Katext ko na naman si Mr. Aj Alejo. Ang mokong na'to, makaEnglish wagas! Hahah tapos biglang papupuntahin ako sa kanila? ESE!
"punta ka nga dito sa bahay, wala akong kasama eh nagpunta silang lahat sa Airport," (text ni Aj)
"di ko alam bahay nyo." (text ko)
"dito ako nakatira sa Sagaba, malapit lang sa school bahay namen. Paglagpas mo ng paradahan, hihintayin na kita dun sa tapat ng tindahan." (text ulit ni Aj)
"ano? Di ko alam jan eh sensya." (text ko ulit sa kanya)
Nielyn's P0V:
"aus din 'tong si Mr. Aj Alejo ah di pa nga kame magkakilala eh pinapapunta na'ko sa kanila. Bakit? May malalamon ba sa kanila? (PG lang) pero teka, di'ko naman alam bahay nila tapos kuntodo sketch pa sya eh kahit naman anong explain nya kung di pa'ko nakakapunta lagpas sa school side eh hindi ko din mage-gets explanation nya. And, as if naman pupuntahan ko sya, kung alam ko talaga noh? Gwapo mo, oi. XD"
Aj: di ba Apitong ka?
Ako: oo, bakit?
Aj: kilala mo ba si Harvin?
Ako: naman, mahangin un eh
Aj: bakit naman mahangin?
Ako: sekreto hahah ui, gabi na pala. Cge, antok na'ko.
Aj: cge, nyt.
Ako: oh, isang english pa nga jan Mr. Aj Alejo.
Kinabukasan ay may pasok na, sinabi ko kay Clarisse (kaibigan/classmate ko bilang 3rd yr. HS) na katext ko si Mr. Aj Alejo, tapos nagkwento na sya saken tungkol sa kanya. Unlike, sa usapan ng mga pinsan ko mas interesado akong pakinggan si Clarisse. Mas naintindihan ko ang storya nila na hindi alam ng iba. Nakaramdam ako ng awa para kaya Mr. Aj Alejo. Sa kabilang da ko, nung paglabas ko ng room namen nakita ko si Harvin kasama si Mr. Aj Alejo, narinig ko pa sabi nya, "yan si Nielyn oh" pero di ko un pinansin hahah ilang days na din kame magkatext ni Mr. Aj Alejo at gusto nya makipagmeet saken. Nakita ko sya kasama mga barkada nya nung dumaan sa room namen. Wow! Seryoso ata to makipagmeet kaya nagpasya akong labasin. Ui, nakatambay na sila sa bench sa tapat ng 3-Yakal at kasama pa sila Aya (classmate/di'ko close). No wonder kung bat sila magkakilala eh classmates sila last yr.
Balak ko naman talagang sumipot sa pinag usapan namen at palapit na sana ako sa kanila pero nung tinitignan ko na sya? Na-TURN.0FF ako, sobra! Enebenemen? Aun. Ininjan ko sya.
Nielyn's P0V:
"ano ba'tong Mr. Aj Alejo'ng katext ko? Akala ko pa naman matino syang tao. Eh sinong matinong lalake ang makikipagmeet ng nakaHEAD.BAND at HIKAW pa. Ew! Mukha syang goons! NakakaTURN.0FF talaga sya. S0BRA..!!"
Hindi ko na maalala kung nagkatext pa ba kame right after that moment pero di nagtagal naiwala ko ung Cp ko. Ewan ko lang ha? Pero gamit ko pa un nung umaga. Siguro mapagbirn talaga ang mundo. Nakasalubong ko si Mr. Aj Alejo sa canteen kasama si Chino (partner ko sa up.coming js prom). Napaisip ako kung lalapitan ko ba sya para sabihing nawalan ako ng Cp at itanong kung kinokontak pa ba nya ako don pero naisip ko din, pano kung isagot nya saken na hindi? At sabihin nya na wala syang pakealam? Ayoko naman mapahiya sa harap ng maraming tao noh? To think na mukha syang suplado eh ang nakakainis pa, di nya ako nakilala eh ang lake-lake na nga ng name plate ko. Hmf! Galit ata dahil ininjan ko. Guilty tuloy ako. What to do now? Men, bakit ba'ko nagkakaganito eh di naman kame close ng taong to? Tsk.