Welcome to my last yr. of being a High School student, welcome to 4th yr, welcome to the 1st section! Ops, welcome nga ba ako dito? 1st day of school, pinalalayas kame ni Sir V. Kesyo di naman daw talaga kame belong dito, kesyo di naman daw nya kame kelangan, kesyon sa dating Pilot (section1) lang naman daw sya magfofocus. Ouch un graveh! Kung ako lang kayang-kaya kong iwan ang IV-Diamond at lumipat sa kung saan pero ayun kay ma'am Jhona, dito daw belong ang grades na nakuha namen. And after a long-redundant-conversation ay dito nga kame na punta. Pinalabas kame habang inaayos ang mga silya sa loob. After awhile, pinapasok din kame at dahil nga alergic ako sa siksikan eh nagpahuli ako sa pagpasok. Nagulat ako at napahinto ng maramdaman kong meron akong makakabunggo pag nagsabay kame sa pagpasok. Napatingin ako habang nakatayo sa taong kaharap ko. Sya si Mr. Aj Alejo. Napatitig ako sa kanya ng bagya at napangiti nung nagbigay sya ng senyas na ako na ang mauuna. Hindi ako agad nakakilos, ang lakas talaga ng impact saken ng lalakeng suplado kaya natigilan ako sandali ngunit ng maramdaman kong may mga nakatingin na samin ay nakabawi ako at lumakad sa'king upuan.
Vacant na! Tulad ng inaasahan, huli na naman ako sa pag labas. Bilang naaalala kong kahit papano ay may pinagsamahan kame nung mga bata pa ni Anna eh I tried to approach her. (pangalawang approach ko na to sa kanya actually, nung bakasyon we met sa comp.shop at nasabi nga nya saken na may usapan na sila ni Mr. Aj Alejo). So, ito ako feeling close at niloloko-loko ko sya kay Mr. Aj Alejo, sinasabi ko na Aj tabihan mo daw si Anna at tumutugon naman si Anna ng "sige, sabihin mo sa kanya" at nung mejo napalakas nga ang boses ko ay nagsiharapan silang magkakagrupo at natameme ako, nahiya at lumayo. Batid kong sa ginawa ko ay nagtawanan sila.
Ganito pala sa section na'to. Kanya-kanyang grupo, kanya-kanyang nobyo! Eh pano naman ako? Ang lupet ng mundo ko, nasa kabilang section lang pala ung shota ng "x-x.san ko" (evil laugh) I bet this is a W0RLD WAR III. Pero tahimik naman ang buhay ko ng biglang nawindang ang isip ko.
It was 24-June-09, unang araw na nagtext saken si Mr. Aj Alejo sa smart # ko at first, akala ko si Marife sya kaya nakipag jamingan ako ng bonggang-bongga! Nang malaman kong si Aj nga sya at hindi si Marife ay nagsimula na'kong tawagin syang Aj (not Mr. Aj Alejo anymore). And somehow, I know something's going on and it really smells fishy. Ung tipong ramdam mo na may tinatago sila sayo (si Aj at si Clarisse).
Aj: may sinabe na ba sayo si Clarisse?
Ako: wala eh meron ba dapat?
(mukha akong tanga)
Clarisse: katext mo pa si Aj?
Ako: oo,
Clarisse: Auneh!
Ako: taken na ni Anna si Aj. Kaya wag mo na ireto saken kung ganon man ung iniisip mo. (dahil wala kasi sa bokabularyo ka ang maging other woman).
Clarisse: wala na daw gusto si Aj kay Anna, matagal na daw un nawala. Maniwala ka saken dahil alam ko.
(seriously, there's something going on and i don't even know a thing)
Well, dahil babae ako at malakas ang women instinct ko ay sa unang tingin pa lang, alam ko na kung sinong nanliligaw o manliligaw saken. Maybe, feelingera ako pero I just knew it and this, Mr. Aj Alejo makes me feel crazy. I don't know but I just have the instinct. At ngaon ang unang araw na nagsulat ako sa "Diary", (hindi ako ganito date). For me, this is so girlie (samantalang, boyish ako). To think, na first time akong gagawa ng "Diary" at sya ang laman nito? Whoa! If this would be love, this might be the craziest thing I could ever do.
Thursday morning, marami akong napapansin kay Clarisse at kay Marife. Nagsimula ang lahat ng sinabi kong napagkamalan kong si Marife si Aj. Binibigyan nila ng BIG QUESTI0N MARK ang simpleng pagtext saken ni Aj eh date naman na kaming magkatext. (what's knew?)
Clarisse: kinuha ni Aj # nya saken eh
Ako: baka wala lang makatext kaya ganon.
Marife: eh bakit kinuha pa # mo? Pwede naman si Clarisse katext nya.
Ako: baka mabagal magreply si Clarisse
Marife: eh bat nga # mo kinuha? Pwede namang # ko nalang ah
Ako: un ang di ko lang alam (di ko natanong eh malay ko bang itatanong nyo)
At sinong "ngata" naman ang hindi makakapansin na may something kung sa twing mag-uusap silang dalawa ay hindi ako sinasali at iniiwanan na lang ako na mag isa. At dahil nga sanay na'ko sa ganitong feeling na-vibrate lang naman ng Magical.Instinct ko na ung tinutukoy ni Marife na may balak manligaw saken eh si Aj at sinabi ko un kay Clarisse.
Ako: joeh, ung totoo lang ha? Umamin kana.
Clarisse: ano un?
Ako: si Aj ung tinutukoy ni Marife na manliligaw saken n0h?
Clarisse: hindi,ah pano mo naman nasabi un?
Ako: kasi kinuha nya # ko sayo. Nung magkatext kame, tinatanong nya kung may sinabe kana ba saken. Iniiwanan nyo ko mag isa para pag usapan un noh?
At, boom! Napaamin ko sya na ganon nga at tama nga ako.
Ako: ah...kaya pala pero pano naman si Anna? Baka masaktan sya.
Clarisse: hindi naman sila at pinagmumukha nya lang tanga si Aj db?
Ako: sa bagay nakakaawa nga sya eh
Clarisse: kung naaawa ka sa kaya ehdi hayaan mo syang ligawan ka para maipakita nya kay Anna at sa lahat na kaya nyang magmahal ng iba.
Ako: at kung di talaga nya ako gusto? At gamitin nya lang akong panakip.butas?
Clarisse: ehdi hayaan mo lang sya, kita ko naman na gusto kana talaga nya.
Ako: agad-agad?
Clarisse: wala sa bilis o tagal yan.
Nielyn's P0V:
"so, kung hahayaan ko syang manligaw saken ay ganon nga ang mangyayare? Parang di naman ata maganda dating nun saken. Ang lagay pala eh ginamit lang ako? Pero naisip ko lang, ok din pala na manligaw sya saken para hindi na'ko ginugulo nila Leynam at Wendy. By that, makikita nilang tapos na ang issue ko sa kanila. Sigurado naman kasi akong di ako tatantanan nung dalawang un eh.. Lalo na si Wendy. Lalo na pag nalaman nyang nakikipagbalikan pa saken si Leynam kahit sila na date (evil laugh) MABALIW MAN OI.