DOREEN'S POV
Its been a month. Wala namang kibo saakin si Kael kaya hindi ko rin siya pinapansin. Pero nakikita kong malungkot siya. Kahit na naaawa ako, may galit pa rin ang puso ko.
Pero nakakapagtaka lang kasi. Parang ang bait ng atmosphere dito. Ang mga daemons, although nakakatakot ang itsura ng iba sa kanila, lagi silang nakangiti. Hindi yung nakakatakot na ngiti ha? Ang ibig kong sabihin ay masayang ngiti.
Huminga ako ng malalim at sinara ang librong hawak ko. Well, malabo namang makatakas ako dahil kasal na ako kaya nagbabasa ako ng mga pwedeng maging lunas sa kapatid ko. Walang araw na hindi ko sila naaalala. Every night in my sleep, I always cry.
Makakabalik pa ba ako?
Makikita ko pa kaya ang pamilya ko?
Makikita ko pa ba sila Mama at Papa?
Makikita ko pa kaya si Marco at si Millie?
That, I don't know.
I chose this kaya kailangan kong panindigan. Lumabas ako ng silid aklatan at naisip na pumunta sa hardin. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.
Pagkalabas ko ay sumunod na kaagad ang dawalang guwardiya ko. Kael ordered them to follow me everywhere I go. Wala naman akong angal doon. Sa isang buwan na pamamalagi ko rito, hindi ko pa rin makabisado ang mga pasikot-sikot rito kaya mabuti na rin yung may kasama ako sa pag-iikot. Ang kagandahan lang sa kanila ay hindi nila ako iniistorbo at nagbibigay sila ng space para saakin.
Pagdating sa hardin ay umupo ako sa damuhan at humiga. Ginawa kong unan ang mga kamay ko at tumingin sa kalawakan.
Mama, Papa, miss ko na kayo. Kamusta na kaya kayo?
Hinayaan ko ang mga luha ko na tumulo. Miss na miss ko na sila. Araw-araw nagdadalamhati ang puso ko at walang araw na hindi ko sila gusto makasama o makausap man lang.
Kahit sa panaginip man lang.
Pumikit ako sandali nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Isa pang nakakapagbago saakin ay ang palaging pagbuhos ng ulan. Maulan sa lugar na ito at hindi gaano maaraw.
Hinayaan ko lang ang ulan na tumulo sa aking katawan. I heard the guards calling me pero binaliwala ko lang ito. I want to be alone.
Pinikit ko lang ang mga mata ko. Hinayaan ko lang ang ulan na tumulo. Baka kahit papaano ay maibsan ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko.
"What are you doing?" Mabilis akong dumilat. Its him. My husband. Tinitigan ko lang siya. Its been a week since I saw him. Pagkagising ko ay wala na siya. Pumunta sa ibang lugar.
"Nagpapaulan?" Tinaasan niya lang ako ng kilay at iniwan. Hmp. Pumikit ako muli para namnamin ang tubig nang makaramdam ako ng may tumabi saakin.
"O bat ka humiga?" Tanong ko.
"Just shut up. I'm tired." Pumikit rin siya tulad ng ginagawa ko. Umupo ako at tiningnan siya.
"Eh di sa kwarto ka magpahinga. Hindi dito." Tumawa naman siya.
"You know what, you're like your sister. Pero mas mataray ka." Nanlaki ang mga mata ko.
"Paano mo nakilala ang kapatid ko?" Ngumiti lang siya.
"Let's get inside. Lumalamig na." Sabi niya at nauna ng maglakad papasok.
His smile.. he likes my sister.
Huminga ako ng malalim bago sumunod.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa aming silid. Pagkapasok nami, kumuha ako ng mga damit at tinahak ang banyo. Binilisan ko lang dahil may susunod pang maliligo.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...