Chapter 48

1.1K 50 0
                                    

MILLIE'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig sa labas. Dumilat ako. I found myself in a small hut. Nasaan ako? Umupo ako at tinanggal ang kumot sa katawan ko.

"Mabuti at gising ka na." Napatingin agad ako sa aking kaliwa kung saan nanggaling ang boses. Isang lalaking nagbabasa ng libro. Mukhang mas bata pa siya saakin ng ilang taon. Walang mababakas na expression sa kanyang mukha. Tiniklop niya ang kanyang binabasa at humarap saakin. "Lourdes sent you, right?"

Dahan-dahan akong tumango. "N-nasaan ako?"

"Nasa mundo ka ng mga Wizards." Sagot niya.

Tahimik akong tumango. My heart is still heavy. I can't believe that I left them. I did it.

"Kumain ka." Sabi niya pa. Tumango lang ako. Wala akong ganang kumain. Ang bigat ng ulo at ng katawan ko. Idagdag pa ang puso kong durog.

"M-mamaya na lang." Mahina kong sabi sa kanya.

"Suit yourself. I'll just go out and walk."

Nahiga ako at nagtago sa kumot. Binuhos ko ang sakit na nararamdaman. My heart is bleeding. The pain is unbearable. I'm sorry, Azuro. I'm sorry. Please understand. I don't want you to witness my death.

As I cry, my head starts to fall into torture. Ang sakit. Parang tinutusok ng maraming karayom ang ulo ko. Nagsimula na rin akong kapusin ng hininga. Mukhang malalagutan na ako rito ng buhay. I can't move my body anymore.

I'm sorry my family. I'm sorry, Azuro. I'm sorry everyone.

Handa na akong mamatay. I hope Lourdes can give my letters to the people I love.

**************

THIRD PERSON

It's been three weeks. Millie is still sleeping. Walang humpay ang lalaki sa pagbantay sa dalagang pinadala ni Lourdes. Kung wala lang siyang utang na loob sa matanda, hindi niya talaga tutulungan ang dalagang nakaratay. Naalala niya nung pag-uwi niya sa tinitirhan ay naroon na nakahiga ang dalaga. Handa na siyang sumugod nang makitang may hawak itong papel at boteng wala ng laman. Doon niya nalaman na ito ang tinutukoy ng matanda na dapat niyang tulungan.

Hindi niya alam pero mukhang hindi na gigising ang dalaga. Pinakiramdaman niya ang pulso ng dalaga. Mahina na ito. Tumayo siya sa inuupuan at naglakad patungo sa mga lagayan ng mga garapon at kumuha ng ilang mga dahon doon. Dinikdik niya ang mga dahon at nilagyan ng kaunting tubig at hinalo. Isinalin niya iyon sa isang maliit na baso at binuksan ang bibig ng dalaga pagkatapos ay dahan-dahang binuhos ang gamot na tinimpla.

This will help the witch a little.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa nang makarinig siyang umubo.

"Ang pait. Ano yun? Pwe!" Tiniklop niya ang binabasa at nilapitan ang dalaga.

"What's your name, witch?" Nabaling naman ang tingin ng bagong gising sa kanya.

"Millie. Ikaw?"

"Abel." Tipid niyang wika. Nakita niyang huminga ng malalim si Millie.

"Akala ko patay na ako." Mahina ang pagkakasabi nito pero rinig niya.

"Unfortunately, you're not yet dead." Malamig nitong tugon.

Tumahimik lang si Millie. Nagsalin si Abel ng tubig at inabot kay Millie.

"Salamat. Pasensya na sa abala. Ilang araw na ba akong tulog?" Tanong ni Millie.

"Three weeks." Tipid na sagot ni Abel.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon