ASHA
"AT SAAN KA NANAMAN PUPUNTA?!" sigaw ni Lola nang akmang lalabas na ako sa pintuan.
Napalingon ako sa direksyon ni Lola at nakita ko itong nakapamewang at masamang nakatingin sa akin.
"DITO KA NA MUNA SA BAHAY. BANTAYAN MO ANG MGA MANOK NATIN AT NANG HINDI IYON MAKALABAS SA KULUNGAN. KAHAPON PA AKO NAIINIS SA MGA MANOK NA IYAN PALAGING LABAS NG LABAS SA KULUNGAN NILA!" pag-aalburuto ni Lola habang dahan dahang isinuot ang tsinelas niya.
Ako? Kanina pa ako gustong makalabas. Lunes na ngayon at seremonya na naming mga Guardians. Dapat maaga ako.
"DITO KA LANG. PINAPAYAGAN NA KITANG MAG-AALIS ALIS NG BAHAY KAYA SANA NGAYON DUMITO KA NA MUNA AT BANTAYIN ANG MGA HAYOP!" sigaw nito at naglakad papunta sa pintuan.
"AKO NALANG ANG MANONOOD SA SEREMONYA NG MGA GUARDIANS."
Napalaki ang mga mata ko. Bago siya makalabas ay hinawakan ko ang braso niya.
"L-lola. S-sasama ako sayo." its more like a pleading to me pero hindi ako marunong magmakaawa. Ang akin lang ngayon ay ang makapunta na ako agad sa palasyo dahil paniguradong hinihintay na ako ng mga kasama ko, pati na sina Ginoong Wei at maging ang Reyna.
"ANONG SASAMA?! DITO KA LANG!" hiyaw niya at pilit inalis ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang braso.
"Lola, ikaw ang maiwan sa bahay. Eh kasi naman po matanda na kayo at dapat niyong magpahinga, diba?" umobra ka, umobra ka!
"EH ANO NAMAN KUNG MATANDA AKO? DITO KA LANG. DI.TO!" pagdidiin niya sa salitang dito.
At nakaalis na nga ng tuluyan sa bahay si Lola. Kagat kagat ko ang mga kuko ko at nag-iisip ng paraan para makaalis ng bahay.
Nang may naisip agad akong ideya.
Patakbo akong pumunta sa likod ng bahay at ganon nalang lumaki ang mga mata ko nang makita ang mga manok naming nagkakalat sa labas.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at humuli ako ng isang manok.
"TOKAAAA!!! TOKAAAA!!!"
"Huwag kang maingay pwede!" hiyaw ko sa manok.
"Bakit mo ba kasi ako biglang hinuli?!" sabi nito sakin. I rolled my eyes. I've got enough patience to chat with this chicken.
"Makinig ka. Papasukin mo ang lahat ng mga kasama mo sa kulungan ngayon din." utos ko sa kanya.
"toka!!! At bakit ko naman gagawin yon? Gusto nga naming manatili sa labas eh." matigas na sabi nito. Uminit bigla ang ulo ko. Manok lang to ha? Ang init na ng ulo ko, how much more kung isang Incantaria na?
"Gagawin mo ang inuutos ko? O iihawin ko kayo?"
Tumilaok agad yung manok na hawak ko at napangiti nalang ako nang isa-isang nagsipasukan ang mga manok.
"Bitawan mo na ako! Tokaa!!!" pinakawalan ko nga ang manok at pumasok narin ito sa loob ng kulungan.
Sinara ko ang pinto nito at kinontrol ang mga ugat ng kahoy na iharang sa pinto dahil alam kong lalabas at lalabas ang mga manok na iyon. Mga buwisit na manok.
"Bwiset anong oras na."
Patakbo akong umalis ng bahay. Siyempre sinara ko ang pinto ng bahay. Ilang minuto lang at narating ko ang palasyo. Kita ko na ang lahat na nakatayo sa labas ng palasyo at alam kong hinihintay ako nito.
"Asha! Bakit ang tagal mo?" tanong ni Ginoong Wei sakin pero maski isang emotion ay hindi ko maipapakita. Ewan ko, sadyang kalma lang talaga ako.
"Hindi ako pinaalis ng Lola ko, Pasensya na Ginoong Wei. Ngunit ginawa ko ang lahat para makatakas ako, kaya...eto na ako." sabi ko ng nakatingin kay Ginoong Wei para ipakitang nagsasabi ako ng totoo.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...