17-September-09, Thursday. Pumasok din ako ngaon. Napakasaya ko talaga. Sa MAPEH, sumayaw kame tax, si Jonnel ulit partner ko. Ang siste, wala akong damit na pangBallRoom kaya nakaDress ang lola mo. Ung friend kong bale, si Marlon naging Marla (evil laugh) sinusuot nya ung damit ko at ito na nga ang oras na ako na magsusuot nun. Syempre, naka.High heels ako at dress na Pink (cocktail dress). At syempre, tinginan na naman mga taong nadadaanan ko. Wala akong make.up nun. Polbo lang at lipgloss taxka, jewelries. Sa dance place;
Ako: Jackie, nakita mo ba sila Clarisse?
Jackie: hindi,eh
Lea: wow! Nielyn ang cute naman ng damit mo (:
Ako: ah, wala kase akong pangBallRoom eh
Pag talikod ko, saktong nagsalita ulit si Lea sa mga kabarkada nya (kila Geneva, Jackie at Anna)
Lea: sana sinabi nyong JS na pala ngaon ehdi sana nakapag prepare naman tayo diba?
(tapos nagtawanan silang magkakabarkada)
Nielyn's P0V:
"ipokreta! Naturingang nasa First Section,ganyan ka. Sa totoo lang, ibig-ibig kong humarap nun. Gusto kong ipamukha kung gano kapanget ang mga damit nila compare sa suot ko. Feeling na alam mong ayaw nya sayo pero pinaplastic kapa nya? Naku, kung di lang talaga sya pinsan ni Aj baka nasampal ko na sya sa pinakita at pinagsasabi nya. Kasalanan ko bang mag suot sila ng basahan at magbitter.BITTERan sila bilang nagmumukha silang basahan sa tabi ko? Compare sa suot ko? (evil laugh)."
2nd place naman daw kame, bute nga mabait si Jonnel saken,eh tax nagpractice pa kame ng "swing" ok na nga sana,eh kaso nakakailang lang kase lagi kame magkahawak kamay as in from the top un,eh
Kanhna nakita ko si Aj, tumitingin pa sya kay Jonnel,eh Syempre partner kame kaya iniiwas ko nalang ung tingin ko at ito pa, kase na.late akong dumating sa practice bilang ayoko talaga nakikisabay at siksikan. Si Jonnel partner na si Ate Kath so,no choice ako kundi upo sa isang tabi kesa naman mukha akong "ngata" na sumasayaw ng walang partner diba? Nakatingin naman ako sa kanila.
Tapos, parang nagpapapansin si Aj saken.
Aj: Jonnel, ung partner mo dun,oh (sabay turo saken).
Tapos, nung umupo ako tinitignan ako ni Aj.
Nielyn's P0V:
"Sana nga magkatotoo ung mga wishes ko. Malapit na kase ang birthday ko."
Sa MATH, masaya naman kame, usapan bout sa codename ng grupo pero coincident lang na 7 kame at pag pinagsama.sama ang numbers namen (ung birthday) 77 at may sarili na kaming language agad.AGAD at si Gladys at si Mia? Parang galit samen so, ganon na din kame sa kanila para patas diba? (evil laugh)"