Chapter 49

16 0 0
                                    

Natapos na ang JS PR0M so, wala ng inaabangan kundi ang mahiwagang graduation. Syempre bago un, may kaek.ekan munang pinagawa samen si Ma'am Alvindia. Pinagawa nya kame ng Authograph, one by one. Syempre, ano pa nga ba ang ginagawa ng isang Girlfriend? Ehdi, sinasalo ang mga gawaing pambabae db? In short, ako ung gumawa ng kay Aj, pinasagutan ko lang sa kanya sa papel tapos ako na nag aus. Syempre, couple kame kaya alternative ang mga kulay na ginamit ko (blue at green, my favorite and his favorite). Kinabukasan, ay pinakita ko sa kanya at pinasa ko na.

Makalipas ang ilang araw ay;

Jay: Nielyn, may sasabihin ako sayo?

Ako: ano un?

Jay: olan, ikw na magsabi...

Roland: ung picture mo sa Authograph nawawala? Alam ni Jay kung sino kumuha?

Ako: weh? Sino?

Jay: si Wendy.

Ako: seryoso?

Jay: oo, kitang-kita ko talaga.

Syempre, bad 3p na'ko nun! Sa taas, nag kwento ako agad sa mga barkada ko tapos, may hawak ng choke si Rochell. Nagsusulat sya ng Nieriel_27 at nagsulat ng 10 tapos nilagyan ko ng X.

Kinabukasan, hinarang ako ni Kathleen;

Kathleen: Nielyn, ikaw ba nagsulat sa bintana namen?

Ako: hindi..

Kathleen: eh sinong magsusulat nito?

Ako: pakealam mo? (at tinakpan ni Aj ang bibig ko at diretso kaming naglakad)

Samantala, pinagwawalaan ako ni Kathleen (friend ni Wendy). Nagsisisigaw sya! Napakapalengkera nya. Bute nung mga time na un, nakakapagtimpi pa ako at nanahimik lang. Buong section ko din kase ang nagsasabi na wag ko ng patulan kaya pinipigilan ko din talaga ang sarili ko nun.

After lunch, ay pinatawag ako ni Ma'am Alvindia sa SGO Building, di umano'y isinuplong nila ako sa salang Vandalism. Syempre, tatawa-tawa lang ako habang kausap si Ma'am, (close kame eh).

Ma'am: Nielyn, totoo ba na nagsulat ka sa bintana namen? (sya ang adviser ng Section Pearl)

Ako: Ma'am, hindi po...

Ma'am: eh bakit sinasabi nilang may sulat? Sino nagsulat nun?

Ako: Ma'am, ako nalang po parusahan nyo, pangalan ko naman po ung nakasulat eh (di ko talaga ugaling manlaglag ng kaibigan)

Ma'am: sigurado ka?

Ako: opo (ngiti)

Ma'am: sasaluhin mo talaga?

Ako: yes Ma'am... (natatawa.tawa na ako, pinatatagal pa ni Ma'am ang usapan)

Ma'am: hindi mo talaga sya ilalaglag? Sabi mo lang kung sino para alam ko.

Ako: si Rochell po pero labas po sya dito.

At pinatawag nga si Rochell. Mejo, sinermonan kame ng konte. Tapos, jamingan na agad. Syempre, pagkakataon ko na to para makabawi sa kanila;

Ako: Ma'am, ung picture ko daw po sa Authograph na pinasa ko, nawawala?

Ma'am: di ko alam, sino nagsabi sayo?

Ako: sila Jay po, ang sabi kinuha daw po ni Wendy.

Nagulat si Ma'am, kaya pinatawag sila Wendy. Tapos, sa loob kame nilitis;

Ma'am: Wendy, hindi naman pala talaga si Nielyn ang nagsulat eh bakit pinagbibintangan nyo sya?

Wendy: eh pangalan po nila ni Aj ung nakalagay (Nieriel-NIElyn at aRIEL jr)

Ma'am: kanina, umamin na ung totoong nagsulat

Ako: (pangiti-ngiti lang)

Ma'am: oh,Anong masasabi nyo?

Ako: wag kase mambibintang Ma'am, mali po un (tapos ngingiti ako ng makaloko)

Ma'am: tama un (napangiti din si Ma'am)

Ako: bute nalang di ko kayo pinatulan (evil laugh)

Kathleen: di pinatulan eh nagsasalita ka nga nun, tinakpan lang ni Aj bibig mo (galit na sya)

Ako: syempre nagtatanong ka ehdi sumasagot naman ako (ngiti ulit, pampaasar lang)

Ma'am: Wendy, totoo bang kinuha mo ung picture ni Nielyn?

