THIRD PERSON
Linus is thinking hard. Pabalik-balik siya sa paglalakad. Tulog na ang dalaga sa pagkakagising nito kanina. Hindi pa rin makaisip ng matinong plano si Linus. He knows that it would be hard if they'll go back there. Mas mabilis silang masusundan ng mga daemons and it would be really hard for them to cover themselves. Kung pupunta si Doreen sa kinaroroonan ng kanyang kapatid, baka mas lumala ang sitwasyon dahil maaaring lumusob ang mga kalaban doon.
Napasabunot ng buhok si Linus.
What should I do?
Iyan ang paulit-ulit na tinatanong ni Linus sa kanyang isipan.
Should I take the risk?
Huminga siya ng malalim at itinuon ang tingin sa natutulog na dalaga. Can he take the risk just to make her happy?
Huminga siya ng malalim at ibinaling ang tingin sa bintana.
Am I bothering you, Linus?
Kaagad siyang tumingin kay Doreen. Gising na ito.
I'm sorry. Kinabahan lang talaga ako.
Huminga ulit ng malalim si Linus at lumapit sa kinaroroonan ni Doreen.
"Its okay." Umupo si Doreen sa pagkakaupo.
I know it would be a risk for the both of us. Pero pwedeng ako nalang ang bumalik. Hindi mo naman ako kailangan tulungan. Problema ko ito, Linus. Ayokong isabay ka sa mga problema ko.
Parang nainis si Linus sa nabasa niya sa isipan ni Doreen. Gayun pa man, nagpatuloy pa rin si Doreen.
Linus, noong unang nagkita tayo payapa ang buhay mo pero ngayon halos hindi na tayo makapirme sa iisang lugar. Dalawang beses na tayong nilulusob ng mga daemons. Halos maubusan ka ng dugo at hindi ko kaya na makita kang ganun. Hayaan mo na ako ang umalis. Sigurado naman ako na babalik na sa dati ang buhay mo. Walang gulo at payapa.
Naluluha si Doreen nang tignan ni Linus ang mga mata nito. Nagpunas ito ng luha at tumingin kay Linus.
Thank you for saving me and being with me all the time. I appreciate it. Hayaan mo akong mag-isip ng mga solusyon. Ako ang pinupuntirya ng mga daemons kaya hayaan mo nalang ako.
Galit na hinampas ni Linus ang lamesa.
"You're saying that I should just leave you? Ganoon ba, Doreen? Ganoon ba?!" Gulat na gulat si Doreen pero umaapaw ang galit kay Linus.
"You think I can understand that? You think I will let you? You think?! Doreen naman! You're my mate! Kabiyak ko! Paano mo nasasabi saakin 'yan?!"
Sa galit ni Linus ay ibinalibag niya ang mga upuan at ang lamesa. How can she say that to him? Galit na galit si Linus pero kaagad rin siyang natigilan ng makaramdam siya ng yakap sa kanyang likod at ng makarinig siya ng mga hikbi.
His mate is crying.
"I-I'm sorry.." rinig ni Linus na sabi ni Doreen. Humarap si Linus sa dalaga. Humihikbi itong umiiyak. Kulay ginto ang kanyang mga mata at nakayakap ito sa kanya na parang kumukuha ng lakas.
"I'm s-sorry, Linus. Please stop."
His heart is breaking as he sees his mate crying and pleading him to stop. Mahigpit itong nakayakap sa kanya. Inangat ni Linus ang mukha ng dalaga pagkatapos ay inilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga at walang paalam na hinalikan ito sa kanyang mga labi.
Buong puso na tinanggap ni Doreen ang halik ni Linus kahit na nagulat siya.
"Stop pleading." Sabi ni Linus. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang mga mukha ni Doreen. "We're mates. Hindi kita papabayaan. Diba ang sabi mo kaya natin itong dalawa. Why leave me alone? If you want to give up, do you think I want that, too? No, Doreen. I will never give up."
BINABASA MO ANG
The Witch and the Vampire
Fantasy"Hihihihi!!!!" Sakay ng aking walis ay lumipad ako pahimpapawid. I smiled ear to ear as I saw the beauty of our land. I am Millie Dorothea V. Maeve. A beautiful and sexy creature and a witch by heart. I sway my foot and drive my broom downwards. ...