I am still surprised.
Dinala lang naman ako ni Azuro sa isa sa mga meeting sa bayan. Meeting! My gosh! Nagulat pa nga si Zandro dahil sa biglaang paglitaw ni Azuro sa pagpupulong.
Gusto ko ngang sana magstay na lang sa labas at hintayin nalang sila matapos pero masyadong makulit si Azuro.
"Hihintayin ko nalang nga kayo matapos. Dito lang ako uupo sa bench. Promise. At tsaka wala naman akong gagawin doon sa loob eh. Sige na."
"Be sure to be here after the meeting." Seryoso siya sa pagkakasabi niya. I rolled my eyes.
"Oo na. Sige na. Umalis ka na sa harapan ko dahil naghihintay na sila. Shoo." Tinitigan niya muna ako sandali bago pumasok sa loob.
Lumipas ang ilang oras at wala akong ibang ginawa kundi ang tumunganga. Hindi ko naman akalain na sobrang tagal pala ng pagpupulong nila. Tinutubuan na ng ugat ang pwet ko. Nagugutom na ako!
Alasdose na sabi ng orasan ko. Hay. Tiningnan ko ang babaeng nasa lamesa. Kanina pa siya busy actually. Nag-aayos ng papers at kung ano pa dyan. Nilapitan ko siya.
"Miss," tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya saakin. "Anong oras natatapos ang meeting nila sa loob?"
"Kadalasan hapon pa natatapos ang meeting. Lalong magtatagal ang meeting ngayon dahil ngayon lang nagpakita ang panganay na prinsipe."
Napanganga ako sa sagot niya. Oh my gosh. Eh di mamamatay na ako sa gutom niyan!!
"Salamat." Sabi ko at tsaka umupo ulit sa upuan ko. Sumimangot ako. Sana pala pumasok na lang din ako sa loob.
Kumulo ang tiyan ko. Nilapitan ko ulit yung babae. "Miss, wala bang libreng pagkain dito?" Kinapalan ko na ang mukha ko. Nagugutom na talaga ako.
"Mayroon naman. Libre ang pagkain sa loob nitong building na ito. Nasa ibaba ang cafeteria. Bibigyan kita ng stub para bigyan ka nila ng pagkain." Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at nagpasalamat.
Simunod ko ang sinabi niya at nagpunta kaagad sa cafeteria. Napanganga ako sa laki ng cafeteria nila. At ang linis-linis pa!! Pero wala naman masyadong pila kaya nakakuha ako kaagad ng pagkain. Tuwang-tuwa nga ako dahil ang dami nila magserve. Hihi.
Naalala ko bigla si Azuro. Hindi pa kumakain iyon. Baka may pagkain naman na ibibigay sa kanila doon.
Pumili ako ng upuan sa corner at sinimulan ko na ang paglamon. Habang lumalamon, may naglapag ng tray sa lamesa na pinagkakainan ko. Nagpunas ako ng bibig bago umangat ng tingin.
"Can I seat with you?" Malapad na ngiti na tanong niya saakin. Kael is wearing a black suit again pero hindi mawawala ang medyo nakakakilabot niyang presensya. Pasimple akong tumingin sa paligid. Marami pa namang bakanteng lamesa. Nakita niya ata ang pagsilip ko sa paligid kaya nagsalita siyang muli. "Please?"
"O-okay." Umupo siya sa tapat ko at inalis sa tray ang mga pagkain niya.
Patuloy lang ako sa pagkain. Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa nagsalita siya.
"So.. why are you here?" Tanong niya. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
"Ahh may sinamahan lang ako." Tumango naman siya. "Ikaw?" Pagbabalik ng tanong ko sa kanya bago sumubo ng pagkain.
"Well, I came here for you." Nakangiti niyang sabi saakin. Nagulat ako sa sagot niya kaya bago ako mabilaukan ay uminom na kaagad ako ng tubig.
"Alam mong andito ako?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. May sayad talaga ang utak niya. Hays.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...