Wendy: wala po akong kinukuha.

Ma'am: eh sinong kukuha si Leynam?

Wendy: oh,bakit naman po kukunin ni Leynam ung picture ni nya?

Ma'am: bakit nga ba? Diba X ni Leynam si Nielyn? At si Nielyn meron ng Aj.

Wendy: mas gusto ko nga po si Ana kesa kay Nielyn

Ma'am: eh wala tayong magagawa kung si Nielyn na ang gusto ni Aj. May issue kaba dun?

Wendy: ang tagal na po kasing nililigawan ni Aj si Ana eh tapos bilang sila ni Nielyn

Ako: (sa isip ko, makapagsalita to eh wala naman syang alam)

Ma'am: oh, eh maganda naman si Nielyn, nagseselos kaba o naiinggit?

Wendy: hindi po, X na po si Aj,eh

Ma'am: ha? Si Nielyn, x si Leynam na Bf mo tapos ikaw, x mo si Aj na Bf nya? Nagpalitan lang pala kayo. Kaya pala..

(pareho na kaming tatawa.tawa ni Ma'am)

Ma'am: Wendy, ilabas mo na ung picture bago pa naten mahalungkat ung mga pinagdaanan nyong dalawa

Wendy: wala po talaga saken Ma'am

Ma'am: ayoko ng sinungaling Wendy, may nagturo na sayo.

(at napaiyak si Wendy sabay pinalabas na ako ni Ma'am)

Aj's P0V:

"kamusta na kaya si Nielyn? Bakit ang tagal nya? Baka pinagagalitan sya dun,ah ayaw pa naman nya ng ganon tapos wala ako sa tabi nya, lage nalang akong walang ginagawa para sa kanya. Ok lang kaya sya? Nag aalala na ako."

Cherry: tumatawa naman si Nielyn,eh

Clarisse: kaloko! Ano kayang ngyayare sa loob? Hahah

Pag labas ko, nagpakwento agad sila.

Nielyn's P0V:

"ang yayabang nyo magsumbong ha? Oh,ano kayo ngaon (evil laugh) masama na ako pero, masayang.masaya akong nakikitang umiiyak si Wendy kanina. Nakakaawa sya,o0. Pero lamang talaga ung tuwa ko eh Feeling na nakabawi ako sa lahat ng pinag gagagawa nya at nga mga barkada nya saken? WAGAS. Feeling na ginisa sila sa sarili nilang mantika? ow, heck treasured!!"

Pag uwi sa bahay syempre, nagkwento ako sa Lola ko. Ganyan kame mag Lola,yan ang pinakaBonding namen. Pag gising ko ng umaga. Whoa! Nasa.divider na ung picture ko. Kilala pala ni Ateng Beth(tita ko actually) sila Wendy at kanina ngang tulog pa ako ay nagkita.kita sila (si Lola at si Wendy). Sinabon daw ni Lola si Wendy at umiiyak lang daw sya, umamin pa daw na nagseselos at naiinggit lang sya saken kaya nya ako pinag 33pan. Grabe! Ang sarap siguro kung narinig ko un mismo sa kanya (EVIL.LAUGH)

Syempre papatalo ba si Wendy? ehdi hindi, nagpasa sya ng Quotes saken at syempre pipasahan ko din sya:

"Wendy: masarap mag mahal ng sobra kaya sobra din ang sakit pag iniwan ka. masarap ding ipakitang mahal mo sya pero hirap yatang magpakatanga sa isang taong kahit kelan di mo alam kung minahal kaba talaga nya.

Ako: Yes, it hurts to be rejected by someone you love but believe me, it hurts 10x more kung nakaMOVE-ON kana tapos biglang babal;ik pa sya para sabihing; "i still love you, ano? pwede paba?"

Wendy: minsan tinanong ako; kaya mo bang ibigay lahat-lahat sa taong mahal mo? bigla akong natahimik, tapos sabi ko; kulang paba ung pumayag akong iwan nya para magmahal sya ng iba?

Ako: nauna sya sa puso ko pero niloko nyo ako. pinilit kong makalimot at ngaon nagawa ko na, sinong mag aakalang babalik pa sya? eh, may bago na kaya ang sabi ko sa kanya; "x, huli na...may mahal na kong iba"

Oh, diba ang taray ng batuhan namen ng mga Quotes?! (evil laugh)

16 Years DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon