Dedicated to @rhoannealliv 😊 Here's an update for ya'😉
***
"*yawn* Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ni Yumi matapos humikab.
Alas nwebe na ng gabi at nasa attic sila, sa kwarto ni Asha nagtitipon. Nagtawag kasi ng meeting si Thea sa mga kasama nito at kinailangang masigurong nakatulog na sina Eya saka na nila pag-usapan ang pakay ni Thea.
"Let's get this over with." ani Shan tsaka lumingon kay Thea. "Thea, anong pag-uusapan natin?"
Tumikhim pa muna si Thea tsaka bumuntong hininga bago ikinwento sa mga kasama nito ang nangyare sa kanya sa loob ng dimensyong gawa ni Hera kanina.
Matapos magkwento ni Thea ay tumahimik ang grupo. Pilit na inaabsorb ang balitang sinabi ni Thea. They are silent for about 20 minutes until someone broke it.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Micca kaya napalingon ang lahat sa gawi niya. "Hindi man natin alam kung kailan nila tayo matunton. May posibilidad na sa susunod na araw, o baka bukas, or much worse ay ngayon." may bahid ng pag-alala ang mukha ng mga guardians matapos itong sabihin ni Micca.
"O baka hindi lang sa bahay nila tayo matunton. May posibilidad din na matunton nila tayo kahit saang lugar dito, o baka sa paaralan." napalingon naman ang lahat kay Sue. "Baka madamay pa ang mga inosente." dagdag pa ni Sue kaya mas lalong nag-alala ang mga ito.
Tumahimik nanaman ang lahat hanggang sa lumingon ang anim sa gawi ni Asha. Nagsalubong naman ang kilay nitong nakatingin sa anim.
"What?"
"Wala, baka kasi may plano ka." ani Luna. "I may not be good at analization and brainy stuffs but I know what is right and wrong." dagdag ni Luna.
"Right now is not really the time para magtataray ako. Kaya ililibing ko muna ang masamang ugali ko." aniya at napangiti naman ang lahat kay Luna. Ilang sandali lang ay naramdaman ng pito na parang gumagaan ang pakiramdam nila at parang lumalakas sila.
And this is all the prophecy's doings."Sana Luna ganyan ka palagi." tuwang sabi ni Micca kay Luna.
Umirap naman ito sa kanya. "Ewan ko sayo." aniya tsaka ibinalik ang paningin kay Asha na tahimik na nakatingin at nakinig sa kanila.
"Ano? May naisip ka?"
Umiling si Asha. "My mind's not really functioning today." kumunot ang noo ng anim na guardians.
"Bakit naman? May schedule ba yang katalinuhan mo?" kunot noong sabi ni Luna. Umiling ulit si Asha. "Hindi, may bumabagabag lang sakin ngayon. Hindi ako mapakali." aniya.
"Bakit? May nangyare ba sa inyo ni Sean sa meeting kanina kaya parang wala ka sa sarili mo ngayon?" pagkasabi nun ni Yumi ay nagtilian naman ang mga kasama nito. Asha just grunted.
"Seryoso ako." seryoso nitong saad at umayos naman ang anim. Napakaseryoso na kasi ni Asha eh.
Huminga ng malalim si Asha. "Ramdam kong parang may masamang elementong nakaapak sa mundong ito." aniya tsaka lumingon kay Micca. "Alam kong ramdam mo rin." sabi ni Asha at napalunok naman si Micca nang lahat ay nakatingin sa gawi niya.
"You knew?"
"Ang akin lang ay ramdam kong may masamang mangyare. Siguro konektado narin sa nararamdaman ni Asha. And I was actually planning to say it to you guys. Naunahan lang ako ni Asha." sagot naman ni Micca at tinanguan lang siya ng mga kasama.
"We really need to stay alert." sabi ni Shan. "I think we need to split up and guard the prophecy at ang mga kasama natin." dagdag pa ni Shan.
"Yung nagsplit tayo kaninang umaga para tignan ang kalagayan nila, iyon nalang siguro." sabi ni Sue. Napaisip naman sila sa sinabi niya hanggang sa sumang-ayon narin sila.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...