Chapter 21: Human World

788 22 0
                                    


ASHA

Sinasabi ko na nga ba't aatake ang mga to ng wala sa oras.

Nandito parin kami sa Training Hall. At mukhang ang mga kasama ko ay tulala pa sa mga nangyayare. Nagiba na kasi ang dingding ng training hall at kitang kita ang mga Incantariang tumatakbo. Yung iba naman ay lumalaban.

Si Lola Nina...

Aish nakalimutan ko si Lola!

Aalis na sana ako pero napalingon ulit ako sa mga kasama ko. Aishh nanaman to! Tulalang tulala parin!

Agad akong pumunta sa harap nila.

"HOY!"

Saka naman sila natauhan.

"Oo totoong nangyare na ang atake at hindi ito panaginip!" sigaw ko nang mapunta na sa akin ang atensyon nila.

"Shan, tumulong kayo sa mga Incantaria. Prinsipe Nil at Miyo, ang Reyna." utos ko kahit hindi naman dapat inuutos ang kamahalan pero kinakailangan eh. Lalo na't nasa ganito na kaming sitwasyon.

"M-Mama." sabi ng prinsipe bago ito umalis ng training hall kasama si Miyo.

"Kung tutulong kami sa mga Incantaria, eh ikaw?" tanong sakin ni Luna.

"Pupuntahan ko si Lola. Baka napano na siya."

"Pwede naman sigurong pupuntahan muna namin ang mga pamilya namin bago tumulong diba?" suhestisyon ni Sue.

"Kayo ang bahala." sabi ko nalang.

Naia! - sigaw ko sa dragon ko sa aking isipan.

Kita ko namang magkasamang naglanding ang mga dragon namin dito sa training hall.

"Matapos kong asikasuhin si Lola ay pupunta pa akong bayan ng Habilist. Babalik lang ako, just keep them busy while I keep in touch with the Habilists. Help will come." huling sabi ko nang makasakay na ako kay Naia at lumipad patungong bahay.

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at nagsiliparan na.

Hindi umabot sa isang minuto ay narating na namin ni Naia ang bahay. Mabilis akong pumasok sa loob.

"Lola?!"

Wala akong narinig na boses ni Lola. Tinawag ko parin ang pangalan niya pero walang nagsalita. Pumunta ako sa kwarto niya at boom! Ayon, tulog pa.

Ay diyos ko!

"Lola gising! Gising po lola."

"Mm...ano ba! NATUTULOG AKO OH!" napatakip agad ako sa mga tenga ko.

"Sinalakay na tayo ng mga Darkers, ano ba?! Gising!"

"ANONG SINALAKAY?!" sigaw nito sabay upo sa pagkakahiga. At oo, napatakip nanaman ako sa tenga ko.

"Sinalakay tayo ng mga Darkers!" pag-ulit ko.

"BAKIT?!"

Ughh! Kailangan pa bang sagutin yon?

"Basta bumangon ka na diyan kundi mamamatay ka!"

Sigaw ko at mabilis naman itong umalis sa pagkakahiga. Infairness nawala ang takot ko sa tandang ito. Siguro dahil sa pagmamadali? Hehe.

Napatingin ako sa labas ng bintana at kitang kita ko ang mga nagsitakbuhang mga Incantaria. Gustuhin ko mang tumulong pero kinakailangan kong bantayan si Lola.

"Ayaw mo bang lumabas at tulungan sila?" napalingon ako sa likod nang magsalita si Lola Nina.

"Po? Pero ikaw--"

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now