Chapter 57: Dead

632 25 4
                                    

***

"Ate..."

Hindi maipinta ang mukha ni Kara nang binanggit iyon ni Shan sa kanya.

"Shan? Anong pinagsasabi mo diyan?" takhang tanong ni Luna kay Shan pero hindi naman niya ito pinansin.

Isa isang umaagos ang luha ni Shan sa mukha nito. Agad niyang tinanggal ang kuwintas sa leeg niya at ipinakita ito ni Kara.

"Naalala mo ang kuwintas na ito? *sniff*" aniya sabay pakita sa kuwintas niya na may pendant na singsing.

"Binili niyo ito ni mama. *sniff* Dalawa ang pinabili mo kasi kapag nagkaroon ka ng kapatid ay ibibigay mo ito sa kanya *sniff*. Nang sumakop sa atin ang mga Darkers, nagkahiwalay sina mama at papa. Si papa ang may hawak sa'yo. Pero sinugod parin siya sa mga Darkers. Nang magkitang muli sina papa at mama ay wala ka na sa bisig ni papa *sniff*. Ang buong akala nila patay ka na, na pinatay ka ng mga Darkers. P-pero, heto ka ngayon...buhay ka lang pala."

Ang mga kasama naman ni Shan ay nasa likod lang niya nakikinig.

"Mayghad...Ate pala niya si Kara?" bulong ni Sue sa mga kasama nito. Tumango tango nalang sila sa likod tapos nakinig muli sa dalawang magkakapatid kuno.

"Nung unang kita pa namin sayo. Nung dinakip mo kami nung nagbond mission kami. Hindi ako makasalita kasi nakatitig lang ako sa kuwintas mo nun. Nung nagkita nanaman tayo nang matapos ang bond mission namin at binigyan niyo kami ng threat ay nakatitig parin ako sa kuwintas mo. Ngayon naglakas ng loob na akong humarap sayo at sabihin sayo ito. Alam kong ikaw ang Ate ko." then Shan broked down in tears. Lumapit naman si Kian sa kanya para patahanin ito.

Nakatungo lang naman si Kara at parang maiiyak narin ito. Eya saw this at lumapit kay Kara.

"Kara..." bulong nito sa kaibigan nito. "Kara, you told me na kinupkop ka lang ng isang matanda at dinala ka niya dito sa South. Lumaki ka dito at namatay yung matanda kaya ikaw nang mag-isa sa bahay niya. And then we met after that." napatitig lang si Kara kay Eya nang ipinaalala nito ang nakaraan niya.

Tumango tango si Kara. "P-pero ang sabi nung matanda na patay na daw ang mga magulang ko. Tanging ang kuwintas lang na ito ang alaala ko sa kanila." parang naiiyak naring sabi ni Kara.

"But you remembered na nagpabili ka ng isang kuwintas sa mama mo para sa magiging kapatid mo?"

Dahan dahang tumango si Kara. "I did not bother to look for my parents kasi sabi naman nung matanda na patay na daw sila."

Manghang natawa si Eya. "Now Shan confessed to you that you're her big sister. Kara you have a family! Nabuo si Shan and that means you're parents are alive."

Nagdilim ang mukha ni Kara. "That old woman. Mabuti nalang at patay na ito. I should have known. Darkers are really evil." galit nitong sabi. Eya then patted her shoulders.

Kara returned her gaze at Eya. Mabilis naman niya itong niyakap.

"Eyaaa..." naiyak nalang din si Eya at niyakap pabalik si Kara.

"I'm sorry." Kara mumbled. "It's fine. It's okay. Ang importante ay nagkaayos na tayo." at kumalas naman sila sa isa't isa.

"Now go hug your sister." sabi ni Eya sabay punas sa mga kuha nito.

Humarap naman si Kara sa gawi ni Shan at mabilis na nagyakapan ang isa't isa.

"Wooooo...grabe ka Shan. Ilang beses na nating nakita si Ate Kara tapos ngayon mo lang narealize na Ate mo pala ito?" nakapamewag na sabi ni Luna.

"It always takes time to realize everything Luna." sabi ni Yumi na nakangiti sa magkapatid na nagyayakapan parin.

"Well... good point."

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now