chapter 8

24 0 0
                                    

Aj's POV:

"binigyan pa ako ni Aa ng letter pero si Geneva ang nag abot saken. Syempre hindi ko na un binasa at tinapon ko nalang sa paso, dun sa labas ng SGO Building. Nakita ni Ana un at pinulot agad nila. Ewan. Wala na akong balak basahin un eh wala na din akong pakealam sa mga nakasulat dun."

Pumasok ako ngaon at syempre nakita ko na naman si Aj. Akala pala nya galit ako sa kanya, (kasi nakatext nya si Jamil at nagpanggap na girl) may kasalanan din naman ako dun pero dun ko din nalaman kung seryoso ba sya o hindi. (galit na galit sya kay Jamil). Di naman ako galit eh nawalan lang ako ng tiwala sa kanya (kumbaga sa tetris andun na, nairank down pa). At kanina nagpaparinig sya kay Anna 'bout sa 3yrs. Daw na pinaasa sya at ngaon bat daw nagsisisi. (oo, 3yrs. Palang daw naman silang MU at hindi 4yrs. Lokong un, he must be something on)

Nielyn's P0V:

"again, flaterred ako kasi mukhang ako na nga talaga kaso, nahe-hurt ako para kay Anna. Guilty ako dahil ako ung reason kung bakit sya nasasaktan".

Tapos, dun sa computer room, tinabihan ako ni Aj. Tinitignan daw kami ni Anna (sabi ng mga friends namen). Ewan pero natatawa talaga ako kay Aj eh. Pag nagsasalita sya parang kinakain nya ung sinasabi nya. Pero mukha naman syang nagsasabi ng totoo pero, habang sa'kin sya naniniwala ehdi magtitiwala din ako sa kanya (kahit nabawasan na ung tiwala ko).

7-July-09, tuesday. Masaya ako ngaon dahil natapos ko na ung short love story na ginagawa ko at nagandahan naman daw ng mga nakabasa (ewan kung totoo o bola). As usual tinabihan ako ni Aj, pero iba to kasi talagang nag usap kami kaso nakatayo lang sa tapat pa ng Cr (kinikilig na nga sana ako kaso kapanghi naman dun so, bad trip). Tapos, tinawag sya ni Sir Madarang (akala daw ni Sir pinatay nya ung main switch) napagalitan daw sya ng di oras kaya nagmamakto sya na parang bata (ang cute nya pero nabubwisit na pala sya). Tapos, magkatext ulit kame.

Aj: bad trip! Di tuloy tayo nakapag usap ng matagal.

Ako: ganyan talaga ang life, panapanahon lang yan.

Totoo naman db? Kinabukasan, nalaman kong di ako ung napili sa love story pero aus lang naman un kasi si Marife naman ung napili at ako daw napipili nilang bida. (pinapatawa naman nila ako eh hahah malay ko ba sa mga ganong eklaber)

Tinabihan ulit ako ni Aj at andun pa si Anna, as in ung harap-harapan na'to (dito na magkakaalaman). Tapos lumapit sa'kin si Aya (ung friend ni Wendy na malaki ang galit saken) nanghiram sya ng gunting kahit alam kong mabait lang un pag may kelangan saken, pinahiram ko pa din sya. Natatawa ako pero pinipigilan ko (ngiti). Kitang-kita kasi na naaasar si Aya dahil andun si Aj.

Nielyn's P0V:

"ang taray ng lola mo (evil laugh). Feeling ko, sobrang naaasar si Aya sa'kin kasi nililigawan ako ni Aj (evil laugh ulit). Hindi naman crush ni Aya si Aj (sana) pero feel ko naiines sya kasi mas angat si Aj (nanliligaw saken) kesa kay Leynam (bf ng friend nya). Feeling ko kasi, hindi sya makapaniwala na ako na ung gusto ni Aj. Alam mo ung feeling na sayo nakasentro ang mata ng lahat ng tao? Ever since kasi wala pang nakakatibag sa Aj & Anna love.team, AKO PALANG (evil laugh na naman). Ang sarap sa pakiramdam na ung mga naaasar sayo eh mas naaasar pa kahit wala ka man lang ginagawa sa kanila. Kaloko. Tamang lapit si Aj nun. L0Lx.XD

Nakisabay ulit si Aj pauwi. Katext ko ulit sya (hal-lah, gustong-gusto ko na syang sagutin kaso may part na ayaw ko pa kasi naiisip ko si Anna).

Aj: parang gusto mo na'kong pasukuin ah

Ako: nasa sayo naman kung susuko kana eh

Aj: ano ba dapat kong gawin?

Ako: wala, the only way na mapapaniwala mo'ko ay kung tatagal ka ba?

Hindi kasi ako naniniwala na "MAHAL NA NYA AKO" sa ganon kaikling panahon. Siguro nga gusto nya ko, baka crush lang, ganon. Hindi naman pwedeng nahulog sya saken dahil maganda ako (compare sa iba) o dahil mabait ako (kasi mahaba ang pasensya ko) o dahil matalino ako (kasi magaling ako sa english) o dahil simple ako (kasi OA ung iba). Lahat ng dahilan na un ay infatuation lang. Alam ko appearance come first in mind but the heart, it should have felt the same.

Nielyn's P0V:

"Hindi ako makikipagcommit kay Aj dahil lang matangkad sya, gwapo, maputi, mayaman, matalino, sikat o dahil lang sports active sya. Hindi ganon ang standard ko"

16 Years DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon