Chapter 21

1.9K 86 7
                                    

UNEDITED PO.

**********

CHAPTER 21


"Anak, limang araw kang tulog."

Halos tumigil ang paghinga ko sa narinig ko. Nakatanggap ako ng mahigpit na yakap mula kay Mama pero tulala pa rin ako.

I-imposible.. hindi..

"Papunta na ang Papa mo rito. May tinatapos siyang papeles at susunod na sila ni Dorreen kasama si Marco."

"S-si Azuro?" Tanong ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinaplos muli ang buhok ko.

"Bakit parang mas nag-aalala ka pa sa kanya kaysa sa sarili mong kalagayan?" Mahinahon niyang tanong. Huminga siya ng malalim bago inipit sa aking tenga ang buhok ko. "Siya ang tumawag saamin nang hindi ka niya magising-gising. Labis ang pag-aalala niya para sayo, Anak."

Pinigilan ko ang mga luha ko. Ayokong umiyak sa harapan ni Mama. Ayokong magpakita ng kahinaan. Ngumiti ako ng malawak kay Mama.

"Tara na, Mama. Gusto ko ng kumain at nagugutom na ako." Ngumiti siya saakin pero alam kong sobrang nag-aalala siya sa kalagayan ko.

Naghilamos muna ako bago kami sabay na lumabas ni Mama sa kwarto.

Tila lahat sila gulat nang makita ako. Nakayuko lang ako at malalim ang iniisip.

"Millie," halos pabulong na sabi ni Jade. Nag-aalala ang kanyang itsura. Nginitian ko lang siya.

Sabay kaming kumain ni Mama. Tahimik lang kaming kumakain. Nararamdaman ko ang mga titig ng mga kasama namin sa kusina pero hindi ako umiimik.

Saktong pagkakain namin ay dumating sila Papa. Bitbit ni Ate si Marco na ibinigay niya kay Mama.

"Doon nalang po tayo sa hardin." Sabi ko sa kanila. Hinawakan ni Ate ang kamay ko. Alam kong pati siya ay nag-aalala din.

"Huwag kang mag-alala. May sagot sa lahat ng katanungan mo." Bulong ni Ate. Tumango nalang ako. Pagkaratingsa hardin, doon ko nakita si Azuro na balisa. Nasa harapan siya ng mga sunflowers na tanim ko. He looks lost.

"Papa, saglit lang po, ah." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Doon nalang kami sa loob maghihintay. Mas makakabuti kung isasama mo siya sa pag-uusap natin." Tumango ako. Naglakad ako papunta kay Azuro. Hindi niya ata ako napansin dahil hindi siya gumalaw.

"Azuro," Doon siya tumingin saakin.

"Y-you're awake.." huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Syempre naman magigising ako, noh! Sorry." Niyakap ko siya ng mahigpit. Sinuklian niya ako ng mahigpit na yakap.

"Please don't do that again." Tumawa ako ng kaunti at kinurot siya sa pisngi.

"Tara na? Naghihintay sila Papa." Hindi niya pinansin ang sinabi ko at niyakap niya lang ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Sorry." Sabi ko.

I felt him kissing the top of my head. "I was worried sick."

"I know. Let's go?" Humawak siya sa kamay ko at sabay kaming pumasok.

"There you are." Mama said cheerfully. Ngumiti si Ate nang makita kami. Si Papa naman ay seryosong nakatingin saakin. Narito rin si Jade at si Zandro.

"Maupo kayo." Wika ni Papa. Magkatabi kaming umupo ni Azuro. Hindi nuya pa rin binibitawan ang kamay ko. "Millie, matanong kita. Ilang beses ng nangyari ito saiyo?" Tumingin muna ako kay Azuro bago sumagot kay Papa.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon