Dumaan ang mga araw, linggo at ehto ako, lungkot-lungkotan talaga ang peg ko. Dinadivert ko nalang ang attention ko sa ibang bagay. Malakas ako mang 3p sa iba, siguro dun ko nalang binubuhos lahat. November na! Nagdecide akong ipabasa din kila CheChe at Rochell ang mga sulat kong kay Clarisse ko lang pinabasa date. Dala-dala ko pa ang Diary ko. Umiyak si CheChe, siguro naawa sya saken pero kahit ibig ko ding umiyak ng mga oras na un ay masaya akong nakangiti sa harap nila. Relief. Feeling na nakapaglabas na naman ako ng sama ng loob at nakahinga na naman ako. Ang sarap! Alam kong alam nila ang nararamdaman ko pero iba pa din pag galing na talaga saken diba? Madami silang tanong saken, kesyo bakit daw di ko binibigay mga to, kesyo bakit daw di ko nasabi mga to, kesyo ganon, kesyo ganito. Mga tanong na, tinanong ko na din sa sarili ko pero hindi ko din alam kung ano ang sagot ko. Ang puso ko lang ang nakakaalam pero ang isip ko? Walang maintindihan.
09-November-09. Ang deal na sinabi ko para kay Aj ay 'gang bukas nalang bilang 10 bukas. Grabe! Akala ko talagang walang-wala na,eh akala ko talaga pero....
CheChe: Nielyn!
Ako: oh,
Cherry: tara sa tapat ng SG0..!!
Ako: ok sige, joeh tara daw. (inaya ko naman si Clarisse dahil kasama na ni CheChe si Rochell)
At nandun nga kaming apat sa tapat ng SGO nagkukwentohan ng biglang may lumapit saken, tumabi at napatingin ako. Hindi agad ako nakapagsalita pero alam kung napangiti agad ako. Ang lalaking nasa harap ko, si Aj to. Oo! Si Aj talaga to!
Ako: bakit?
Aj: anong bakit?
Ako: ............
CheChe: Nielyn, magkatext kame ni Aj matagal na at matagal kana nyang gustong ligawan ulit.
Nagulat ako at napatingin kay CheChe. (ibig sabihin, willing ako makinig)
Cherry: naaalala mo paba nung may tinanong ako sayo date? Ung guy na gustong mag balik.loob sa girl??
(napaisip ako)
Cherry: Si Aj ung tinutukoy ko.
(bilang hindi ako makapagsalita agad dahil walang-wala akong alam ay, napatingin nalang ako kay Clarisse, Waring sinasabi ng tingin ko ay, "joeh, help")
Clarisse: eh bakit naman nawala kana lang ng walang paalam?
Aj: akala ko kase binusted na ako ni Nielyn eh
Clarisse: at kay Anna ka pumunta!
Aj: nagparamdam kase sya saken
Clarisse: kaya iniwan mo si Nielyn?
Aj: mali ako dun, alam kong mali talaga.
Aj's P0V:
"akala ko kase wala talagang gusto saken si Nielyn. Nahihirapan na ako sa panliligaw ko sa kanya. At wala na kaming communication. Di na sya nagrereply sa mga texts ko. Di pa nya ako pinapansin pag nagkikita kame. Lage nya akong iniiwasan pag nagkakasalubong kame. Ilang beses kong sinubukang kausapin sya pero wala akong magawa kundi tignan nalang sya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nagpadala ako kay Anna. Nagparamdam kase sya. Tinext nya ako nung mga panahong di na kame nagkakatext ni Nielyn. Inakit nya ako at akala ko may nararamdaman pa ako sa kanya kaya nilipat ko ang attention ko sa kanya. Nag globe na ako mula nun. Pero, isang linggo lang, hindi, ilang araw palang, narealized kong di ko na talaga sya gusto. Sa twing kasama ko sya, si Nielyn ang tinitignan ko. Sa twing kausap ko sya, si Nielyn ang iniisip ko. Sa twing nilalapitan ko sya, si Nielyn ang hinahanap ko. Umaasa ako na makikita ko sa mukha ni Nielyn ang selos, para malaman kung may nararamdaman naba sya para saken ngunit bigo ako. Ginawa ko un ng paulit-ulit pero wala akong ibang nakikita sa mukha ni Nielyn kundi saya. Sobrang ganda nya at araw-araw blooming pa sya. Pano ko masasabing nasaktan sya? Eh puro ngiti at tawa ang nakikita ko sa kanya. Matagal ko ding pinag isipan kung pano ko babalikan si Nielyn. Pero bago ang lahat ay pinilit kong dayain ang sarili ko, sinubukan kong ibalik ang pagmamahal ko kay Anna pero talagang wala na. Si Nielyn na talaga. Bwan na ang lumipas pero hindi nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko talaga sya. Mahirap man paniwalaan ay ginawa kong panakip.butas si Anna at hindi si Nielyn. Un ang totoo."
