Dumaan ang Sabado at Linggo pero hindi ko nag diary. Ewan ko ba kung bakit pero kapag di kame nagkikita ni Aj ay wala ako sa mood mag sulat sa diary, isa pa ung ginagawa ko kapag Sabado at Linggo ay sya't sya pa rin naman.
10-August-09, Monday. Pumasok ako ngaon at syempre masaya na naman ako (evil laugh). Ilang beses nagpapansin si Aj saken pero wa-effect (kunware ako). Tinitignan nya ako pero iniiwas ko ung tingin ko at nagpapatay malisya lang ako. Kanina nga pala sa gym nung nagla-line kame, nahuli ko si Leynaman (ung x.xsan ko remember?) tinitignan ako (B0OM). Nung nakita nyang nahuli ko syang nakatingin saken ay bigla nyang nilihis ung tingin nya sa ibang side (evil laugh).
Nitong hapon, naglasing si Wendy . Gusto pa daw pumasok sa room namen kasi andun daw ung kaaway nya.
Nielyn's P0V:
"ako na naman ba un? Kala ko ba ok na kame. Sya pa nga nakipagbati kuno. Eh drawing lang pala sya. (evil laugh)"
Kanina sa TLE, nilapitan ba naman ako ni Aj, actually hinawakan nya ung balikat ko nun at kahit wala na syang space, pinadusog pa nya si Nelson para magkatabi kame;
Aj: kokopya ako sayo,ha?
Ako: sige lang (ngiti)
Eh, lumipat sila Clarisse syempre sumunod ako sa kanila at sumunod din si Aj samen.
Nielyn's P0V:
"Pasimple pa si Aj, di din naman pala makakatiis at tinabihan din ako. At nasampal ko pa ata sya, ang alam ko hindi sampal un pero para sa kanya sampal na daw un. Tapos, natapakan ko pa ung paa nya dahil tawa ako ng tawa."
Aj: kung di lang kita mahal....
Ako: sorry (pacute)
11-August-09, Tuesday. Pumasok ulit ako ngaon, syempre masaya ulit (tawa). Pero, naaawa ako kay Ruth eh pano ba naman inaasar sya nila Senen at Aj about kay Gem. Siguro naaasar na rin sya kaya nanakot na;
Ruth: eh, ikaw Aj, nung 3rd year....
(Syempre, hinihintay ko din kung anong isasagot ni Aj dun)
Aj: wala na un, iba na ngaon at totoo na talaga ngaon.
Nielyn's P0V:
"ang sarap pakinggan,nun (kilig). Pero di ko alam kung sinabi lang nya un kasi nga andun ako at alam nyang maririnig ko sya o kung talagang totoo nga ba ang sinasabi nya. Pero, naisip ko, kung talagang totoo un dapat willing syang maghintay saken. Even if I want him to wait for me (pakipot pa'ko). Actually, kung mahal nya ko talaga WHY N0T diba? I'm sure, I am worth the wait (evil laugh). Dun ko lang kasi talaga masisiguro na wala na si Anna at ako na talaga diba? Mahirap kasi pumasok sa isang relasyon kung wala kang kasiguraduhan sa makaka.partner mo. Hindi kasi ako ung tipong collect and collect then, select ang drama. Dapat, marunong ka din kumembot (magpakipot)."
12-August-09, Wednesday. Syempre pumasok ulit ako,eh absent si Aj nung umaga. Nanlumo ako tapos late pa sya sa Math. Nung nagtetest na kame saka palang sya dumating (masaya na naman ako). Tapos, nung nagtest kame sa English sabay pa pala kaming natapos.
Ruth: ui, soulmate...
Ako: neixz (kash dh ko pa naman sya nakikita)
Ruth: sabay pa kayo,ah (nanunuyong ngiti)
Ako: nauna sya (papacute na naman ako,ah)
Syempre, sigawan na naman dahil sa ganong eksena pero kinikilig na naman ako, sobra.
Nielyn's P0V:
"habang kinikilig ako at gustong magsisigaw ng puso ko. Napahinto ako. Hal-lah, andun pala sila Anna, baka kasi akalain naman nila na nagpaparinig ako kasi ka timing naman kasi nung mga time din palang un,eh inaasar ni Marife si Anna ng "pretending" hay, dun ako nalungkot. Bakit nga ba kapag may sumasaya ay kelangan may masaktan din? Ganon ba talaga para balance? Unfair ata un, diba pwedeng lahat masaya tapos wala ng masasaktan pa?"
Paglabas ko ng room, inaasar nila ako, tinatanong kung magdedate daw ba kame ni Aj (sabay kasi kame eh wala naman kaming usapan). Syempre, nahiya na'ko nun,ah kaya pumunta ako sa tapat ng Pearl (kabilang room).
Aj: tayo dun, (sabay turo sa aming talking place)
Ako: bakit?
Aj: trust me (ngiti)
Habang naglalakad na kame;
Aj: nahihiya kaba?
Ako: (tumango lang ako)
Aj: nakakahiya naman kay Ma'am.
Ako: kaw kasi,eh (shy face)
Aj: bakit ako?
Ako: bakit sinabayan mo'ko?
Aj: sabi mo kanina, nauna ako.. Ngaon, sinong nakisabay?
Ako: sekreto (ngiti)