Chapter 49: Dark

658 29 0
                                    

Here you go @alabmygirl 😘

SHAN

Mabilis kaming nagsibabaan galing sa attic. Our dragons have sensed dark magic. And there could be a possibility na nandito ito malapit sa mansion.

Sakto namang pagbaba namin patungo sa sala ay umungol nanaman ang mga dragon namin.

"Shan. Nawala ang Dark magic."

"Ano? Agad agad? As in nawala?"

"Oo. Nawala nalang bigla."

Napakamot agad ako sa ulo ko. How? Ang bilis naman nitong mawala.

Lumapit naman samin ang prinsipe. "Oh? Anong problema? Magkasabay pa kayong bumaba rito."

"Prinsipe Nil, may nararamdamang Dark magic ang mga dragons namin." lumaki naman ang mga mata ng prinsipe. "Dark magic? Here? In this mansion?"

"Hindi po kami nakakasiguro, pero posibleng nasa malapit lapit lang." sabi naman ni Sue.

Napahilamos naman sa mukha ang prinsipe. Ilang sandali lang ay nakarinig kaming bumaba galing sa hagdanan. Only to see Ate Eya na humahangos din pababa. Napahinto naman siya nang makita niyang nakatingin kami sa kanya.

"O-oh? Bakit kayo nakatingin sakin? Tsaka bakit nagtitipo kayo diyan?" tanong nito samin habang pinalis ang pawis na namumuo sa noo niya.

Actually, I wanted to ask kung bakit pinagpawisan siya. Hindi naman ganyan kahaba ang hagdanan para pagpawisan siya.

Lumapit ang prinsipe kay Ate Eya tsaka niyakap niya ito, nagtakha naman si Ate Eya pero niyakap narin niya ang prinsipe pabalik.

Ahem! Hindi na sila nahihiyang ipakita sa harap namin ang pagiging sweet sa isa't-isa.

Kumalas ang dalawa pagkatapos nagtitigan. "Anong meron?" tanong ni Ate Eya.

"May nararamdaman dawng Dark magic ang dragons ng mga guardians dito sa mansion." sagot ng prinsipe. Kita naman naming namutla si Ate Eya, tapos pinagpawisan nanaman siya.

"D-Dark magic? Dito? S-sa mansion?" utal nitong sabi at tumango naman kami.

"Pero Ate Eya nawala din naman bigla ang mahika. Nakakapagtakha nga eh, pero mas mabuti narin yon." sabi ni Thea at para namang nabunutan ng tinik si Ate Eya.

Huminga ito ng malalim habang sapo nito ang dibdib niya. "Mabuti naman." aniya at napangiti nalang din kami.

Pero pansin ko kay Ate Eya na palagi itong pinagpawisan. Kapag pinunasan naman niya ito ay babalik din naman.

"Ang ginaw ginaw ng kamay mo Eya." komento ni Prinsipe Nil habang hawak hawak nito ang kamay ni Ate Eya.

I saw Ate Eya gulped. "Siyempre, sinong hindi. Sa binalita niyo saking may nararamdamang Dark magic ang mga dragons, eh nakakatakot yon."

Tinanguan nalang din siya ni Prinsipe Nil at inakbayan siya nito tapos naglakad sila patungong kusina. Well, oras narin naman ng pananghalian kaya naglakad narin kami patungo sa kusina para kumain.

~~~~

Today is another day, and it is monday. Another iwas nanaman sa mga boys.

Prente lang akong nakaupo sa aking seat dito sa room. Hinihintay na namin ang unang guro namin. Well, si Kuya Lee naman ang first subject namin and it's P.E. kaya lang hindi kami maglalaro ngayon kundi discussion lang.

Habang naghihintay ay ramdam ko namang may tao na sa tabi ko. I got stiffed. Oh god, nandito na pala si Kian. How come I did not noticed?

Hindi nalang ako kumibo at kinuha ko nalang ang cellphone ko para maglaro. Habang naglalaro ay naiilang naman ako. Kasi alam kong nakatingin sakin si Kian.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now