Chapter 19: Threat

872 29 2
                                    


dedicated to you again, johnatan1432 😘

______

***

Matapos bumisita ng mga guardians sa kanilang mga magulang ay bumalik nga sila sa palasyo sakay ang kani kanilang mga dragon. Hindi naman maiwasang mapunta sa kanila ang atensyon ng mga Incantaria, lalong lalo na't makikita ng mga Incantaria ang pitong dragon na lumilipad sa himpapawid.

Sadyang nabaguhan at namangha ang mga ito.

Binuksan ng mga kawal ang pinto para sa mga guardians na kakarating at nang makapasok ang mga ito. Sabay sabay itong naglakad papunta sa isang session hall sa palasyo pagkat doon sila magkikita.

Taas noo ang mga guardians. Pinapakitang mga matatapang ang mga ito. Well, they should be, since they already prove to the Incantarias that they are worth to be the guardians. Then they should act one.

Si Luna na mismo ang nagbukas sa pinto ng session hall at pumasok ang mga ito sa loob. Kita nila ang Reyna, Prinsipe, ang Ginoong Wei at Lady Mira na naghihintay sa kanila.

Pagpunta nila sa harap ng mga ito ay mabilis silang lumuhod sa harap ng Reyna at Prinsipe saka tumayo nang sinabihan sila ng reyna na tumayo.

Ngiting matamis ang naibigay ng Reyna sa kanila bago magsalita.

"Maligayang pagbabalik mga Guardians." sabi ng reyna at napangiti naman ang mga guardians.

"Salamat po Mahal na Reyna."

"Umupo muna kayo." sabi ng reyna at mabilis na nagsiupuan ang mga ito.

"Kumusta ang paglalakbay ninyo?" ngiting tanong ng reyna.

"Ayos naman po. Medyo nahihirapan pero, kinaya namin." Yumi.

"Sa palagay ko ay may karagdagan kayong kaalaman sa paglalakbay ninyo. Most especially about dragons." singit ni Ginoong Wei.

"Opo Ginoong Wei. Hindi mo naman sinabi sa amin na ihihigop kami sa ibang dimensyon kung sakaling hinahanap namin ang dragon namin." agad sabi ni Luna.

Natawa nalang ang Ginoo.
"I just want to found that out by yourselves. And it seems that my plan worked."

Nag-explain pa ang mga guardians sa mga experiences nila tungkol sa kanilang journey. Panay tawa naman ang mga nakikinig.

Hanggang sa napunta sa babaeng nakaitim ang usapan.

"Ewan ko lang po. Bigla nalang niya kaming hinuli at ginapos. Pero hindi pa naman po niya kami pinatay." sabi ni Thea.

"Tinanong niyo ba ito kung saan siya nanggaling?" tanong ni Ginoong Wei pero umiling lang ang mga dalaga.

Si Asha naman ay tahimik lang at nakikinig. Well, tahimik na siya diyan nang simulan ang pag-uusap nila. Si Shan naman ay natahimik din nang mabuksan ang usapan tungkol sa babaeng iyon. Hindi niya lang kasi malilimutan ang nakikita niyang gamit galing sa babaeng nakaitim.

"Well! At least she didn't do anything harm to you. Let's just forget about her." sabi nalang ng reyna.

"May nakuha rin po ng atensyon namin nang mangyare ang insidenteng iyon." singit ni Sue kaya napunta sa kanya ang atensyon ng mga kasama.

Hinay hinayng lumingon si Sue sa gawi ni Asha na ngayon ay taas kilay na napatingin kay Sue.

Anong iniisip ng babaeng to? - ang nabuo sa isip ni Asha.

Shit! If this is all about my shoulder and the tattoo, they must not know. - sabi nito sa sarili at napatingin ulit kay Sue at nilakihan ito ng mata.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now