Chapter 6

2.6K 127 31
                                    

Pagkakain namin ni Azuro ay umalis siya kaagad. Sakto naman na pumasok ang mga katulong. Nagliligpit ako ng mga pinagkainan namin.

"Gosh, Millie! Close pala kayo ni Prince Azuro?" Tili ni Flora.

"Oo nga! Grabe ang beauty mo!" Segunda ni Jofelle. Ngumiti ako ng malapad.

"Syempre. Maganda ako." Sabi ko sabay flip ng hair.

"Nilandi niya kasi." Rinig kong wika ni Belinda. Tumingin ako sa kanya. Masama ang tingin niya saakin na para bang may ginawa akong hindi maganda.

"Tumigil ka nga, Belinda." Saway ni Flora.

"Totoo naman eh. Hindi naman lumalabas ng palasyo ang prinsipe. Ginayuma niya siguro ang prinsipe kaya tignan niyo! Gusto niyang si Millie ang nagpupunta doon. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mabuntis si Millie dahil malandi siya." Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya kaya hinatak ko siya ng malakas at tinulak. Gulat naman ang iba sa ginawa ko.

"Hoy Belinda. Kung nagagalit ka o naiinggit  ka huwag mo sakin ibunton! Ano ba ang pinuputok ng butsi mo at pinagsasabi mo yan ha? Gumagawa ka pa ng kwento na dyan! Tumigil ka dahil kapag ako hindi nakapagtimpi, makikita mo ang hinahanap mo." Kaagad ko silang nilayasan pero bago ako makalabas narinig ko pa ang sinabi niya.

"Totoo naman kasi. Malandi ka. Tanggapin mo na sa sarili mo." Pumikit ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Naiinis ako sa inaasal niya. Nababagay bang iligtas ang mundong ito kung ganito ang trato ng mga yan saakin?

"Belinda, baka magsisi ka sa huli. Mag-iingat ka ng pananalita." Sabi ko sabay layas.

Inis akong nagpunta sa kwarto. Nakakainis!

"Millie! Narinig ko ang mga nangyari." Kaagad na pumasok si Jade at umupo sa harap ko. "Inggitera talaga yan si Belinda. Huwag mo ng pansinin."

"Ang kapal ng mukha niya para sabihin na malandi ako!"

"Kalma ka lang, Millie. Kumalma ka. Wag mo na siyang isipin. Ang isipin mo ay ang mission mo." Inis akong bumaling sa kanya.

"Paano naman ako makakapagconcentrate kung iniinis ako ng babaeng yon?" Huminga siya ng malalim at tinapik ang balikat ko.

"Millie, hayaan mo na siya. Insecure lang yun kasi maganda ka. Ang mga tulad niya ay hindi na dapat pinapansin. Huwag mong  ibaba ang lebel mo sa kanya. Mas mataas ka pa sa kanya, Millie." Natauhan ako sa sinabi ni Jade.

"Salamat, Jade. Pero kung marinig ko ulit yan, hindi ako magdadalawang isip patulan ulit siya."

"O siya. Kakain na ako."

Dumeretso ako sa banyo at naligo. Nagtagal ako sa banyo at nagkiskis ng maigi ng katawan.

Pagdating sa kwarto, naroon si Jade at nagbabasa. "Ang tagal mo maligo!" Kinuha niya ang twalya niya at umalis. Tiningnan ko ang binabasa niya. "The prince and the tramp." Ano yan? Novel? Mahilig pala si Jade sa mga love stories? Psh. Masyado siyang nahuhumaling sa prinsipe niya.

Kinuha ko ang brush ko at sinuklay ang mahaba kong buhok. Habang nakaharap sa salamin, nakita ko kung paano saglitang nagkulay ginto ang mga mata ko. Kaagad akong tumayo at tumingin sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang madilim na kalangitan. Wala akong makitang buwan. Kung walang buwan ngayon, ibig sabihin.. manghihina ako. Kinuha ko kaagad ang wand ko sa ilalim ng unan ko.

Eto ang isa sa mga problema naming nga witches. Mahina kami kapag walang buwan. Okay lang kung nasa bahay ako dahil may pangontra sa panghihina namin pero nasa ibang mundo ako! Bakit ba hindi ko naisip ito?!

Sinilip ko ang kalindaryo at nanlumong wala ngang buwan ngayon.

Ginamit ko ang wand ko para palutangin ang unan pero hindi gumagana ang wand ko.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon