DOREEN'S POV
Nag-unat ako ng mga braso. Nakatulog ako habang nagbabasa. I rotated my head. Medyo nangalay ang leeg ko lalo na ang batok ko. The weather tonight is chilly kaya giniginaw ako. Its already eight in the evening when I looked at my watch. Tumayo ako at sinindihan ang ilang mga gasera. Vonefort is still sleeping in the bed. Hinayaan ko lang siya.
Sumilip ako sa bintana. Its dark already. Tumigil ang kalesa. Nagpunas muna ako ng mukha. I heard the guards talking outside kaya lumabas ako.
They are setting a table and some chairs. Some are setting a bonfire.
"My lady, handa na po ang hapunan." Sabi ng kawal. Ngumiti ako.
"Mauna na kayong kumain. Hihintayin ko lang si Vonefort. Tulog pa kasi." Tumango lang sila.
Nakaupo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan sila. Yung ibang mga kasambahay ay mukhang nakatulog rin. Lumabas silang kusot-kusot ang kanilang mga mata.
"My lady," bati nila saakin. Ngumiti lang ako bilang ganti sa kanila.
Masagana silang kumain. They must be really hungry. The good thing about Vonefort is that he never starves his servants. He makes sure that everyone is well.
Tumayo ako at pinalaki ang wand ko. I am about to wave my hand to cast a magic pero pinigilan ako ng isa sa mga kawal.
"My lady, kung maaari po ay huwag muna kayo gumamit ng kapangyarihan. Baka maamoy ito ng ibang daemon at pagkainteresan ka." He is right.
"My apologies." Tumango sila. Hindi ko naisip iyon.
Niyaya nila ako kumain muli kaya sumabay na ako. Hahandaan pa sana nila ako ng pagkain pero tumanggi ako.
"Kaya ko naman pagsilbihan ang sarili ko. Kumain pa kayo." Tumango naman sila.
Isa-isa silang nagkuwento ng kanilang pinagmulan, kung papaano sila nakapasok sa mansion. Nagpapasalamat nga sila dahil mabait ang amo nila at mukhang masaya talaga sila sa trabaho nila.
"Tapos po noong naulila na ako, pinatuloy ako ng kapatid ni Master sa mansion. Doon ko din napagdisisyunan na maging isang kawal." Pagkukwento ng isang kawal.
Wait.. kapatid? May kapatid si Vonefort?
Magtatanong sana ako nang biglang may sumingit sa usapan.
"Woah. Hindi niyo man lang ako ginising? How rude." Lumingon kaming lahat. Gising na pala siya. All the maids and the guards bow their head down.
"Master," they all greeted. Sumenyas si Vonefort at lahat sila nagsiupo. Umupo sa tabi ko si Vonefort at kumuha ng pagkain.
"After you eat," tukoy niya sa mga kawal, "feed the horses."
"Yes, master." Sabi nila.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa tumayo ang mga kawal at kasambahay. Naiwan kami ni Vonefort na kumakain.
"You should eat a lot, Doreen." Sabi niya sabay lagay ng kapirasong manok sa aking plato.
"Salamat pero busog na ako but I will eat this chicken for you." He chuckled.
"Say, do you have a family here, Doreen?" Napaubo ako sa tanong niya kaya inabot ko ang tubig sa baso ko at ininom ang laman niyon.
"None. They are not here." Sagot ko. Don't tell me na hindi niya alam na hindi ako isang daemon.
"Then why do I have this feeling that you have a relative here?" Napatitig ako sa kanya.
"What do you mean?" Kaagad kong tanong. Seryoso ang tingin niya sa malayo pero kaagad rin siyang umiling.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...