Chapter 16: Laxus and Hera

732 27 4
                                    


SHAN

Kanina pa kami hanap ng hanap kay Sue, tapos, nasa ilalim lang pala ito ng talon?!

"Nakakaloka kang babae ka!" hiyaw ni Yumi kay Sue na nakasakay sa dragon nitong lumangoy papalapit sa amin.

"Hala? Nakita mo na pala ang dragon mo?" tanong ni Thea.

"Hindi ba halata ha? Thea?"

"Yeeyy! Kung ganun ay tatlong dragon nalang ang hahanapin natin!" hiyaw ni Micca. Ngumiti nalang din kami.

*BLAAAGGG!!!*

"Ahh!" nagulat kami nang biglang kumidlat. Hala? Uulan yata.

"Tara sumilong tayo." sabi naman ni Yumi. "Anong sumilong? Basa na nga tayo sisilong pa? Edi maligo tayo sa ulan!" wika naman ni Luna.

Nagsitawanan nalang kami lalong lalo na kay Yumi.

Masaya kaming naligo sa talon. Grabe parang bumalik kami sa pagkabata. Yung laro lang ng laro at walang problema? Ganon.

*BLAAAGGGG!!!*

Kahit magulat man dahil sa kidlat, tatawa lang kami at walang pakialam dito.

Habang nagtatawanan ay nakita ko naman sa gilid ko si Asha na nakatayo lang at nakatitig sa tubig. Agad nawala ang ngiti ko.

Hala? Anyare kaya sa babaeng ito.

Tinignan ko muna ang mga kasama ko bago lapitan si Asha.

"May problema ba Asha?" tanong ko. Pero imbis na sagotin niya ako ay itinuro niya lang ang tubig.

Kunot noo ko naman itong tinignan. "Ano bang meron?" tanong ko at tumingin ulit sa kanya.

"Reflection." sabi nito sakin kaya tumingin ulit ako pabalik sa tubig at tinignan ang repleksyon nito.

Lumaki ang mga mata ko nang makita ang kidlat sa repleksyon at ang mga dragon na nagsiliparan kasabay sa ulan at kidlat.

"Makikita ang mga light dragon sa oras na kumidlat o bumagyo." sabi nito sakin at tinignan ako. Napalunok nalang ako kasi ang seryoso niya.

"Simulan mo nang hanapin ang dragon mo Shan." sabi nito at doon lang sumagi sa isip ko na ito na ang panahon ko. Hindi mamatay ah? Kundi ito na ang panahon na makikita ko na ang dragon ko. Biglaan ata? Hindi pa ako handa. Pero, naahh...

"Oh? Shan saan ka pupunta?" sigaw sakin ni Yumi.

"Diyan lang sa bato." turo ko sa malaking bato, hindi lang naman malayo sa kanila.

Agad akong umupo sa tutok ng bato at ipinikit ang mga mata ko. Agad kong pinakiramdaman ang paligid ko. Huminga pa ako ng malalim.

Sa una ay nawala ang concentration ko nang kumidlat bigla. Pero sa mga sumusunod na kidlat ay hindi na ako nagpatinag.

Huminga ulit ako ng malalim. Hanggang sa bigla akong hinigop sa ibang lugar. Eto na ata ang sinabi nina Luna at Micca na idala ka sa ibang dimensyon.

"Dragon? Nandiyan ka ba?" sabi ko nalang.

"Grawrr!" Hala!

"Ayy! Jusmiyo!" gulat kong tugon. Langya naman nagulat ako don!

"Guardian, nandito ako." napalingon naman ako sa kaliwa ko at nagulat naman ako nang ang mukha niya ang nakasalubong ko.

"WAH!!!" hiyaw ko.

"W-wag ka nalang manggulat." sabi ko sabay himas sa dibdib ko. Hoo! Grabe ang kabog ng dibdib ko.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now