Chapter 42: Unknown

668 22 1
                                    

MICCA

Mabilis naming tinungo ang kwarto nina Kuya Lee, Ate Lyn at Ate Gia para tignan kung ayos lang ba sila. Sina Shan naman at Luna ay nagtungo sa pinagtaguan ng Propesiya upang tignan kung nandoon parin ba. Alam narin naman namin kung saan ito itinago.

Pagbukas ko sa kwarto ni Kuya Lee ay mahimbing naman ang tulog nito. Napahinga ako ng maluwag. Mabuti nga naman at hindi naglock si Kuya Lee.

Lumabas na ako sa kwarto ni Kuya Lee at nagkatagpo naman kami ni Thea, Sue at Yumi na galing din sa kwarto nina Ate Lyn, Ate Gia at Ate Eya, we needed a double check for Ate Eya since nasa malapit pa naman ng bintana sa kwarto niya yung parang bolang kristal.

Bumaba na kami papuntang sala at hinintay ang mga kasama namin. Unang bumaba sina Luna at Shan.

"Kumusta ang Propesiya?" tanong ko.

"Ayos naman. Nandoon parin."

Napahinga naman kami ng maluwag dahil dun.

Tsaka naman bumaba na si Asha, pero kasama na si Prinsipe Nil. Napahinga nanaman kami ng maluwag nang makitang ayos lang ang prinsipe.

"Anong problema?" bungad sa amin ng prinsipe.

"Nasaan yung bolang kristal?" tanong ni Asha. Ibinigay naman ito ni Shan sa kanya. Tsaka inihagis naman ni Asha ang bolang kristal patungo sa prinsipe at nasalo naman niya ito.

Kumunot ang noo ko. Sa totoo lang ah? Kagabi pa ako nawiwirdohan sa dalawang ito lalong lalo na kay Asha. Parang wala lang sa kanya yung paghagis nung bolang kristal kay Prinsipe Nil. Nawawala na ba ang respeto ni Asha?

"Saan niyo ito nakuha?" tumingin kami kay Asha dahil siya lang naman ang nakakita niyan.

"Nakita ko yan sa labas ng bahay. Malapit sa bintana ni Ate Eya." sagot ni Asha. Kita naman naming lumaki ang mata ng prinsipe.

"Oops...don't worry. Chineck na namin si Ate Eya at ayos lang siya." napahinga naman ng malalim si Prinsipe Nil. Ako naman, parang mapupunit na ang labi sa kakangiti.

Yieee~ nag-alala ang prinsipe kay Ate Eya.

Tumikhim nalang ang prinsipe at isa isa kaming tinignan. "Kayo? Ayos lang ba kayo?" sinserong tanong nito samin.
Nagsitanguan naman kaming pito.

"Bakit ang aga niyo ngayon? Anong meron?" kunot noong tanong nito. Mind you, inaantok pa ang mga mata niya. Hahaha, ewan ko kay Asha kung bakit pa niya ginising ang prinsipe.

Nagkatinginan naman kaming pito.

"Oh? Bakit nagkatinginan kayo diyan? May alam ba kayo na hindi ko alam?"

At dahil dun ay si Thea na ang nagkwento sa nangyare samin kagabi at kanina. Si prinsipe Nil naman ay kunot noo lang na nakinig kay Thea. Nandiyan pa kasi yung antok niya. At ang kyut kyut at gwapo ng prinsipe tignan. Hihihi...nanggigil tuloy ako sa pagmumukha niya!

"So I guess napaaga kayo ng gising its because staying up early is one of your duty as guardians." sabi ng prinsipe. "That's good. Magiging routine niyo na yan everyday." dagdag pa nito na dahilan ng pagkasimangot namin.

Saka tumingin si prinsipe Nil kay Asha. Nagtitigan lang sila ng mga ilang minuto bago magsalita ang prinsipe. "Sige. Matulog na ulit ako. Tsaka kayo narin..." sabi nito at hinay hinayng naglakad papunta sa hagdanan. Pero bago pa siya makaakyat ay may pahabol pa siya. "Yun ay kung inaantok pa kayo?" at tuluyan na nga siyang umakyat patungo sa kwarto niya.

Nang mawala na siya sa paningin namin ay sabay sabay kaming anim na napalingon kay Asha.

"Oh?" tanong nito.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now