Chapter 10: Last Training

841 30 0
                                    


***

Isang linggo na ang nakalipas. Patuloy na gumagaling ang mga Guardians natin. May natitirang isang linggo pa sila para ganapin ang seremonya.

"Ganyan nga!" sigaw ng Ginoo.

"HAYAH!"

"UGH!"

Pinanood nila ang laban ni Thea at ni Miyo. Kung hindi niyo naalala si Miyo, siya lang naman ang nag-iisang anak nina Lady Mira at General Hyo.

Si Ginoong Wei naman ay natuwa sa pinanood niya sapagkat matatalo na ni Thea si Miyo sa labang martial arts. Since, hindi ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Thea, mas maigi na marunong siyang dumepensa sa sarili. Malaking tulong din naman kasi ang maiambag ni Thea sapagkat isa siyang Healer, at nakakatulong ito sa mga myembro niya kung sakaling may sugatan ang isa sa kanila.

"Tuluyan mo na Thea!" sigaw ni Ginoong Wei nang nakahiga na si Miyo sa sahig at nakapatong si Thea. Hindi na nagdalawang isip si Thea na suntukin ang mukha ni Miyo.

"MAGALING! HAHAHA!" hiyaw ng Ginoo at natuwa naman si Thea sa naging reaksyon nito.

Napabangon naman si Miyo at pinunasan ang konting dugo sa kanyang labi.

"Natuluyan ka ata Miyo! HAHAHA!" halakhak ng kaibigan nitong si Prinsipe Nil na kasama ring nanood sa laban.

"Psh! Hindi naman masakit." sabi nito pero tinawanan lang siya ng Prinsipe.

"Iyan ang kabayaran sa ginawa mong pagbali ng buto ni Thea. HAHAHA!" tawa namang sabi ng Ginoo kaya nakitawa narin yung iba.

Nung unang ensayo palang kasi nina Miyo at Thea ay binali ni Miyo ang buto ni Thea. Mabuti nga lang at isang healer si Thea kaya nagawa niyang pagalingin ang sarili niya.

"Nais ng aking ina na yayain kayong magmeryenda. Tsaka pag-uusapan narin daw natin ang paparating na seremonya ng mga Guardians." Singit ng Prinsipe.

"Aba! Sa tinagal tagal na naming nag-ensayo ngayon pa niya naisipang magmeryenda tayo? Iba rin tung si Elena eh." salita ng Ginoo na nakapagpatawa sa mga kasama nito.

"Lagot ka raw kay Mama pagdating natin sa dining hall." ngising sabi ng Prinsipe. "Sinabi mo sa kanya?" gulat na tanong ng Ginoo.

"Parang ganun na nga ho Tito. Hahaha." tawa ng Prinsipe at ayan nanaman yung mga dalagang kinikilig sa tuwing tatawa ang Prinsipe. Maliban nga lang kay Luna at Asha.

Napakamot nalang ng ulo niya si Ginoong Wei at umiling-iling. Alam kasi niya kung paano magagalit ang Reyna Elena, at alam niya ang gagawin niya kung sakaling magbabanta ito.

Naglakad na ang lahat papunta sa dining hall. Nang kaharap na nila ang pintuan ay nagpahuli ang Ginoong Wei.

"Mauna na kayo. Baka pagpasok ko palang sa pintuan patay na ako. Hehehe." nerbyus nitong sabi at tumawa lang ang iba bago buksan ang pinto.

Naunang pumasok ang Prinsipe kasama ang kaibigan nitong si Miyo at sumunod ang mga Guardians bago pumasok si Ginoong Wei. Pero sa hindi inaasahan ay may matatalim na tanim ang papunta sa direksyon ng Ginoo at naalarma naman ito. Iwinasiwas niya ang kamay niya kaya napunta sa gilid ang matatalim na tanim.

"Elena naman!" hiyaw nito ng makita ang Reyna Elena na nakatayo paharap kay Ginoong Wei.

"Inaya na nga ng meryenda nagrereklamo pa. Diyan ka ah? Huwag kang sumali sa amin." sabi ng Reyna at tumawa naman yung mga kasama nito.

"Grabe naman to." reklamo ulit ng Ginoo. "Oh siya sige na nga halika na dito kundi diyan ka lang." sabi ng Reyna at tumawa ulit ang mga kasama.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now