18-December-09, Friday. Sa pag pasok ko masaya ako, dala ko na ung project ko sa Filipino, bilang busy ako kakalecture ay di ko un natapos pero konti nalang naman ung idadagdag ko. Tinulungan ako ni Aj kaya mas napadali (actually, napabagal nga eh ang kulit kase nya. Tipong, titignan ka muna bago magsulat o kaya makikita mong tinititigan ka habang nakangiti sya) nung natapos ko un,eh hinihiram ng mga classmates ko kako di na pwede kase. .iuuwi ni Aj un eh. Sa mga dumaan na araw ay si Aj ang nagdadala ng mga note books ko tapos, napunta ako sa personal area, patingin-tingin ako dun ng;
Ako: teka, akin to,ah sabi ni Aj iuuwi nya mga notebook ko bakit andito to?
Maya.maya pa ay dumating si Aj;
Ako: sabi mo inuwi mo Notebooks ko?
Aj: eh kase kahapon...
Ako: (tinitignan ko na sya ng masakit)
Aj's P0V:
"kahapon kase dala.dala ko naman talaga yan. Tapos inutusan ni Sir V. Si Gem, nagpasa saken at sabi nya iwanan ko nalang daw muna dahil babalik pa naman kame. Tapos, ginabi na kame sa kanila at wala ng tao sa J0LNHS. Ung guard nalang natira eh ayaw na magpapasok. Tiwala naman ako na safe un. Di ko alam na magkakaganito. Sorry, kasalanan ko."
Nielyn's P0V:
"ano kaba Aj? Wala kang kadala.dala eh alam mo ng kaylan lang ngyare na to tapos iniwan mo pa ulit? Sana sinabi mo kung tinatamad kana pala ehdi sana ako nalang db? Hindi sana nagkawalaan ulit."
At nagtatampo nga ako sa kaENG-engan ng mahal ko. Habang masaya ang lahat sa mga palarong pambatang ginawa nila (hindi ko nasabi, Christmas Party namen ngaon) kame naman ni Aj ay nag aaway bata din. Bumaba ang lahat para sa larong "pahabaan", lahat sila masaya kame lang hindi. Aligaga kaming naghahanap ng mga notebook ko. Pito lahat un. Nakita ko na sa Personal Area (lagayan ng mga kung ano-ano, as in halo-halo na dun) ung 4. Sabi nya, dun lang talaga nya nilagay kase daw ung mga notebooks nya madalas andun lang at wala namang gumagalaw. Hanap pa din kame sa awa ng Dios dun sa tatlong nawawala, wala din akong nakita (tatawa ba ako o maiines) si Aj, nakita na nya ung Math notebook ko, TLE nalang at MAPEH. Maya-maya pa ay nakita nya ung TLE. (feeling na ngumingiti pa sya habang pinapakita saken na hawak na nya. Iiii, bad 3p ako nun sobra pero nakakakilig talaga sya). At syempre, wala talaga ung MAPEH.
Tapos, nag siakyatan na mga classmates namen. Gutom na sila kaya nag ayang kumain.
Aj: Nielyn, oh (may inaabot na paper bag saken)
Ako: ano to? (syempre, gulat.gulatan ang peg ko)
Aj: para sayo yan, di ko maibigay nina kase nagagalit kapa. Sana magustohan mo. Si Mama pumili nian.
Ako: thanks! (wala akong masabi nun, ngumiti lang ako at nagpasalamat)
Nielyn's P0V:
"itong Aj na to dinamay pa Mama nya sa pag pili. Iii, kinikilig ako. Tapos, nakita ko ung gift nya saken Hello Kitty na Pink. Hindi ako fan ni Hello Kitty at lalong di ko gusto ang pink pero ito? Itong gift nya na to? Gustong-gusto ko talaga (tawa) nakakahiya talaga ako, bakit di ko naisipan bumili ng regalo ko para sa kanya? Hay, naku!"
pagkatapos kumain, gusto nya mag papicture kame pero;
Aj: Nielyn, picture tayo?
Ako: ha?
Aj: sige na...please?
Ako: sige na nga (eh pano ko ba tatanggihan ang mahal ko?)
Sa pag tayo namen;
Cherry: Nielyn,dito kayo ni Aj. Masilaw jan eh
At sa paglipat namen ay nagtinginan ang mga classmates namen, nagsisigawan sila. Nakatayo pa din ako tapos si Aj umupo. Tinignan ko lang sya. Dismayado ang tingin na un.
Ako: at ikaw pa talaga ang may ganang umupo saten?
Aj: sorry, kase eh nakakailang sila.
Ako: ok,wag nalang. Madali akong kausap.
Aj: ha? Teka, dun nalang tayo sa labas para walang istorbo.
Ako: ayoko na!
Aj: lika na... (hinawakan nya ang kamay ko at syempre, natunaw ako nun at dahil nga galit ako tapos biglang kinilig ay di maipaliwanag ang mukha ko)
Malayo pa kame ay may sumisigaw na;
Princess: hi, ate Marian! (Marian ang tawag saken ni Princess/lower year level super fan ko sya/hindi sya nabigong bumati saken ng masaya sa twing makikita ako)
Ako: (hindi ko sya pinansin)
Princess: ate Marian, galit kaba saken? Bakit di mo ko pinapansin?
Ako: diba sabi ko sayo ako si Nielyn? Hindi Marian.
Princess: opo,
Ako: at diba sinabi ko din sayo, wag mo na akong tawaging Ate Marian? At kapag tinawag mo ako nun di na kita papansinin?
Princess: sorry ate Nielyn. Bf mo? May LQ kayo?
Ako: (tinaasan ko sya ng ulo)
Pano ba naman kung kaladkarin ako ni Aj, ganon-ganon nalang. Biglang sa isang iglap wala na ang hiya nya (evil laugh).
At nakapagpicture din kame. First picture!
(C.L.I.C.K.)