pinapainom niya ako ng gamot para maibsan ang mga nararamdaman kong sakit kapag sinusumpong ako. His medicine helps me but it won't treat my curse. Kumbaga, pain reliever lang ito.

Umupo ako sa bench at pinanood ang mga batang wizards na naglalaro. May mga nagtatagu-taguan, nagbubuild ng building gamit ang bato, may naghahabulan at nagbabasaan ng tubig na mula sa fountain. Buti pa ang mga bata walang problemang iniisip. Malaya silang maglaro at mangarap. Sana naman ay masaya silang lalaki at tatanda hindi katulad ko.

Mabuti at hindi masyadong mainit dahil makulimlim ngayon. Mukhang uulan mamaya ah. Masarap pa naman magtampisaw sa ulan kaso sa lagay ko ngayon? Baka hindi pa ako abutin ng bukas, patay na ako. Natawa ako sa pangit kong joke.

"Ate, sali ka po samin maglaro." Kinablit ako ng batang lalaki. Kasama niya ang ilan niyang mga kalaro.

"Ah eh kayo nalang muna." Sabi ko. Baka mamaya malaman pa nilang hindi nila ako kauri. At isa pa baka dumating na si Abel.

"Please.. sandali lang naman." Nagmakaawa na rin ang ibang mga bata. Gawin ko kaya kayong mga palaka?

Sa huli ay wala akong nagawa. Ikaw ba naman yayain ng batalyong mga bata? Hindi ka pa kaya matakot at kilabutan?

-_-

Nagtagu-taguan kami tapos habulan. Hindi ko aakalain na masaya pala ito. Tawa nga ako ng tawa dahil kapag ako ang taya mabilis ko lang silang nahahabol.

"Ang daya ni Ate!" Napakamot ng ulo yung matabang batang lalaki dahil siya lagi ang hinahabol ko kapag ako ang taya. Tinawanan lang namin siya. Tapos ng habulan, nagpaligsahan naman kami gumawa ng kastila gamit ang mga bato. Kagrupo ko yung matabang lalaki at yung dalawang batang babae.

"Bilisan niyo kumuha ng mga bato. Ako gagawa ng kastila para mas mataas." Sabi ko sa kanila.

"Sige, Ate!!" Sagot nung tatlo.

Tawa ako ng tawa habang nagbubuild ng castle dahil palihim na dinudurog ng kasama kong mataba ang kastila ng kalaban namin. Ang kulit-kulit nitong chubby na ito. Parang ako nung bata pa ako. Bigla akong nanigas at nang atakihin nanaman ako ng sakit. Unti-unti iting dumadaloy sa puso ko.

"A-aray.." hawak ko ang dibdib ko sa sakit. Kinakapos ako ng hininga. Palakas ng palakas ang tunog ng dibdib ko at wala na akong ibang marinig kundi ang tibok lamang ng puso ko.

"Ate? Ayos ka lang ba?" Natumba na ang kastila na ginawa namin dahil nadaganan ko na iyon. Naiiyak ako sa sakit. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko mas lalong lumalala ang nararamdaman ko. Mukhang habang palapit ng palapit ang kamatayan ko ay mas tumitindi ang hapdi at kirot sa katawan ko. Napaluha ako.

Bakit hindi nalang ako mamatay ng payapa?

"Ate.." umiiyak na sabi ng ilang mga bata.

Please, wag naman sana ako mamatay sa harap ng mga batang ito. Ayokong matrauma sila.

"Hala si Ate!! Mukhang may sakit! Dalhin natin kay Lolo Nestor!!" Hindi ko na narinig ang mga bata. Pinipilit kong huwag sumigaw pero hindi nakakatakas ang mga luha ko sa tindi ng sakit.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon