Chapter 44: Foresee

705 26 1
                                    

SEAN

"Yes Shine! Let's put it that way. And then the...blah blah blah..." ang ingay naman ni Feur!

Nilingon ko si Asha na ngayo'y innantok na nakatingin kina mama at Feur. I know this is a meeting. Pero sina mama at Feur lang ata ang nagmemeeting. Though may mga secretary silang kasama pero para lang kaming props ni Asha dito sa gilid.

"Ahem!" malakas kong tikhim para makuha ang atensyon nilang dalawa sakin. And it did dahil hindi lang silang dalawa kundi silang lahat ay nakatingin sa direksyon ko.

"What is it son?" tanong ni mommy.

"Uhm...I just wanted to ask if do you really need our presence here?" tanong ko sabay turo ko sa sarili ko tsaka kay Asha.

Nagkatinginan naman sina Feur at mommy tapos sa akin. "Yes dear. Nagpaplano pa muna kami sa venue sa launching natin. You two are part of this meeting." sagot ni mommy. Napasimangot naman ako. "Pero wala naman po kaming ginagawa. Pinanood lang naman namin kayo eh."

"Hahaha. As what I have said sweetie, we're still planning for the venue. Pagkatapos ng planong ito ay kayo nanaman ang aasikasuhin namin." sabi ni mommy kaya tumango nalang ako.

"Sean honey, if you already feel bored you can do whatever you want to do. We'll just call you when me and your mama are already done discussing the plan." singit naman ni Feur kaya napangiti naman ako. "Okay."

Agad akong tumayo sa pagkakaupo. "Sean sweetie, we'll just call you okay? And if we do, please bilisan mong bumalik dito sa office. We need to be fast para matapos na ang meeting."

"Okay mommy." sabi ko tsaka umalis na sa upuan ko at tinuloy naman nina mommy ang discussion nila.

Binaling ko ang tingin ko kay Asha. Ayun, nakasubsob na ang ulo sa desk. Halatang natutulog na.

She seems tired and I don't know why. Hindi naman siguro nakakapagod ang ayain siyang kumain sa resto diba?

Maaga ko kasi siyang sinundo kasi gusto kong itreat siya ng agahan. I don't know why iniisip kong itreat siya. I just want to.

Gusto ko sana siyang gisingin kaso ang himbing na ng tulog niya. Pero baka kasi magkakastiff neck siya niyan.

I guess I don't have a choice. Agad ko siyang binuhat na pabridal style.

"Sweetie what are you doing?" nabaling ang atensyon ko kay mommy na nakatingin na sa direksyon ko. Maging si Feurdie din.

"Uhm...carrying her?"

"And where are you taking her?"

"To my room?" pagkasabi ko nun ay sabay sabay silang napasinghap ni mommy at Feur at maging ang secretary ng dalawa. Kumunot naman ang noo ko. Masama ba yon?

Iniisip ko ang sinabi ko hanggang sa marealize ko ang sinabi ko kanina.

"No...mom. It's not what you think. Gusto ko lang naman na may komportableng mahihigaan si Asha." agad kong depensa tsaka tinignan si Asha na mahimbing parin ang tulog. She is such a heavy sleeper. Ang ingay ko na nga tapos hindi pa siya nagising.

"Are you sure honey? You're not going to take advantage of her right?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Feur. "No, of course not. Ilalapag ko lang siya sa kama ko para comportable siyang matutulog."

"Okay okay fine. Take her to your room then. Feur let's continue." tawang sabi ni mommy at ipinagpatuloy na nga rin nila ang discussion nila. Kumibit balikat lang ako tsaka tinungo ang daan papunta sa kwarto ko habang buhat buhat si Asha.

Pagkalapag ko sa kanya sa higaan ko ay agad ko naman siyang kinumutan. She's wearing a skirt for pete's sake.

Matapos ko siyang kinumutan ay umayos ako ng tayo at namewang tsaka huminga ng malalim habang nakatingin sa natutulog na Asha.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now