Chapter 34: Urgent

736 27 0
                                    

YUMI

Nakaupo lang kami sa bleachers dito sa loob ng gym.

Dalawang araw na ang lumipas at puro lang kami practice para sa intrams namin. Grabe yung pursigi ng mga tao sa pagpapractice samantalang kaming pito ay wala lang, chill lang. Actually, today is the last day of our practice kaya grabe ang pag-eensayo nila ngayon.

Pinanood lang namin ang mga naglalaro ng volleyball dito sa loob ng gym.

Napahikab naman ako sa kakanood nilang maglaro. Tapos na kami ng pag-ensayo kaya nakaupo lang kami dito sa gilid. Pero kahit anong pag-ensayo namin ay hindi naman kami pinapasahan ng bola sa mga babaeng kalaro namin. Parang sila pa nga yung enjoy na enjoy eh.

Para lang kaming mga poste dun. Tapos biglaan ba naman kaming isubstitute sa iba. Sarap ngang ipalipad dun sa ibang planeta eh!

In short! Hindi maayos ang ensayo naming pito sa loob ng tatlong araw! Intramurals pa naman bukas! Tapos para lang kaming mga wala dito na akala mo hindi nag-eexist dahil lalagpasan lang kami ng mga babae. Namumuno pa nga yung nagngangalang Patty daw, sabi ni Thea na siya daw yung malamaldita sa paaralang ito. At siya daw ang dahilan kung bakit nasali si Thea sa pageant.

Napalingon ako kay Asha na nasa tabi ko. Tahimik lang siyang nakatingin sa bottled water na hawak niya. Ang lalim ng iniisip nito ah?

"Asha." natauhan naman ito at nakatingin sakin.

"Hm?"

"Ayos ka lang?"

"O-oo." sabi niya pero hindi naman ako kumbinsido kaya tinitigan ko lang siya. Hanggang sa bumuntong hininga lang siya. "Hindi."

"Bakit? May problema ba?" tanong ko at humarap sa kanya.

"May...*sigh* may iniisip lang ako." sabi niya at uminom dun sa tubig na hawak niya.

"Ano ba yang iniisip mo?"

"Naisip ko lang kung bakit tatlong laro ang sinalihan ko. Pabalik balik lang yung daan ko niyan sa actual na laro eh." sabi niya. Natawa naman ako. Ayan kasi, tatlong laro kasi ang sinalihan.

"Kung magback-out ka nalang kaya sa isa sa mga yun? Hahaha, di ba yun nakakapagod?"

"Nahh...approved na. Tsaka iba naman ang schedule ng mga laro na sinalihan ko eh kaya makakalaro parin naman ako." sabi niya kaya napatango naman ako. "Plus, by team naman ang softball at volleyball. Marami naman kami sa teams kaya pwede akong makapag-excuse para laruin ang throwing. Tutal substitution lang din ako sa team." dagdag pa niya. At namangha naman ako, lalaruin talaga niya yung tatlong larong sinalihan niya.

"Hm...pwede naman yan. Pero tandaan mo, lalaro ka sa volleyball ah?" sabi ko. Hinahamon kaya kami ni Luna.

"Lalaro naman talaga ako, kung papapasukin ako ng mga kasama ko." sabi niya at napasimangot din naman ako dun. Tama siya, kung papapasukin din kami sa team namin. Mga mukhang bola yon eh, ayaw pasali!

"Kahit naman siguro hindi kayo nakapag-ensayo guardian ay mas magaling pa kayo sa mga iyan." singit ni Ace sa isipan ko at namula naman ako. Hindi parin talaga mawala sa akin ang pagkakilig sa tuwing magsalita sa Ace. Ang gwapo talaga ng boses niya! Plus, motivation pa ah?

Umiwas nalang ako kay Asha at tinignan nalang din ang mga naglalaro sa gym. Baka mahalata ako.

"Hmm...salamat Ace." sabi ko nalang.

Nahagip naman ng mga mata ko si Erin, ang syota ni Jac.

Aba akalain mo nga namang magaling din siya sa volleyball. Setter nga lang siya pero malaking tulong iyon. Tsaka kateam pa namin siya ni Micca. Hindi ko lang siya nakita nun sa meeting kasi sa huli na magbubunutan ang mga officers at tuwang tuwa naman ang mokong na Jac na kateam niya ang jowa niya.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now