Chapter 28: Other Side

755 23 0
                                    

SUE

"AGUAAAA!!!" sigaw ko at mabilis na tumakbo kay Agua na nagshapeshift bilang aso. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Akala ko may masamang mangyayari sa inyo."

"Hahaha. Wala po."

"Kumusta sina Mama? Ang mga kambal kong kapatid?"

"Ginawang alipin ang mga magulang mo. Pero yung kambal, hindi namin alam kung nasaan sila. Wala kaming mga batang nakita. Mukhang inipon silang lahat at kinulong."

Napahinto naman ako. Kahit mga bubwit yung mga kambal ni isa ay hindi ko sila kinulong, o maski hindi ko hahayaang madapuan iyon ng lamok.

Tapos kinulong sila?

"Gather around Incantarias!" rinig kong hiyaw ni Prinsipe Nil.

"We need to talk about the informations that they've gathered." dagdag naman nito.

--

"Mabuti't walang darkers na nakakita sa inyo." sabi ni Ate Eya nang matapos magpaliwanag ng mga dragons namin.

"Mukhang magtagal pa tayo dito sa mundo ng mga tao." ani Prinsipe Nil. "But because the Guardians have an important mission, that is to hide the book and to watch out for me. Its better to stay hidden in this world." dagdag ng prinsipe.

Tumahimik naman kami ng ilang minuto. Maging isa samin ay walang may planong magsalita. Yung kinakailangan muna namin ng katahimikan.

•••••

Isang buwan na ang nakalipas mula nung makauwi ang mga dragons namin.

Unti unti na naming na-adapt ang environment dito. And luckily we have tried to blend in for 1 month and a half.

Marami na kaming natutunan na mga bagay dito sa mundo ng mga tao na wala kami. At sa huli ay nakilala na namin yung gadgets na sinasabi ni Lady Mira. Tsaka apps, at yung 200+ Gigabytes na sinasabi niya.

Tsaka binilhan kami ni Ate Eya ng cellphone. Tig-iisa kami para naman makapagcontact kami sa isa't-isa.

Hindi naman namin magawang umangal kay Ate Eya dahil sobra na kasi ito eh. Akalain mong walong mamahaling cellphones ang binili niya? Hindi ba iyon sobra na?

Sobrang bait niya kasi eh. Tsaka ayaw niyang tumatanggi kami sa kanya. Kesho regalo daw samin ang mga pinamili niya para samin.

Kaya ayon, may cellphones na kami. Gusto niyo kunin niyo pa ang number ko eh. Charrr! Hahaha biro lang.

At itong si Luna, Micca, Shan, Yumi at Thea naman ay panay selfie at groufie. Kami lang ata ni Asha ang walang hilig sa mga ganyan.

Errhh...mukhang mas hilig ni Asha ang magbasa ng mga stories na PDF o mga libro. Nung isang araw kasi eh nasa sala siya. Nasa likod niya ako. Kita kong nagbabasa ito sa cellphone niya. Isang PDF, at mukhang story ito o baka novel. Nang nilapitan ko ang paningin ko sa cellphone niya ey may nabasa nga akong pangalan na Mr. Grey doon eh tsaka may Ms. Steele pa. Ewan ko ba! Kasi Ingles ang linggwahe tsaka napakalalim ng mga salitang ingles dun.

At tsaka marami siyang hiniram na libro sa silid-aklatan ng paaralan.

Di ko nga akalaing hindi ako napansin ni Asha sa likod niya eh malalakas pa naman ang mga senses ng mga earth elemental. Oh baka pinabayaan niya lang ako nun? Ay ewan!

Kung tatanungin niyo ako kung anong hilig ko? La lang, soundtrip lang ganun. Hehehe.

"Sue." naalimpungatan naman ako nang may tumawag sa pangalan ko.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now