MICCA
Nasa canteen kami para sa lunchbreak. And surprisingly, nauna kami sa lahat ng mga studyanteng pumunta sa canteen.
Nasa pinakagilid kami pumwesto at matiwasay na kumain.
"Hoy suplada. Huwag mo na ngang isipin iyong kanina." sabi ko kay Luna na ngayo'y tulala parin. Pero yung kutsara na hawak niya ay nabali na.
"Kumain ka na Luna." sabi ni Yumi.
"Oo na. Nawalan lang ako ng gana pero bumalik naman." sabi niya at kumain na.
Ilang sandali lang ay mas dumami ang mga studyante sa canteen at mas umingay sa loob. Pero napatingin ako sa mga studyanteng titig na titig sa gawi namin.
Anong meron? Makatitig samin wagas eh.
Tingin mo Airo? tanong ko sa aking bond na ngayo'y isang singsing.
"Hindi ko po alam guardian. Pero masama ang kutob ko." sabi nito na agad na kumunot ang noo ko.
Bakit?
"Parang may mangyare eh."
Baka guniguni mo lang iyan Airo ah?
"Sana nga." at tumahimik na si Airo sa isipan ko. Hindi ko nalang din iyon pinansin.
"Anong meron?" di ko maiwasang magtanong sa mga kasama ko.
"Hmm?"
Mukhang hindi nila napansin.
"Titig na titig ang mga studyante satin eh. Anong meron?"
"Hindi ko alam."
"Sabi ni Airo na masama raw ang kutob niya. Parang may mangyayareng masama." sabi ko.
"Bakit? Anong mangyayareng masama?"
"Ahem.." naputol ang pag-uusap namin nang marinig kong may tumikhim sa likod ko.
Agad ko itong hinarap at lumaki ang mga mata ko nang makita ang mga Aces sa harap namin. Especially sa seatmate kong nagngangalang si Mike. Siya yung nakita ko sa Mall na...na...nautangan ko ng piso. Hehehe.
"Excuse me ladies pero, dito ang pwesto namin." sabi nung hindi ko kilala. Pero mukhang siya yung katabi ni Yumi.
"Eh?"
"Samin ang pwestong ito." sabi ni Hunter. Siya lang talaga kilala ko at si Mike eh.
"Pero kami ang nakauna eh." aaat, si Luna na mismo ang nagsabi.
"You know what guys? I think we should get another table." suhestisyon nung isang lalaki. Sa aking natatandaan ay siya ang katabi ni Shan eh.
"No." singit ni Mike. Lumaki naman ang mata ko. Ghaaad! Ang suplado pala niya. Tapos may utang pa ako sa kanya ng piso. Langyaa!
Katabi ko nga siya, pero hindi kami nag-uusap. Ikaw kaya may utang sa kanya?
"This table is reserved for us." dagdag pa niya. Syet talaga!
"Wala namang nakalagay na reserved for Aces eh." si Luna nanaman ang nagsalita.
Palaban talaga ang babaeng ito.
"FYI, Babe este Luna na pala. Samin ang pwestong ito. Alam ng lahat na samin ang pwesto na ito kaya samin ang pwestong ito!" ayy? Galit na siya. Hahaha. Sino bang hindi? Matapos siyang ipahiya ni Luna sa canteen kanina.
"Oo nga. Pero the fact na kami ang nauna dito sa pwestong ito, kayo na mismo ang mag-adjust." go Luna! Go Luna!
Kita ko namang namula na ang mukha ni Hunter sa galit hanggang sa...
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...