Chapter 3

2.8K 137 11
                                    

Limang araw na akong nandidito sa palasyong ito. Ilang araw ko na ring nililinisan ang mga kwarto hanggang sa sinapian na ako ng katamaran. Bakit ko pa lilinisin ang mga ito eh hindi naman nagagalaw. Kaya ang ginagawa ko nalang ay tumatambay ako sa isa sa mga guest room at humihiga sa kama. Katulad ngayon, nakahiga lang ako sa malambot na kama at ginagamit ang wand ko para lumamig ang hangin at para sumayaw ang mga manika. Hayy. Ang boring.

Pupuntahan ko na yung kwarto ng lalaking masungit na pinaglihi sa sama ng loob. Tinago ko muna ang wand ko bago ako lumabas. Mahirap na at baka mahuli pa ako. Ilang araw na akong hindi naglilinis doon eh. Baka super kalat na. Doon naman sa kwarto ni bakla, lagi kong nililinis yon. Himala nga dahil sa tuwing nililinisan ko iyon eh wala ng kalat.

Pagpasok ko ng kwarto niya ay madilim ulit tulad ng una kong pagpunta. Hayy. Bakit kaya madilim dito palagi? Takot ba siya sa liwanag? Ang pagkakaalam ko eh hindi naman takot sa araw ang nga bampira. Hinanap ko ulit ang switch ng ilaw pero biglang may humawak sa braso ko. Muntik na akong magkaheart attack sa gulat. Kaya nga hapon ako nagpunta dahil baka wala siya. Hayyss.

"You're here, again." Galit niyang utas. Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Yes. I'm here again and again and again then again and now again." Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak. "Seriously, maglilinis lang ako. No hidden agenda, promise." Binitawan naman niya ako. Hay. Mabuti.

"Don't you know what I did to the other maids when they enter my room?" His deep voice really gives me the chills. Siguro magdadala ako ng jacket sa susunod na magkita kami. At tsaka, kailangan ko pa bang alamin ang mga nangyari sa mga pumasok noon dito?

"Hindi at wala akong pakielam. Sige na. Maupo ka na dyan para matapos na ako kaagad." Pagkaopen ko ng switch ay halos mamutla ako dahil sobrang lapit ng bampirang ito saakin. I could see again his gorgeous feature. His cold eyes are locked on mine. I can hear my heart thumping so loud. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kinuha ko na ang walis at nagsimulang magwalis. I could feel that he is still staring at me. Bawat galaw ko ay sinusundan at sinusubaybayan niya. Nahihirapan tuloy akong kumilos.

"There was a tree, the finest tree that I ever did see and the tree was on the ground where the green grass grow all round, all around." Ayan kumanta na ako. Hehe. Para mawala ang nerbyos ko.

Patuloy ako sa pagkanta habang nagpupunas ng picture frame na nakasabit sa pader when I felt him at my back kaya tumigil ako sa pagkanta. Pati nga paghinga ko ay tumigil na rin.

"I wonder what does your blood taste?" Namutla ako sa tanong niya. I could feel his breathe on my neck. Hindi p-pwede! Malalaman niyang witch ako at hindi nila ako kalahi!

Kaagad akong naglakad paalis ng pwestong iyon. Kukunin ko na sana ang mga kagamitan ko para umalis nang higitin niya ako. He pinned me to the wall! My heart is beating erratically crazy and my mouth went dry. His cold eyes are looking at me. Para akong kinikilatis. Judgment day na ba ngayon??

"Scared?" Aba kailangan ko siyang labanan. Hindi ako mamamatay sa ganitong paraan!

"Hindi. Paraanin mo na ako." Sinubukan kong umalis pero hindi niya ako hinahayaan.

"Do you know who I am?" Hindi pa rin napapalitan ang galit sa boses niya.

"Hindi eh. Kailangan pa po ba kita kilalanin?"

"Damn!" Natawa ako ng mahina. Galit na galit siya. Natutuwa ako kapag inaasar ko ang mga nilalang tapos naiinis sila sa asar ko. Haha. "Why are you laughing?!" Umiling ako bago sumagot.

"Wala po. Mauuna na po ako." Nakangiti kong sabi sabay tulak sa kanya ng malakas. Tumakbo ako palabas bitbit ang mga kagamitang panlinis. Napahinga ako ng maluwag pagkalabas ko.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon