LUNA
"Ahh....yess....more babe moreee!!!"
"Aahh shit ang sarap niyan...idiin mo pa!"
Umirap ako at hindi nagdadalawang isip na batukan ito. *POK!*
"Awwwhh!!! Syet babe!!!"
"Pwede ba? Tigilan mo yang kakaungol mo diyan. Pagkamalan pa tayong gumagawa ng milagro!" tumawa naman si Hunter. "Eh kasi naman Luna babe, ang sarap mo kasing mamasahe. Kaya mapapaungol talaga ako."
Pinitik ko naman ang tenga nito. "Aray babe!"
"Pwede ka namang umungol pero huwag mo namang lakasan!"
"Hindi ko mapigilan eh. Habang minamasahe mo ako uminit naman ang kamay mo. Sarap sa feeling."
Binatukan ko nanaman ito. "Kontrolin mo yang bibig mo kung ayaw mong iiwan kita dito at bahala ka diyang mamimilipit sa sakit ng katawan mo."
Natigilan ako nang ngumuso ito. Damn, this man! So adorable. "Masakit na yang ginagawa mo ah. Isang batok, isang kiss. Sige ka!"
Tinaasan ko naman ito ng kilay tsaka piningot ang tenga nito. "Arayy! Sige ka, ikikiss na kita!"
"Isang batok isang kiss. Hindi naman kita binatukan ah? Piningot ko lang ang tenga mo." nakacross arms kong sabi kay Hunter. He pouted again. "Ang daya."
Tumawa nalang ako tsaka ipinagpatuloy ang pamasahe sa likod nito.
"Uhmmm..."
"Sige, mag-ingay ka o iiwan kita?"
"H-hindi na po. Si babe talaga seryoso masyado. Hehehe."
I just smirked and continued massaging his back. Kita ko namang ginawa talaga niya ang makakaya para hindi ito mapapaungol sa sarap. He even covered his mouth. Napakagat labi nalang ako, sinubukang hindi matawa.
Pero naaawa ako. Kita kong gusto talaga nitong umungol. Talaga bang masarap akong mamasahe? Habang minamasahe ko kasi si Hunter ay pinainit ko ang kamay ko then massaged his back like a professional. Hmm...maybe that's the reason why he loves it.
In case you wanna know. Nasa salas kami ng bahay ni Pinunong Amon. Kakabreak lang nila sa pag eensayo kay Miyo at heto si Hunter nagpapamasahe sakin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasahe kay Hunter nang bigla bigla nalang pumasok si Prinsipe Nil at si Asha.
"Oh? May problema ba?" tanong ko. Kita ko kasing seryoso ang dalawa pagpasok na pagpasok nila.
Tinignan ako ni Prinsipe Nil. "I don't know. Asha here has something to share with me." nabaling naman ang tingin ko kay Asha. "May problema ba?" tanong ko ulit.
"Well, it's not a problem. It's actually a good news for me." sabi ni Asha.
Kinunotan ko naman siya ng noo. Good news daw pero wala man kahit masayang expression sa mukha ni Asha. "Sigurado kang good news iyan Asha? Para namang hindi ka masaya sa good news mo eh." tanong ni Hunter at napatango tango naman ako since parehas lang kami ng itatanong ni Hunter kay Asha.
"Kailangan ko pa ba talagang magreact?"
"Siyempre noh! Para naman malaman namin kung nagsasabi ka ng totoo o hindi.."
Umirap nalang si Asha. "Whatever...anyway. What I'm trying to say is that, I have revealed something." seryosong sabi ni Asha.
"What is it?" seryoso namang tanong ng prinsipe. Nagkatinginan naman kami ni Hunter bago nagmamadaling lumapit kina Asha. Aba, chika nato!
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...