Chapter 68: She Has It

484 14 0
                                    

***

"L-Lyn. Pakihawak muna please." sabi ni Lee sa kakambal nito sabay bigay sa kanya ang propesiya na kakuha pa nila galing sa soul dragon.

Matagal nila itong nakuha dahil marami pang tinatanong ang soul dragon sa tatlo. Siyempre, that soul dragon is being cautious towards its surrounding kaya todo tanong ito. Pero nakuha naman nila agad nang sinabihan nilang nanganganib na si Asha. Agaran kasi itong ibinigay sa kanila. Mukhang kaclose ng soul dragon si Asha.

Tinanggap naman ito ni Lyn.

"Ready Gia? One two three...hmmpp!"

"T-teka, h-hindi ko kaya!" hiyaw ni Gia at napaupo sa lupa.

"Man! Kailangan na nating makabalik baka napano na si Asha." sabi ni Lee sabay hilamos ng mukha nito gamit ang mga kamay.

"Kaya nga nanghina na si Naia diba? May nangyare na ngang masama kay Asha dun." kagat labing sabi naman ni Lyn habang hawak hawak ang propesiya.

Nasa teritoryo parin sila ng soul dragon. Kailangan muna nilang lumabas sa teritoryo nito para dun gumawa ng portal at nang makaalis na sila.

Natagalan sila kasi bigla bigla nalang na nawalan ng malay si Naia. She's in her horse shape at kahit papano ay nahihirapan parin silang ialsa si Naia dahil mabigat ito. Hera's even helping pero nahihirapan pa silang ilabas si Naia. She can't even heal Naia, kasi ang bond ang dahilan ng pagkahina ni Naia and Hera can't fix that kind of problem.

Binuhat pa muna nina Lee at Gia ang kabayong si Naia one last time. Umalalay naman si Hera sa ilalim para hindi mahulog si Naia. And then they managed to get out.

"Good!" hiyawan nilang apat, kasali si Hera na nagtatalon talon. She's also shape shifting into a horse.

"Hera, make a portal. Gigisingin muna natin si Naia." utos ni Lyn.

"I'll do it." presenta ni Gia at lumapit kay Naia.

"Naia..." Gia called and gently poked Naia's forehead. Umungol naman ang dragon at dahan dahang binuksan ang mga mata.

"That's it, that's it!" nasiyahang sabi ni Gia at dali daling inalalayan ang ulo ni Naia.

"Okay. We need you to shape shift into a small creature. Can you do that? Para madali ka lang naming bitbitin." umungol ulit si Naia.

"Okay good girl! You need to do this! For Asha! Come on!" pang motivate na sabi ni Gia and it works. Dahan dahang inangat ni Naia ang katawan nito at yumuko. Sinusubukan niyang magshape shift.

"Kaya mo yan Naia. Do it for Asha!" motivate paring sabi ni Gia.

Naghintay naman sina Lyn at Lee sa mangyayare. Ilang sandali lang ay nagshapeshift na nga si Naia into a cat.

"Great!" hiyaw ni Lee at siya na ang nagbitbit kay Naia. "Tara na!"

They were about to enter the portal nang bigla itong mawala.

"Huh?"

"Myehehehe!" Hera who's in a horse form whined. Napunta kay Hera ang atensyon ng tatlo.

They were shocked to see Hera in the grip of Arya, who is controlled by the Dark Queen. Nakapulupot ang kanang kamay ng Dark Queen sa leeg ni Hera pero may hawak itong kutsilyo. Her left hand is caressing Hera's mane.

"A-Arya." utal na sabi ni Lyn.

"Oh no child. I'm not Arya. That's Dark Queen to you." ngising sabi ng Dark Queen kay Lyn. Ibinaba naman ng Dark Queen ang tingin nito sa librong hawak hawak ni Lyn.

Mabilis na hinila ni Lee ang kambal nito sa likod niya at ni Gia upang itago ito.

"H-how'd you get here?" utal namang sabi ni Gia.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now