THEANapaayos ako ng upo. Mas nangingibabaw kasi ang koryusidad ko sa Guardians na iyan. At dahil ipapaliwanang na ni Lady Mira ang tungkol sa Guardians, tutok na tutok ako sa kanya.
”Nung nakaraang taon, ang Propesiya ay siyang pipili ng Guardians. Hinihintay lang namin kung sino ang pipiliin nito. Minsan kasi kapag mamamatay na ang Guardians aabot ng apat o limang taon bago ito makapili ng panibago." Luh? limang taon? Ang tagal naman nun para sakin.
Tango lang kami ng tango, maliban lang kay Asha dahil titig lang ito ng titig kay Lady Mira.
"Ganyan ang naging takbo ng nakaraang henerasyon natin hanggang sa nakapili nanaman uli ang Propesiya ng Guardians. Ito ay noong nakaraang 19 na taon."
“Pero Lady Mira, ano po bang nangyare? Bakit nawala na sa henerasyon natin ngayon ang Guardians?” napalingon kami kay Luna.
"Hindi nawala Luna, kundi nakalimutan na. Matapos kasing mamatay ang mga Guardians sa panahong iyon ay hindi na nakapili pa ang Propesiya."
“Eh ano po ba talagang nangyare sa panahong iyon Lady Mira?” tanong ko.
"Tungkol kasi iyon sa Propesiya."
“Kaya po ba sumulong ang Darkers nung nakaraang 19 na taon?” rinig naming tanong ni Sue. Tumango lang ang Lady at napayuko nalang ito bigla, mukhang may inaalala siya.
“Gusto kong malaman lahat.”
Agad kaming napalingon kay Asha na walang emosyong nakatingin kay Lady Mira. Nakatingin kami sa kanya ng pagtataka. “Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa pagsulong na iyon…lahat-lahat.” dugtong pa niyang muli kaya naman ay galing sa pagtingin sa kanya ay nakatingin naman kami ngayon kay Lady Mira. May punto din siya, maski ako gusto ko ring malaman ang nangyare nung nakaraang taon na ang nakalipas.Rinig namin ang pagbuntong hininga nito bago siya magsalita.
“Noong nakaraang 19 na taon. Iyon ang araw sa pagdiriwang ng kaarawan ng Hari. Magka-kwarenta na ang Hari samantalang ang Reyna ay trenta-nwebe naman, kasama ang anak nilang si Prinsipe Nil na nwebe narin ang edad. Naging masaya ang pagdiriwang, pero sa mga hapon, nabigla nalang kami na sa gitna ng pagdiriwang ng kaarawan ng Hari ay biglang may pumasok na mga nakaitim. Hindi namin sila kilala at lahat ng atensyon ay nakatuon lang sa kanila. Maya-maya lang ay nabigla kami nang agad nalang silang umatake gamit ang kanilang mga itim na mahika. Doon lang namin napagtanto na isa sila sa mga Darkers.”
Mariin akong nakinig kay Lady Mira. Pero sa tingin ko ay hindi lang ako ang seryosong nakinig sa kanya dahil pati narin ang anim na kasama ko.
Umupo si Lady Mira sa mesa niya at ipinagpatuloyng muli ang kanyang kwento.
“Hindi namin inaasahan ang pagdating nila kaya malamang ay hindi kami handa. At dahil delikado na, ang tanging isalba nalang namin ay ang Propesiya. Ako at ang Reyna ang nagtago sa Propesiya habang yung iba ay nakipaglaban, hanggang sa natapos ang lahat. Namatay ang Hari at naiwan ang Reyna.”
“Pero nandiyan din naman ang anak niya…” ngiting sabi ni Micca kaya napangiti rin naman si Lady Mira.
“Oo, mabuti nalang at buhay parin si Prinsipe Nil para komprontahin ang kanyang ina.”
Napangiti naman ako. Masaya lang din ako dahil kahit papaano ay may naiwan paring importante ang Mahal na Reyna, at kahit papaano ay hindi lang siya ang nag-iisa.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...