MICCA
"Sigurado ba kayong ito ang daan Tu?" tanong ko kay Tu na nangunguna sa paglakad.
"Oo."
Okay.
Habang naglalakad sa loob ng maamong gubat ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Feeling ko may masamang mangyayare...hindi samin. Kundi sa buong Draco Incantare Land.
Napabuntong hininga ako.
The weight of the wind makes me feel uncomfortable.
I don't like this feeling.
Maya maya ay may narinig kaming mga yapak papalapit samin. Shit...ano yun? Kabayo? Parang may kabayo na paparating sa direksyon namin.
Tu extended her arm signaling us to stay on our ground habang unti unti siyang naglakad papalapit sa mga bushes kung saan naroroon ang mga yapak.
Hindi pa nga tuluyang nakalapit si Tu sa mga bushes ay biglang lumabas dito ang kulay ubeng kabayo.
Huh? May violet na kabayo na pala ngayon?
Mabilis na pinalibutan nina Tu at mga kaibigan nito ang kabayo para pakalmahin.
May napansin ako sa noo ng kabayo kaya pinanliitan ko kung ano ito when I realized that this is Thea's bond. It's their tattoo I recognized.
Fudge! Mukhang malapit na kami kina Kuya Lee.
Kaya kami pumunta nina Tu dito. Nagbabasakaling matulungan sila kapag hinarangan sila ng Reyna.
Lumapit ako sa kabayo na mukhang nagpapanic.
"Whoaa! Easy girl! Hera...Hera..." pagkarinig nito sa pangalan niya galing sakin ay mukhang kumalma naman ito. She then stared at me with horrified expression.
Tuluyan kong nilapitan si Hera at hinawakan ang ulo nito sabay himas sa mane niya para kumalma pa. "Calm down." I whispered as I continued caressing her mane.
"Nasaan sina Kuya Lee? Kaya kami nandito upang tulungan sila at nang mapigilan din namin ang Dark Queen." sabi ko kay Hera. She just whined lowly.
Nagsalubong ang kilay ko at kinausap si Airo. "Translation please."
Tumahimik si Airo sa aking isipan. Nagtakha tuloy ako kung bakit. Pero sumagot din siya pagkatapos. "N-naabutan daw sila ng Dark Queen, Micca."
I paled after what I've heard. H-ha?
"Come again Airo?"
"Naabutan na raw po sila ng Dark Queen."
With a horrified face, I turned to Tu and her friends. "T-Tu." tawag ko kay Tu. Parang nauubusan na ako ng laway.
"Bakit guardian Micca?"
"N-na...Naabutan na raw ng Dark Queen sina Kuya Lee."
Tinitigan ko sila at inaabangan kung anong magiging reaksyon nila. They immediately turned stoic. "Baka nandiyan pa ang Reyna. May pag-asa pa tayong mapigilan siya."
Tinanguan ko naman sila tapos tumingin kay Hera. "Can you lead us the way?" tanong ko kay Hera. Mabilis naman itong tumalikod at tumakbo pabalik sa dinaanan nito.
Nagkatinginan kaming lima bago ito sundan. Nakita kong sa ibang direksyon si Hera tumakbo, at ang direksyong ito ay papalabas ng maamong gubat.
Kumunot ako habang tumakbo. Sure ba siya sa dinaanan niya? Eh sabi kasi ni Tu alam niya ang daanan eh. Di kaya maligaw kami nito?
Natigilan ako nang makitang papalapit si Hera sa isang babaeng nakahandusay malapit sa puno. Lumapit kaming lima sa babae, nang tuluyan na kaming makalapit ay agad kong namukhaang si Ate Lyn ito, katabi naman nito ay isang pusa na mukhang wala ring malay. But judging the cat's color and it's tattoo on it's forehead, alam kong si Naia ito.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...