Friday, 31-July-09. Hindi ko alam kung bakit walang page 31 itong diary ko na may mga date naman talaga per pages pero pagkatapos ng 30-July-09, ay blanko na ang sunod na page. (as in, walang nakalagay). Nakakapagtaka pa na ito ang may pinakamalaking space sa lahat pero isa lang ang sigurado ako at un ay, NAPAKA.SAYA KO T0DAY (kilig). Actually, masaya talaga kame. Nung una, akala ko sasakay kame kay Chino (ung wala pa man din ay binusted ko na) kaya nakakaramdam ako ng halong kaba at hiya pero parang ayokong sumama kasi masakit ung ulo ko. Tax di naman kame sinundo nila Chino at nag commute nalang kame pero bago un naghintay pa kame ng pagkatagal-tagal kila Clark at Angelo. Well, they were worth waiting naman and I mean it (tawa). Masaya silang kasama, S0BRA.
Pagdating namen sa Talavera (the place) kanya-kanyang lakad at lamierda na kame (evil laugh) pagpasok namen sa TNHS (TalaveraNationalHighSchool) punta agad kame sa gym nila at may nakita kaming mga kakilala. Andun din sila Lea (classmate namen/tour guide that day). Ang gawa namen ay lakad dito, lakad dun (bilang bago kame sa school na un). At nakita namen sila Aj sa 0val at un, nagpansinan naman kame. Nilapitan nya ako;
Clarisse: Aj nanalo kaba?
Ako: ........ (kabado)
Alfredo: TAL0...!!
Ako: ....... (nanlumo lang tax, tingin kay Aj)
Harvin: si Aj, matatalo?
Cherry Anne: sinungaling ka talaga,no? Sabi mo talo ka.
Aj: matatalo, may inspiration..
Ako: @_@ (kilig)
(tilian naman ung mga classmate ko nun)
Then, umalis na naman kame at naglibot, lakad dito-lakad dun na naman pero may isang lugar kaming pinuntahan na labis nagpakaba sakin.
Nielyn's P0V:
"Nung bata kasi ako, marami akong pinagdaanan nun at isa na dito ung nag i.sleepwalk ako ng hating gabi at nakakapanaginip ng mga kababalaghan. Siguro dahil sa murang edad ko ay namaltrato ako ay hindi nako nanalig kay Bro. Dumagsa ang masasamang events sakin, dumating sa point na nakakita nako ng multo as in naka.eye to eye ko.Dun nako kinabahan ng sobra at sa insedenting un ay nagbalik loob ako sa Kanya (kay God). Natuto akong magdasal at natigil na ang mga kababalaghang un sa buhay ko at kapag nakakaligtaan ko ang pagdadasal sa gabi at sign of cross sa umaga ay napapasama ako sa pagtulog. Ito nga ang kwento, isang gabi hindi ako nakapagdasal at nakatulog nalang. Sa panaginig ko ay nandun daw ako sa isang lugar na kung saan ay maraming tao ang naliligo, nagkakatuwaan at hindi nila ako pansin subalit sila ay nakikita ko at sa kasamaang palad ay may nalunod sa kanila at bagamat alam ko ang gagawin ay wala akong magawa. Anong problema sa panaginip ko? Magic. Ako ngaon ay nasa lugar na un mismo."
Ako: teka alam ko tong lugar na to,ah
Clarisse: joeh, diba ngaon ka lang nakapunta dito?
Ako: o0,pero ung lugar eh..... (kinakabahan nako, hindi ko na to nagugustohan)
Cherry: tara dun sa pool.
Ako: WAG...!! (takot na talaga ako)
Clarisse: bakit? Joeh, lika na...
Ako: ..... (ayoko man ay sumunod ako at umakyat)
Ang pool, ang puno ng mangga, ang mga nakasulat dun, lahat un nakita ko na. Napahinto ako sa pag akyat.
Cherry: Nielyn, halika dito may pangalan ka,oh
Ako: pangalan ko? (hindi ko na kaya)
Clarisse: siguro may admirer ka dito joeh, (tawa)
Ako: ..... (hindi ako makapagsalita, natatakot nako. Bakit ganito?)
Cherry: bakit hindi na to ginagamit?
Ako: may namatay ba dito?
Nagulat sila sa sinabi ko at tinignan ako. Isang babae na hindi ko kilala ang kasama ni Lea ang nagsalita; "o0, meron. Matagal na kaya di nato ginagamit."
Ako: nalunod sya?
Girl: oo, bakit alam mo?
Ako: ah,wala...... Feel ko lang eh (pero ang totoo sa panaginip ko, nakita ko ang pangyayaring to)
Lea: Girl, sya pala si Nielyn.
Girl: hi, by the way, asan si Anna?
(tinginan kame)
Girl: diba laban ni Kua Aj, bakit di sya magcheer?
Lea: ay, wala na un. Si Nielyn na nililigawan ni Aj.
Girl: weh?
Ako: (ngiti)
Lea: o0nga.
At naglakad na kame papuntang Canteen bilang nakaramdam na kame ng gutom pero si Lea hindi sya kumain.
At naglakad-lakad ulit sya. Pagbalik;
Lea: nakita ko si Aj,ah
Ako: (ngiti)
Lea: hinahanap ka nya.
Ako: (kilig)
Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna kame at nakita namen sila Clark at Angelo (ung mga kasama namen na pumunta sa school nato). Akalain mong may deni.date si Angelo? At tawanan kame (evil laugh). Tapos, naglakad-lakad na naman kame nun at nagpunta kame sa gym tax nanood ng VolleyBall. Andun din pala sila Aj;
Aj: dito tayo (sabay lakad)
Harvin: nag aya pa ang puta.
(kasi nga lumapit sila saken)
Nielyn's P0V:
"itong Aj nato ay over concern pa saken, panay ang tanong nya kung nakikita ko daw ba (kasi madaming tao), kung nauuhaw daw ba'ko (kasi mainit) kung naiinitan daw ba'ko (kasi pawis-pawis nako). Obvious na siguro kaya pinaypayan ako ng loko. Ii, sobrang kilig na talaga ako. Feeling na gusto mong SUMIGAW kahit madaming tao, kahit sa isang segundo (evil laugh) I like this feeling, ala princess ang peg ko. Tax, ung ibang Girls nakatingin saken (samen). At ang main event, nakita kame ni Julie (ung nakaaway ko last year remember?). Grabe! Kung nakakasugat lang ang tingin nya, malamang sugat-sugat nako (evil laugh)."
Ayaw na kaming pauwiin ni Aj pero syempre may klase kame sa English kaya umalis na din kame at nagmamadali pa talaga kame. Ang tagal naming naghintay at rush na rush talaga kame, habang papalapit kame sa J0LNHS (School namen) ay papalayo naman samen ang TNHS (school kung nasaan si Aj). Pag dating sa gate, takbuhan kame. At may mga nagsarabi pa na late na daw kame pero THANK God, di pa kame nahuli kaya tawanan nalang dahil pagod-pagod kame pero masaya talaga. Gustong-gusto kong ganito ang eksena ko kasama ung tatlong tropa ko. The best ang araw nato.
Pag uwi hindi ko makalimutan ung pool pero kahit anong takot at kaba ko ay natatakpan to ng saya at pagkakilig ko, S0BRA.