Chapter 19

1.9K 100 4
                                    

"Eto, inumin mo ito." Inalalayan ko si Belinda paupo at pinainom ang ginawa kong potion. Its been three days at walang pagbabago sa situation nilang lahat. Jade is under the care of Zandro. Sama-sama naman silang lahat dito sa malaking kwarto na ito. Kahit si Azuro ay nababahala na.

"S-salamat, Millie." Tumango ako at binalik ang basang bimpo sa kanyang noo.

"Ano ang nararamdaman mo?" Umubo siya bago sumagot.

"Pakiramdam ko hindi na ako makagalaw. Ang sakit ng ulo ko pati na rin ng katawan ko." Kumunot ang noo ko at nag-isip.

Inilagay ko sa lamesa ang mangkok na hawak ko.

"Milady, andito na po ang mga kahoy." Sabi ng isang kawal na kakapasok lang at bitbit ang mga kahoy.

"Salamat." Isa-isa kong hinagis ang mga kahoy sa fireplace para uminit ang paligid.

Kung tawagin ko nalang si Papa para tulungan ako dito. Tama. Baka alam niya ang solusyon dito.

Gamit ang wand, tinawagan ko si Papa. Mabuti at kaagad niya itong sinagot.

"Anak, napatawag ka." Nakita kong tumingin ang ibang kasambahay saakin.

"Papa!" Rinig kong sigaw ni Ate.

"Teka, Dorreen. Tumatawag si Millie." Ngumisi si Ate sa screen at kumaway.

"Anong problema, Anak?" Tanong ni Mama.

"Mama, Papa, tulungan niyo po ako. May sakit ang mga kasama ko sa palasyo. Lahat sila ay may mga sakit maliban saakin, kay Azuro at sa mga kawal. Tatlong araw na ang lumilipas at parang lumalala ang sakit nilang lahat. Ginamit ko na ang mga gamot na pwede kong gawin sa kanila pero hindi tumatalab." Nakita ko kung paano sumeryoso ang mga mukha nila.

"Natry mo na bang haluan ng dugo ang gamot na ginawa mo?" Tanong ni Ate. Tumango ako.

"Oo. Lahat nagawa ko na. Hindi naman maiwan ni Azuro ang mga gawain niya bilang hari." Sagot ko.

"Bueno, pupunta kami ni Dorreen dyan para tignan ang kalagayan nila. Hindi muna sasama ang Mama mo dahil kabuwanan na niya." Sabi ni Papa.

"Salamat, Papa!"

Sa isang iglap lamang ay narito na sila. Perks of being an elder. Kaya nila magteleport without using the portal.

"Sila ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Papa.

"Opo." Lumapit si Papa kay Rosa.

"Bigyan mo ko ng kutsilyo, Anak. Yung malinis." Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa at pinunasan ng tubig na may alcohol. Pagkatapos ay inabot ito kay Papa.

"Dorreen, kumuha ka Anak ng isang malinis na puting platito."

"Okay." Kumuha siya ng platito sa lamesa. Pinunasan niya rin ito ng bimpo na may alcohol.

"Hija," pagtukoy niya kay Rosa, "medyo masakit ang gagawin ko dahil titignan ko ang dugo mo para malaman kung ano ang sanhi ng sakit niyo. Tiisin mo muna, ha?"

Tumango si Rosa. Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Rosa at nginitian siya.

"Huwag kang mag-alala, Rosa. Alam ni Papa ang ginagawa niya. Elder siya sa lugar namin." Sabi ko para mabawasan kahit papaano ang takot niya.

Dahan-dahang hiniwa ni Papa ang daliri ni Rosa. Nakita kong nasaktan si Rosa pero tinitiis niya ito. Kumuha si Papa ng kaunting patak at pagkatapos ay inutusan si Ate na bendahan ang hiwa ni Rosa.

"Millie, tawagin mo ang Mahal na Hari." Utos ni Papa.

"Okay po." Nagulat pa siya ng makitang sumakay ako sa walis ko at mabilis na lumabas.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon