Chapter 29

1.3K 64 2
                                    

DOREEN'S POV

Tahimik kaming nasa loob ng kalesa at bumabyahe papunta sa kung saan. Nakatingin lang ako sa bintana habang ang kasama ko naman ay natutulog. Its nine in the morning and the maids pack a lot of foods and clothes a while ago. Nakalagay ito sa kabilang karwahe.

Mas maaga si Kael na nagising kaysa saakin at nagpautos siya sa nga katulong na linisan at bihisan ako.

Habang nag-iisip ng malalim, hindi ko namalayan na nakatingin si Kael saakin.

"Rest. We will arrive at our destination tomorrow."

Gusto ko sana mag react pero pinili ko ang maging tahimik.

Kanina ay binisita ko si Reila. Mukhang maayos naman siya pero bakas pa rin ang ilang mga pasa sa kanyang mukha at sa braso. 

"I said rest." Napatingin na ako kay Kael.

"Hindi ako pagod." Sabi ko. Napansin ko lang. Malalaki ang mga eyebags niya at medyo namumutla ang kanyang kulay. "Anong nangyari sayo?" Mahina kong tanong. Is he sick?

Hindi siya sumagot. Pumikit lang siya at nagtakip ng mukha gamit ang kanyang panyo.

May sakit ba siya?

Teka nga.. bakit ba ang concern sa kanya? Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana.

Habang nag-iisip ng malalim, hindi ko namalayang nakaidlip ako.

Dumilat ako. Nasa ibang kwarto ako at nakahiga ako ulit sa semento. Where am I? Am I in my dream again?

Tumayo ako sa semento at inikot ang tingin ko. This is the place where I found Lourdes.

Naglakad ako papunta sa kung saan ko nakita si Lourdes noon pero wala siya roon. Mukhang walang tao sa lugar na ito. Bakit ako narito? Ano ang ginagawa ko rito?

Narinig kong may bumukas ng pintuan. Mga gwardiya?

"Nasaan na kaya ang bruhang iyon??" Galit na tugon ng isang gwardiya.

Hinanap nila si Lourdes hanggang sa sinunog nila ang bahay niya. Kahit ako ay gulat na gulat. Why would they do that to her? Ano ba ang ginawa ni Lourdes? Ang huli kong nakitang nasusunog ay ang litrato na hawak ni Lourdes noon. Litrato ng batang babae na nakangiti.

Dumilat ako at nasa ginintuang kwarto nanaman ako pero may bahid na ito ng itim na dumi. Naglakad-lakad ako. Sa paglalakad ko, mayroong isang lalaki na nakatalikod saakin. Nakatalikod lang siya saakin. He is tall and well built. His hair is  dark brown. I am pretty sure he is not Kael. Who is he? I am about to approach him when darkness approached him.

Pagdilat ko ay nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Kael. Gising na siya at mukhang malalim ang iniisip. Umayos ako ng upo at tumingin sa dala kong orasan na binigay saakin ni Reila kanina. Its already twelve. I'm starving.

"Are you hungry?" Tanong niya saakin. Tumango lang ako. Pinahinto niya ang kalesa at pinahanda ang pagkain.

Hindi nakatakas ang pananakit ng ulo ko at ng dibdib ko. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. This headache is far more worse than the last time.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon