The chapter's dedicated to you johnatan1432. 😊
SUE
Matapos ang paghahanap sa dragon nina Luna at Micca ay nananghalian pa kami. Mabuti nga at may natitira pang pagkain namin. Ang mga dragon naman ay sila na daw bahala sa sarili nila. Tutal hindi rin naman namin alam kung anong kakainin nila eh.
Matapos ang pananghalian ay naglalakbay nanaman kami. Malayo layo pa ang lalakabayin namin at mas minabuting ngayong hapon namin sisimulan.
Ang laki naman kasi ng lugar dito sa West eh!
Tinawag nina Micca at Luna ang mga Dragon nila. Si Luna ay kaangkas niya sina Thea at Asha. Kay Micca naman si Shan at ako naman kay Yumi. Mahirap na, baka mahihilo ang babaeng to at walang tutulong sa kanya kaya ako na ang nagprisinta. Ambait ko noh? Hehe...ganyan sana tayo. Hehehe!
At dahil malayo layo pa ang susunod na destinasyon namin, ang talon ng Draco Incantare Land ay naabutan kami ng gabi. Kaya eto kami ngayon nagpapahinga sa bundok na may malaking puno.
Kakatapos lang naming kumain kaya heto kami ngayon, nakatunganga lang sa apoy na nasa gitna namin. Nakapalibot kasi kami sa apoy.
"Hayyy...hindi ko inaasahang ganito kalayo ang malalakbay natin." biglang sabi ni Shan.
"Ako rin." segunda na Micca.
"Naalala ko tuloy si Mama." sabi naman ni Thea habang nakatutok sa apoy.
"Bata ka nga." singit ni Luna. Ah, galing kasi siya sa likod ng puno, umihi. Hahaha!
"Bata agad?" Thea.
"Ah basta! Ligtas ako sa mga utos ni Mama hahahaha!" halakhak ni Luna.
"Tamad ka nga." bawi agad ni Thea kaya nagsitawanan kaming lima. Ngumisi lang kasi si Asha. Alam niyo na...hmm?
"Sa tingin niyo ano nang gagawin natin kapag natapos na natin ang misyong ito?" pag-iiba ni Luna ng usapan. Natahimik naman kami.
"Tatanggapin na nila tayo." napalingon kami kay Asha.
"Paano mo nasabi?"
"Hindi ba kayo nakinig sa usapan nung seremonya?"
Natahimik nalang ako. Hindi ko ata naalala yun eh. Hehe.
Kaya lang may naisip ako.
"Baka rin pagkatapos nito ay..." singit ko naman.
"Ay?" tanong nila. Naputol ko kasi ang sinabi ko kasi...ah basta, may naisip lang kasi ako.
"Ay..."
"Ano ngang ay? Kung ay ka ng ay diyan sasapakin kita!" eto namang si Luna, hayblad agad! Psh!
"Baka kasi pagkatapos ng lahat ng ito ay..." naputol ko nanaman ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin. Lalong lalo na't hindi ko alam kung bakit eto agad ang naisip ko.
"AY?" tanong nila at nakatingin na sakin ng masama si Luna.
"Baka kasi, ano. Baka sasalakayng muli ang Darkers satin." ayan! Nasabi ko na.
Natahimik naman sila.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Bakit ko pa kasi naisip ito. Eh sila naman kasi napakacurious!
"Hindi natin alam ang mangyayare." giba ni Asha sa katahimikan.
"Mabuti pang matulog nalang tayo para maaga tayong makaalis bukas." singit nalang ni Yumi kaya nagsitanguan nalang kami.
Bakit ko pa kasi naisip iyon eh!
~~~~
Late na kaming nagising. Sino bang mag-aakalang alas onse na ng umaga kami magising?! Oo alas onse. Alam kong hindi rin kayo makapaniwala maski kami rin ay hindi.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...