Chapter 18: Back from Mission

783 23 0
                                    


***

"Faro! Ayos ka lang ba?" sabi ni Luna sabay himas himas ng noo ni Faro.

Matapos ang insedenteng iyon ay nahimasmasan narin ang mga dragon. At heto ang mga guardians nilapitan sila.

"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang." sagot nito kay Luna.

"Makikita ko lang ulit ang babaeng iyon nakuuu talaga! Babanatin ko yon!" pag-aalburuto ni Luna.

Sa kabila naman ay alalang alala si Shan kay Laxus. Pero maya maya ay naalala niya ang babaeng nakaitim kanina. May isang bagay kasi siyang napansin dun sa babae pero hindi siya sigurado sa bagay na iyon. May natatandaan lang kasi siya.

"Guardian, ayos ka lang?" natauhan ito nang magsalita si Laxus sa isip niya.

"A-ayos lang ako Laxus. May naalala lang ako."

"Mga kasamaaaa! Nahanap na namin ang dragon ni Asha!" hiyaw ni Micca sa grupo. Saka naman dumating si Asha sakay ang dragon niyang si Naia.

"Ohh! At lumabas ang pinakamalakas!" ani Airo.

"Tumahimik ka hangin!" Naia.

"Naia, hindi ka na nasanay. Hahaha!" sabi naman ni Agua.

"Alam mo namang ganyan si Airo eh hahaha." sabi rin ni Hera.

"Masaya akong kompleto tayo ulit." singit ni Ace.

"Ang tagal na nun." sabi naman ni Faro.

"Ang iingay niyo parin!" singit ni Laxus. At nagtawanan ang lahat ng dragon.

Sa mga guardians naman ay nakakunot lang ang mga noo. Since, puro growl lang ang narinig nila. Ang iingay pa nila. Sa kabila naman ay tawa ng tawa si Asha.

Kunot noo namang napatingin ang mga guardians kay Asha. Para itong tanga at nang marealize nila na parang nakaintindi ito sa mga sinasabi nila...

"Asha! Naintindihan mo sila?" tanong ni Sue kay Asha at tumango lang ito sa kanila habang nakangiti.

"Gaga! Earth elemental iyan diba!"

"Kung ganon, maririnig mo rin ang pinag-usapan namin sa mga bonds namin?!" Luna.

Umiling lang si Asha. "Hindi ko kayo maririnig o maintindihan kung mag-uusap kayo kasi isip niyo ang gamit niyo eh. Pwera nalang kung uungol sila o yung natural way na magsalita sila ay maintindihan ko." paliwanag nito.

"Kung ganun, yung oras na umungol ang kaibigan ni Laxus ay naintindihan mo?" ani Shan. Isa rin ito sa sitwasyon na naguguluhan din si Shan eh. Tinanguan lang siya ni Asha.

Napa 'ahh' lang sila.

"Kung ganon. Bakit ka tumawa? Ano bang pinag-uusapan nila?"

Sinabi naman ni Asha kung ano ang pinag-usapan nila at dun naman natawa silang anim.

"Matagal na pala kayong magkakilala?" tanong ni Thea kay Hera.

"Oo, bata palang kami ay nagkita na kami sa panaginip namin. Hanggang sa napagpasyahan naming magkita kita sa personal. Kaya ayon." sagot nito. Sinabi rin naman ni Thea sa mga kasama niya.

"Bakit naman kayo sabay sabay na napanaginipan ang isa't-isa?" tanong naman ni Shan.

"Kasi kami ang nakatadhana. Matagal na naming napanaginipan ang isa't-isa simula nung napisa ang itlog namin. Hanggang magtanda kami ay napanaginipan parin namin ang isa't-isa. Hanggang sa naisipan na nga naming magkikita kita." sagot ni Laxus kay Shan tsaka naman niya ito sinabi sa mga kasama niya.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now