DORREEN'S POV
Halos gabihin na si Papa ng uwi. Nagtaka si Millie pero hindi siya nagsalita. Nagpunta lang siya sa kwarto niya at mukhang malalim ang iniisip.
"Kain po muna kayo, Papa." Umupo siya sa hapagkainan. Pinaghanda ko siya ng pagkain.
"Salamat, Nak."
"Kamusta ang pagpunta mo doon sa mga dwende?" Tanong ni Mama.
"Alam ko na kung bakit nagkaganun siya." Seryosong sagot ni Papa. Bumigat tuloy ang atmospera. "She wished to forget everything about the eldest prince." Napatakip ako ng bibig.
"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama. "Bakit niya hiniling yun?"
"Hindi ko alam." Tumingin sila saakin.
"Wala pong naikukwento si Millie saakin tungkol dyan." Malungkot kong sabi.
"Makakaalaalapa ba siya?" Tanong ulit ni Mama.
"Si Millie lang ang makakasagot nun." Sagot ni Papa.
"Ma, Pa.. may sasabihin din po ako tungkol sa nangyari kanina." Pinaliwanag ko ang mga nangyari kanina tungkol sa estrangherong nagngangalang Finn. Pinaliwanag ko kung bakit siya nagpunta dito at kung ano ang dahilan niya. Nakinig naman sila ng mabuti.
"Hindi pwede ang ganung asal." Pagtutukoy ni Papa sa Hari ng mga bampira. "Madali siyang masakop dahil maaaring sumanib ang kapwa bampira niya sa ibang lahi para tugisin siya."
"Si Millie lamang ang makakatulong sa kanya." Sabi ko. Seryosong tiningnan ako ni Papa.
"Babalikan ko ang mga dwende." Pinigilan ko siya.
"A-ako nalang po, Papa. Magpahinga na kayo. Ako na po ang bahala. Ibabalita ko kaagad sainyo kung ano ang napag-usapan namin." Tumingin si Mama saakin na may pag-aalala.
"Sigurado ka ba, Nak?" Tanong niya.
"Opo. Para kay Millie at sa minahal niyang lugar."
"Mag-iingat ka." Sabi ni Papa.
Napagpasyahan naming umalis ako kaagad. Nagbihis ako at kinuha ang walis ko pati na rin ang wand ko.
Palabas na ako ng bahay ng tawagin ako ni Millie.
"Saan ka pupunta?"
"May inuutos lang sakin. Bumalik ka na sa kwarto mo." Imbis na bumalik siya sa kwarto niya ay kinuha niya ang walis niya.
"Sama ako." Mabilis akong umiling.
"Sandali lang ako. Wag ng matigas ang ulo. Bantayan mo sila Mama." Tinaasan ko ng kaunti ang boses ko. Sumimangot lang siya at pumasok sa kwarto. Mabilis akong lumabas at lumipad gamit ang walis ko.
Tumingin ako sa likuran ko kung sumunod ba si Millie. Buti naman at hindi.
"HINTO!!!!!" Mabilis akong tumingin sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko dahil matatamaan ko na ang lalaking nakaharang sa daan ko! Mabilis na huminto. "Buti nalang at huminto ka! Grabe ka naman gumamit ng walis mo! Makakapatay ka!"
Hindi ko siya pinansin at mabilis na lumipad pero pinigilan niya ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Finn.
"Wala ka na doon!" Hinigit ko ang dulo ng walis ko.
"Pupunta ako sa mga dwende. Doon ka rin ba pupunta?" He wiggle his eyebrows and I'm starting to get irritated.
"Bakit ka pupunta doon?"
"Basta. Doon rin ba ang punta mo?" Naiirita ako sa ngiti niya.
"Oo. Mauna na ako, bye!" Mabilis akong umalis pero hinawakan niya nanaman ako dulo ng walis ko.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...