***
"Tinignan niyo ba kung may mga Darkers sa paligid?" seryosong tanong ni Pinunong Amon habang naglakad patungo sa entrada ng lugar nito. Ang mga habilists naman na busy sa paghanda ay nakatingin lang sa seryoso nilang pinuno. May iba naman na nagbubulungan at meron din namang iba na nagpapatuloy lang sa kanilang ginagawa.
"Opo Pinunong Amon." sagot naman nina Rei, Pat, Mim at Yuli na kasabay sa paglalakad ni Pinunong Amon.
"May nakita ba kayo?"
"Wala po Pinunong Amon." sagot ulit nang apat. Isang buntong hininga lang ang ipinakawala ng pinuno at seryoso nalang na naglakad.
Nakaabot na sila sa entrada. Luckily they did not leave the two half carabaos outside. Ipinasok nila ito sa loob kung saan malapit lang din sa entrada.
Lumapit sila sa dalawang guwardiya kanina at wala na itong mga malay.
"Pa." napalingon si Pinunong Amon sa anak nito. Napansin niyang may dugo sa damit nito. Mukhang ang anak nito ang nagpasok sa dalawang guwardiya sa loob. Kumunot ang noo ng pinuno.
"Lumabas ka ba? Ikaw ba ang nagpasok ng dalawang ito sa loob?" giit nitong sabi sa anak. Nagpipigil ito ng galit.
Tu seems to notice it kaya napayuko siya.
"Tu, paano kung nakita ka ng mga Darkers sa labas?! Maaaring nagmamanman sila sa labas! Baka malalaman pa nila kung saan ang entrada ng lugar natin!" nailabas narin ng pinuno ang galit nito.
Tu flinched. Maging ang mga kaibigan din nitong nasa likod ng papa niya.
Huminga ng malalim ang pinuno para ikalma ang sarili. "Paano kung nakita ka nila at papatayin karin nila?" pigil na galit na sabi ng pinuno.
"Patawad ama." nakayukong sabi ng Tu.
Bumuntong hininga nalang ang pinuno. "Ayos lang, nangyare na. Dapat sa susunod ay mag-isip ka muna bago gumawa ng aksyon." kunot noong sabi ng pinuno saka umiwas ng tingin sa anak.
"Pinatay nila ang mama mo, at ayokong pati ikaw papatayin din nila." Tu's heart softened and can't help but to hug her father. Amon, then hugged his daughter back.
"Patawad ama." ulit na sabi ni Tu. Tumango tango lang ang pinuno sa kalagitnaan ng pagkayakapan nila bago kumalas sa isa't isa.
"Bumalik ka na sa bahay at magbihis ka. Ikaw na muna ang tumulong sa iba. Rei, Mim, Yuli at Pat, samahan niyo si Tu. Kami na ang bahala dito."
"Opo Pinunong Amon." at nagsialisan na ang mga ito.
Humarap agad ang pinuno sa ibang habilists na pumalibot sa dalawang guwardiya.
"Ano bang nangyare?" tanong nito tsaka inenspeksyunan ang dalawang guwardiya.
"Namatay nalang sila Pinunong Amon eh."
"Ano bang naimbestiga ninyo?"
"Ang nalaman po namin ay nasunog ang likod nila." sabi ng isa tsaka iginilid ang dalawa ng higa upang makita ang sunog sa likod nito. Kumunot ang noo ng pinuno.
"Talagang gawa ito ng mga Darkers." komento ng isa.
"Pinunong Amon, hindi po biro ito. Sa tingin ko ay nalaman na ng mga Darkers ang lugar natin. At tsaka hinding hindi natin malalaman kung kailan sasalakay ang mga Darkers. Pwedeng sasalakay ang mga ito bukas o ngayon. Hindi nga inasahan ng mga Incantaria ang pagsalakay nila nun eh."
Nakatunganga lang ang pinuno habang nakinig sa tauhan nito.
"Kung ganon, magsisimula na agad ang digmaan sa oras na sasalakay sila satin." sabi ng pinuno saka tumingin sa mga tauhan nito.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...