REYNA ELENA
Nandito ako sa kwarto ko at kasalukuyang iniisip ang mga pangyayaring nagaganap ngayon.
Ang Propesiya...
Ay nakapili na ng Guardians.
Nineteen years have passed, ngayon lang ito nakapili ng bagong Guardians.
Ewan ko kung bakit bigla nalang ang pangyayari, pero alam kong nakabubuti ito sa buong Draco Incantare Land.
Hindi ko lang alam kung mga magagaling ba ang napili ng Propesiya. Pero sinisiguro kong mga magagaling nga ang mga ito.
"Mahal na Reyna!" napalingon agad ako sa pintuan ko nang bigla itong bumukas. Si Lady Mira pala.
"Ano nanaman iyon Lady Mira?"
Bumuntong hininga nalang siya at lumapit sa akin at umupo sa kama ko. Wala naman siguro siyang galang eh noh?Tsh...ayos lang. Hindi naman ako kagaya ng ibang Reyna na kinarera talaga ang buhay Reyna. Dito ay tinuring ko silang lahat na kaibigan at kapatid narin ang turing ko kay Mira.
"Sinabi ko na pala kay General ang nangyare kanina." Sabi niya ng nakatingin ng diretso sa akin.
"At? Anong sabi niya?"
"Sinisiguro niyang malaman talaga ito ng buong Norte ang balitang ito. Sana naman mga matitino yang napili ng Propesiya."
Napatawa nalang ako sa itsura ni Mira. Kung buhay at nandito talaga yang propesiya baka matagal na siyang sinakal.
"Oo nga pala. Nakalimutan ko ata ang totoong pakay ko talaga dito. Magtatanghali na, tara na't mananghalian na tayo."
Kung tutuusin ay para siyang Ate ko.
Nakarinig naman kami ng katok galing sa pinto ko. At iniluwal nito si Nil, ang aming nag-iisang anak at ang magiging Hari balang araw.
“Ooops…nakakasabagal po ba ako sa inyo?” ngiti nitong sabi.
Ang kanyang maamong mukha, ang maliliit na bigote na tumutubo na sa kanyang mukha, ang mata’t ilong at mapupulang labi nito. It reminds me of his father.
Napangiti nalang ako sa kanya nang malamang hinihintay pa pala niya ang sagot ko sa kanyang tanong.
“Hindi naman anak, ano ba ang sadya mo rito?”
“Kanina pa po handa ang mga pagkain. Naisip ko lang pong sundin si Lady Mira kasi ang tagal niyo eh hahaha.”
“Ah, papunta na kami.”
“Sige Ma, una na ako. At tsaka masamang pinaghintay ang pagkain kaya halina kayo.” habol pa nito at umalis na.
Napangiti uli ako nang maalala ang asawa ko sa kanya. Ang pagsabihan akong masamang pinaghintay ang mga pagkain. Ang ngingiti muna siya bago tumalikod paalis.
Sabagay, saan pa nga ba magmana ang anak ko, hahaha.
At dahil nagugutom narin ako ay magkasama kaming dalawa ni Lady Mira na lumabas para kumain.
Kailan ko kaya makilala ang mga bagong Guardians?
MICCA
Padabog akong pumasok sa bahay namin.
"Oh? Micca anak? Ano nang nangyare? Nasan na ang mga pera?" grabe lang? Pera agad yung hinahanap niya? tsk!
Kinuha ko kaagad ang pera sa bag ko at binigay sa kanya. Grrr... gusto kong gumawa ng buhawi dito sa loob ng bahay.
Padabog ulit akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama.
"Haaayysst...kasalanan to ng Toro nayun eh. Lalong-lalo na yung mga anim na babaitang yon?! Grr.." pag-aalburuto ko habang nakahiga sa kama.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...