Nung hapon, uwian na pero ayaw pang umuwi ni CheChe siguro may pinaplano na naman ang loka. Bilang wala talagang magawa nung mga oras na un ay nag ayang mag "spin the bottle" si CheChe. Pumorma kame ng bilog at nagkatuwaan. Nung una, nakakaligtas pa akong talaga tapos, biglang nagbiro ang tadhana at naituro saken. Syempre, pag kakataon na naman nila para mang alaska.
Cherry: ako ang magtatanong kay Nielyn.
Ako: ano ba un Che?
Cherry: kung liligawan kaba ni Aj ulit, may pag asa pa sya?
(makalokong tanong ni CheChe at syempre natigilan ako dun at napaisip, inulit nya ang tanong at pati mga classmates kong nandun ay nakiisa)
Cherry: Nielyn! Kung liligawan kaba ulit ni Aj may pag asa pa ba sya?
(natahimik mga classmates ko, hinihintay ako magsalita)
Ako: 0o!
(napasigaw kong sagot sabay sigawan din mga classmates ko. Si Aj, andun pala sya sa taas sa tapat ko mismo at di ko alam. Batid kong narinig nya ako, napalingon sya saken at dun ko lang napansin ang kinaroroonan nya. Nahihiya ako pero nakangiti sya bigla akong kinilig ulit. Agad syang bumaba at lumapit samen. Tinabihan nya ako)
Aj: tama ba ung narinig ko?
(sigawan mga classmates ko)
Ako: (binigyan ko lang sya ng ngiti.)
Cherry: paikutin na ulit naten.
Aj: ako magpapaikot.
SPIN. At naituro kay Aj. Tawanan kame.
Cherry: Aj, mahal mo ba talaga si Nielyn?
Aj: 0o! Mahal na mahal ko si Nielyn!
(sigawan! Ano ba? Ayoko ng ganito. Malulusaw na ako)
Aj: ako ulit magpapaikot.
SPIN. At naituro ulit sa kanya. Tawanan ulit kame. Kung di naman sya tanga diba?
Cherry: Aj, mahal mo pa ba si Anna?
Aj: hindi na, matagal ng hindi dahil si Nielyn na at walang iba.
(sigawan ulit sila! Sobrang gusto ko ng tumayo at sumabog.)
Aj: ang daya laging ako. Pag ito sumablay pa,
SPIN. At boom! saken naituro. Kinakabahan ako.
Aj: ako magtatanong kay Nielyn, teka..
Nielyn, pag niligawan ba ulit kita may pag asang maging tayo? Oo o hindi?
Ako: o0.
(sigawan na naman sila. Ang ingay-ingay)
Aj: meron? (tawa) Ako ulit..
SPIN. At nandaya sya kaya naituro saken.
Ako: teka, andaya naman eh......
(di pa ako tapos mag salita ay nagsigawan na ulit sila)
Ronnil: wala, Nielyn.
Donita: go, Nielyn!
Aj: ano ba ang dapat kung gawin para maging tayo?
(sigawan ulit. Grabe! Binging-binge na ako)
Ako: bago mo'ko ligawan, gusto ko, mag usap muna kayo ni Anna. Ayokong mabigla sya pag tayo na ang magkasamang dalawa. Ayokong maramdaman nya ung naramdaman ko nung nawala ka ng walang pasabi. Gusto ko, ayusin nyo ung sa inyo bago naten pag usapan ung saten.
(at sigawan ulit sila)