May PTA meeting kami ngaon, bute nga dumating si Kua Bien (bakla). Akala nila kapatid ko sya.
Kua: asan na ung asawa mo? (bakla talaga)
Ako: wala pa un..
Hinatid ko si Kua sa labas baka kasi dumugin ng mga classmates kong girls (pogi sya,bading lang talaga).
Kua: wala naman ung asawa mo,
Ako: aun si Aj oh (sabay turo)
Hal-lah, binatukan ba naman ako saby sabing "ayon lang pala eh kanina ko pa hinahanap". Masakit ung batok pero tinawanan ko nalang sya.
Akala ko galit saken si Aj kasi di ako nakapagreply sa sulat nya. Di ako nakapasok kahapon, sabi ni Clarisse kinausap daw ni Wendy si Anna at si Aj. (siniraan ata ako) Pano ba naman eh di ko sya nakikita (sanay na kasi ako na lage syang asa tabi ko). Sumama pala sya kila Senen (kaibigan nya/classmate namen), may pinuntahan daw sila. At kanina nilapitan nga nya ako, habang nag uusap kame ay kumakanta sila, Clarisse, Cherry Anne at Marife. (i don't know the title of the song) pero nakakakilig. And that made my day, really.
Kinabukasan, 4-July-09, saturday. Wala kaming pasok ngaon pero nagkita kame ni Aj sa palengke (accidentally). Parang kumpleto na naman ang araw ko nun at pag uwi ay magkatext na naman kame, to the max na ang tanungan. (sabi nya seryoso daw talaga sya). God, could this be for real?
Since sunday, nakakatamad pang gumising ng maaga (religious ako pero di ako ung tipong nagsisimba every sunday). Pag ganitong petiks lang, madami akong katext pero iba pa din pag si Aj na. Ewan ko ba pero parang nadedevelop na'ko sa kanya (agad-agad). Hindi naman kasi sya mahirap mahalin eh honestly, he is a perfect catch kaso, baka madaming magalit saken kaya ganito na muna kame for the mean time (since, di pa din naman sure kong love na ba'to? Or infatuation palang).