Chapter 9

2.4K 111 9
                                    

"Dorothea, wake up." Nakaramdam ako ng yugyog sa aking balikat. Inis ko siyang sinaway.

"Ssshhh! Natutulog pa nga ako eh!"

Binalot ko ang katawan ko sa makapal na kumot. Ang lamig ngayon at ang sarap matulog. Hindi pa lumalalim ang tulog ko ng makaramdam nanaman ako ng yugyog sa balikat ko.

"Wake up, sleepy head."

"Ssshhh.." sabi ko. Niyakap ko ang kamay ng yumuyugyog saakin para hindi niya na ako kulitin. Tumigil naman siya sa pagkulit saakin. Hindi pa ganoon kalalim ang tulog ko when something touched my lips and its nibbling my lower lip. Dumilat ako and there I saw Azuro's smirking face.

"Are you going to wake up or I'll continue kissing you?" Tumingin ako sa wall clock.

"Bakit ba kasi ang aga mong manggising. 4:30 palang oh!" Naiinis kong wika. Puyat ako! Dahil kakaisip sa kanya at sa halik niya pero inulit niya nanaman ngayon.

"You are going to the market, right?" Tumulala lang ako sa kanya ng ilang segundo bago ko narealize ang sinabi niya.

"Oo nga pala!!" Bumangon ako kaagad at nagbanyo. Pero nilock ko na ang pintuan at kaagad na naghilamos.

Paglabas ko, may nakahandang gatas sa lamesa. "Drink that first then we'll go."

Ininom ko yung gatas na bigay niya pagkatapos ay lumayas kaming dalawa. Buti nga pala sinamahan ako ni Azuro dahil hindi ko alam saan banda ang palengke dito at kung ano ang itsura ng palengke nila dito.

"Here's the market."

Tumingin naman ako sa building na nasa harapan namin. Maraming mga bampira na busy sa kani-kanilang trabaho. May mga nag-aangkat ng mga gulay at pati na rin ng karne.

Fun fact: vampires don't just drink blood. They also need food from the foods to be healthy. :)

Kinuha ko ang listahan at tiningnan kung ano ang mga bibilhin. Nanlaki ang nga mata ko sa dami ng bibilhin!

5 dozens of eggs
5 big jars of milk
1 round cheddar cheese
3 kilos flour
15 kilos pork meat
10 kilos beef meat
10 kilos chickens
6 kilos oysters
3 kilos tilapia
3 kilos tuna
3kilos salmon
3 kilos mackerel
3 big squashes
2 kilos eggplants
1 kilo bellpepper
1 kilo chili pepper
1 kilo onions
1 kilo string beans
1 kilo pechay

Ang dami-dami naman. Nanlulumong tiningnan ko si Azuro.

"Dapat yata nagsama ako ng batalyong kasama. Hindi natin kakayanin to." Kinuha niya ang listahan sa kamay ko at binasa ang nasa listahan. 

"Who gave you this list?" Inis niyang tanong.

"Sila Madam Aga." Binigay niya saakin ang listahan at pumasok sa palengke.

"T-teka!"

"We'll just ask someone to deliver this."

Good idea! Hehe. Kung kumulang man ang pera, bahala na si Azuro hehe.

Pumasok kami sa meat section. Organized
ang market dito. Maraming choices at napakalinis. Ang isa pa, hindi mabaho! Amoy lavenders at lemon. Hehe.

"Tara doon tayo." Lumapit kami sa butcher na naghihiwa ng karneng baboy.

"Magandang umaga." Bati niya. Umiwas ako dahil matatalsikan ako ng dugo dahil sa paghihiwa niya.

"Hehe. Magandang umaga din. Magpapadeliver po sana kami ng baboy. 15 kilos po." Tumigil sa paghihiwa ang butcher.

"Sige, neng. Tamang-tama at nagdedeliver kami. Anong parte ng baboy?" Tumingin-tingin ako sa binebenta niya.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon