Chapter 52

1K 45 2
                                    


THIRD PERSON

Sabay-sabay silang kumain maliban kay Kalumi at sa pasyente nila Mang Nestor. Si Kalumi ay umuwi muna sa kanila at nangakong babalik mamaya pagkatapos ng hapunan. Nakaupo si Azuro at tahimik na pinagmamasdan ang mga kasama. Masarap ang inihandang pagkain nila Mang Nestor na ipinagpasalamat niya pati ng mga tauhan niya.

Abel is eating silently. Mukhang malayo ang iniisip nito.  

Hindi pa rin humihinto ang malakas na ulan. Mukhang sanay na ang lahat sa ulan dito sa mundong ito maliban sa kanya dahil hindi naman masyadong umuulan sa mundo ng mga bampira.

"Aakyat na po ako." Paalam ni Abel. Tapos na pala itong kumain.

"Hatiran mo ng pagkain si Milda." Payo ni Mang Nestor at tanging tango lang ang naging sagot ni Abel.

Naiwan naman sila ni Mang Nestor sa hapag.

"Mang Nestor, kaano-ano niyo si Abel?" Tanong ni Azuro. Uminom muna si Mang Nestor tsaka sumagot.

"Pamangkin ko siya, mahal na hari. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng mga magulang niya. Dito siya tumira saakin ng ilang taon bago niya naisip na magsarili. Ayaw ko sana yung naisip niya pero wala akong magagawa dahil iyon ang gusto niya."

"What's his source of income?" Naisip ni Azuro na baka may trabaho na ito dahil nagyaya si Abel na bumukod mag-isa.

"Mangagamot siya. Isang likas na manggagamot. Marami rin siyang pasyente kung tutuusin. Binibisita niya ang kanyang pasyente sa mga bawat tahanan at doon nireresetahan ng gamot. Malaki rin ang kita niya dahil marami ang may gusto magpagamot sa kanya." Namangha si Azuro sa narinig niya. Mukhang likas nga na doktor si Abel lalo na sa bata nitong edad.

"How old is he?" He asked again.

"Eighteen yours old na siya, Kamahalan." Tumango si Azuro sa naging sagot nito.

"Mukhang matalino si Abel." Papuri ni Azuro. "Tell me, does he knows anything about curses?" He asked again. Napaisip naman si Mang Nestor.

"Medyo may alam ang batang iyan. Kung hindi mo itatanong, mahilig siyang magbasa ng mga libro patungkol sa mga sakit, sumpa at mga pwedeng lunas rito."

Nabuhayan si Azuro. Bukas na bukas tatanungin niya si Abel tungkol sa sumpa ni Dorothea. Baka sakaling may pwede pang solusyon sa ibinigay ni Kael na sagot.

He will do anything for his beloved. Hindi niya hahayaang mawalay ito sa kanya. 

"Oo nga pala, Kamahalan. Kung mamarapatin niyo sana ay inumin niyo ang tsaang ito. Makakatulong ito na alisin ang presensya ninyo dahil baka matunton kayo ng ibang mga wizards." Sabini Mang Nestor at iniabot ang isang baso ng tsaa. "masyado pong malakas ang inyong presensya." Dagdag pa nito. 

Tinanggap naman ni Azuro ang tsaa at ininom.

************

Abel knocked before entering Millie's room. Umupo si Millie mula sa pagkakahiga at binigyan ng ngiti si Abel. A weak smile. Alam ni Abel na nanghihina na ang dalaga at malapit na ang oras na mawawala na ito sa mundo at umaasa si Abel na malulunasan niya ito iyon. Pero kahit ang mga gamot na pinapainom niya ay hindi na masyadong tumatalab kay Millie.

"You must eat." Abel said. Tumango naman si Millie. 

"Salamat. Kaya ko na." Sabi ni Millie. 

Kumuha si Millie ng sabaw at humigop. 

"Saan ka nga pala matutulog?" Tanong ni Millie sa kanya.

"Doon muna ako sa silid ni Mang Nestor."  Tumnago naman si Millie at nagpatuloy sa pagkain.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon