Chapter 39: Pageant

719 27 2
                                    

SUE

Kakatapos lang ng mga championships sa games. And sad to say natalo kaming Hades Team. Champion kasi ang Ares. Langya naman kasi si Luna, talagang tinotohanan niya ang laro. Takot matalo!

And yeah nakapaglaro din talaga kaming pito. Thanks to Vince and the Aces. Si Vince lang din kasi ang nagreklamo. Siguro sinabihan siya ni Thea na hindi kami nakapaglaro nung second day. Kaya ayun, tinulungan din naman si Vince sa iba pa niyang kaibigan. Kita ko pa si nga si Patty ba yun? Nakasimangot nang makitang nakalaro si Thea.

Like duhh!!! Mas magaling pa si Thea sa kanya noh! Kita ko ngang bilib ang iba pang team mates ni Thea sa kanya.

Si Yumi naman, oo nakalaro nga siya. Kaya lang ewan ko sa babaeng ito. Ang team captain din kasi nila ay si Erin. Si Yumi naman ay parang ayaw magtagpo ang landas nila ni Erin. Ewan ko ba sa babaeng iyan! May time nga na magkatabi sila ni Erin na nagblock. Nadapa silang dalawa matapos magblock. Agad tumayo si Yumi tsaka nagdadalawang isip na tulungan si Erin na tumayo. Pero in the end tinulungan naman talaga niya. Parang labag lang sa loob nito.

Yaan na. Kakausapin ko rin siya tungkol dito.

Si Micca at Shan naman ay ayos lang din. Nakapaglaro sila at todo support naman si Kian kay Shan. Bestfriends daw kasi.

Si Mike naman ay support din sa team nila. Support din siya kay Micca. Minsan nga lang ay iinisin niya si Micca. Ito rin namang si Micca ay mahilig din bumanat. Bangayan nalang din ang ending sa dalawa.

Si Asha...nagtaka nga ako kung bakit hindi sila nanalo sa volleyball. Eh ang lakas nga ni Asha mag spike. Siguro dahil ang dadamot rin talaga ng mga kateam mates nito. Kita ko rin naman kasing hindi nag eenjoy si Asha kasi minsan lang siya makahawak sa bola.
Kaya ang mas pinagtuonan nalang niya ay ang softball, which is nagchampion naman sila.

Ako naman. Hindi ako masyadong magaling sa volleyball, pero nagthird place naman kami. Tsaka supportive naman si Ron. Siya pa nga ang nagiging waterboy namin eh. Hahaha.

Anywaysss...sa present na tayo. Actually ngayon na ang pageant. At heto ako sa backstage nakatulala habang hawak ang gitara.

Alam niyo naman sigurong ngayon ang presentation namin ni Ron diba?

Actually, kinabahan ako.

Oo, ang confident ko nung kausap ko si Ron nun sa boutique ng mama nina Kian at Sean pero ngayon ay kinabahan na ako. Kasi nung tumingin ako sa mga manonood galing backstage ay gaga! Ang daming tao. Sabi naman ni Ron ay invited daw ang mga alumnis at kasali rin sa manonood ang mga outsiders, yun nga lang may bayad pero ganun parin iyon. Mas mraming tao ang nanonood ngayon.

"Good evening Incantarians, Alumnis and Audiences. 15 minutes from now. We are going to start the program." rinig kong sabi ng emcee kaya mas kumabog ng todo ang dibdib ko.

"Hey." agad nabaling ang atensyon ko kay Ron na tumabi sakin hawak hawak din ang gitara niya. "Hi." bati ko naman.

"Pangalawa pa tayong magpepresent kaya, chill muna tayo." ngiting sabi nito kaya ngumiti nalang din ako sa kanya tapos huminga ng malalim.

"Oh? Why the heavy sigh?" tanong nito sakin.

"Uhm...medyo kinabahan ako eh." sagot ko naman saka tumingin sa kanya.

Nginitian lang niya ako. "Normal lang na kabahan ka. Pero alalahanin mo na dahil sayo ay nagkaroon ako ng lakas na loob na kumanta ulit sa harap ng mga tao." para namang may humaplos sa puso ko ng dahil sa sinabi niya.

"Ikaw ang nagsabi sakin na sasamahan mo akong kumanta, kaya napanatag ang loob ko dahil sa sinabi mo. Ngayon, ako naman ang magsasabi sayo, na sasamahan kitang kumanta sa stage, kaya huwag kang kabahan." matamis na ngiting sabi niya sakin. Para namang may kung anong kiliti sa tiyan ko. Tumikhim nalang ako.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now