Chapter 13: Airo

824 23 3
                                    


MICCA

Naglalakad na uli kami sa gubat. Mabuti nga't nahanap kami ni Asha eh kundi habambuhay lang akong nakatago dun sa malaking puno.

"Pahamak din talaga tung si Micca eh." Napairap naman ako nang marinig kong pinagbintangan ako nung Lunang yon.

"Hindi ko sinasadya noh! Tsaka, hindi ko naman kasi alam na sumunod pala yung kuneho satin."

"Oh huwag na kayong magbangayan. Nangyare na yun." awat samin ni Yumi. Napahinga nalang ako ng malalim.

Lakad lang kami ng lakad, ni isa walang nagreklamo. Gusto kasi naming makarating agad.

"At dahil nakasalubong na tayo ng isang oso. Ano kaya ang susunod?" Basag ni Thea sa katahimikan.

"Tigilan mo nga yang pagtanong mo Thea. Baka makakasalubong nanaman tayo ng hayop eh!" Ani Luna. Hayy naku tung babaeng to puro din reklamo eh!

"Bawal magtanong te? Hah?" Thea.

"Oo bawal." Luna.

"At sinong nagsabing bawal?" Sue.

"Ako." Luna.

"Wow! Gumagawa ng sariling patakaran." Sue.

"Huwag niyo nga akong pagtulungan! Sunugin ko kayo eh." Luna.

Matapos nun ay tumahimik nanaman ang mga kasama ko. Uh... maliban kay Asha na tahimik nanaman.

Huminto pa muna kami para uminom at kumain tapos naglakad nanamang muli. Limang oras kaming naglakad at talaga namang tahimik ang paglalakbay namin.

"Malapit nang maggabi." Salita ni Shan kaya napatingala naman kami sa langit. Oo nga. Lumulubog na ang araw.

"Kailangan mating makahanap ng lugar na matutulugan." wika ni Yumi kaya nagsitanguan kami at naghanap ng pwesto para matulugan.

Ilang minuto ay nakahanap na kami ng pwesto na matutulugan. Kaya inihanda na namin ang magiging higaan namin at si Luna naman ay gumawa ng apoy para kami ay maiinitan.

"Sa tingin mo Shan malapit na tayo sa West?" tanong ko habang kumakain ng tinapay.

"Hindi pa. Hindi pa nga tayo nakakalahati sa gubat eh. Mga ilang oras tayong maglakad bukas at makakalahati na natin ang gubat, at dapat mag-ingat tayo dun dahil sa kaliwang bahagi ay ang South. Ang lugar ng mga Darkers." paliwanag ni Shan sa amin habang naglagay ng patay na kahoy sa apoy para hindi ito mamatay.

"Bakit naman? Eh hindi naman tayo pupunta sa South eh, sa West tayo pupunta." wika ni Luna sabay inom ng tubig na dala niya.

"Yun nga, pero mag-ingat parin tayo. Hindi natin alam baka nakaapak na pala tayo sa teritoryo nila. Eh alam mo naman yung pangalawang batas. Diba?" Shan.

"Hm...tama ka naman."

"Miyerkules na bukas. May limang araw pa tayo bago makauwi. Kailangan kahit isa man lang sa ating pito ay mahanap na ang dragon." ani Sue.

"Ang unang makakasalubong natin pagdating sa West ay ang lugar ng desyerto na may malalakas na hangin. Tingin ko ang dragon ni Micca ang una nating mahanap." sabi ni Thea habang nakatingin sa mapa na kinuha niya kay Shan.

"Mabuti yon. Para kahit papano ay hindi na tayo maglakad pa. Ang sakit na sa paa eh." ani Luna.

"Ngayon ko nga lang naisip na pwede nating gawin yung nangyare sa bahay nina Asha. Yung ginawa niyang parang barko yung dahon tas si Micca ang magkokontrol ng hangin para makalipad tayo papunta sa destinasyon natin. Diba?" wika ni Yumi na ikinalaki ng mga mata namin.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now