Chapter 37: Intramurals

736 26 0
                                    

SHAN

"HOOOOOO!!!!"

Dumagundong ang hiyaw ng mga estudyante sa covered court. Grabe ang ingay. Para kang nasa laban.

Kakatapos lang naming magparade at heto na kami sa covered court. Himala nga at nagkasya kaming lahat eh. Akala ko kasi hindi.

"GOOD MORNING INCANTARIAANNSS!!!" sigaw ng emcee kaya sumigaw din ang mga estudyante.

"WOOOOOOHHHHHHH!!!"

"WAAHHHHHHHH!!!"

"AAAHHHHHHHGGHGHH!!!"

Natawa nalang ako habang tinakip ang tenga ko. As crazy as it may seem pero Incantarians ang tawag sa mga estudyante dito. Malapit lapit lang sa amin na Incantaria.

Ang pangalan kasi ng school ay Incantare State University. Natawa talaga ako nang malaman ang buong pangalan ng paaralan nina Ate Eya. Hindi parin mawawala ang katotohanang mga Incantaria sila, and they named their school like our place back at home.

"Ang ingaaayyy!!! Woooo!!!" sigaw ni Yumi na nasa tabi ko. Oo magkatabi kaming pito. Hindi puwedeng maghiwahiwalay kami. Dapat nga mag-ingat kami eh.

"Today is Incantare State University's Intramurals 2019!!! Is everybody excited for this event?!!"

"YEEEEEEEEEEEEEEESSSSSSSS!!!!" napatakip nanaman ako sa tenga ko.

"Potaaaaa ang ingayyy gagoooo!!!" sigaw naman ni Micca na nasa kaliwa ko. Bali sa Yumi yung nasa kanan ko at si Asha naman ang sunod ni Yumi tapos ni Asha ay si Thea na pinakadulo. Dito naman sa kaliwa ko ay si Micca tapos si Luna at sa huli ay si Sue. Himala at magkatabi ang dalawang inis ang isa't-isa. Alam niyo na kung sino.

May konting program pa ang naganap bago gawin yung lightning of torch at yung pledge pledge nayun. Actually ang totoo ay dapat by team kami. Kaso matigas ang ulo naming pito eh at magkasama pa talaga kami. Hahahaha!

Nasa pinakatuktok kami ng bleachers kung saan kami lang ang nag-ukopa.

Hindi rin naman nagpapahuli ang Aces dahil nasa kabilang bleachers din sila at magsama sama silang umupo sa pinakatuktok ng bleachers sa kabila.

Yeahhh...kami na ang mga matitigas ang ulo. Wala namang makakahalata samin kasi gray na t shirt ang parehos naming suot. Tapos yung lugar na inuupuan namin ay sa Hades Team, which is wearing gray t shirt. Kaya parang naging parte narin kami ng team haha.

Sa Poseidon Team ay blue color, Athena - yellow, Ares - green, Aphrodite - red, at Zeus - orange.

Ilang minuto pa silang naghintay bago marinig ang matagal na nilang hinihintay.

"This ends the program. I am your emcee Ethan Ramos, now signing off."

At nagsitayuan ang mga estudyante para lumabas ng court. Ang sabi kasi ay pagkatapos nitong maliit na program ay may snacks time bago simulan ang unang laro sa first day. Kaya nakakaexcite ang araw natu.

Now I know kung bakit gusto nila ang Intramurals. Hmm...especially si Kian.

Speaking of him na'san nayun?

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boys kanina kaya lang wala na ito.
"Excited kumain?"

"Suss...si guardian hinanap si Kian." namula naman si Shan. "H-hindi ah?"

"Okay sige. Kunwari hindi ko narinig na nautal ka." what the?

"Ikaw Laxus ah? Nagiging bad boy ka na." sabi ko pero ang loko tinawanan lang ako. Umiling nalang ako at bumaba sa mga bleachers kasama ang ibang guardians.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now