Chapter 71: Still Grieving

516 20 0
                                    

SUE

KRRRIIINNGGG!!!

"YES! RECESS NA!" hiyaw ni Hunter at natawa naman ang buong klase. Natawa nalang din kami. Maingay talaga si Hunter. Tsk tsk!

Minsan ay hindi ka makapaniwalang ganyan siya kadaldal at kaingay. Ang gwapo tapos madaldal? Mayghadd...I don't know how Luna managed to last long with Hunter.

"Okayy! Class dismiss. Mukhang gutom na si Mr. Mendez eh." sabi ni Prof. Chavez. Tumawa ulit kami.

Nagsilabasan narin kami para sa recess. Nagbangayan pa sina Luna at Hunter habang naglalakad kami papuntang canteen.

Grabe, nagbabangayan parin ang dalawa kahit magsyota na. Pero bilib narin ako kay Hunter kasi magpapatalo siya sa bangayan nila para kay Luna. Mas gugustuhin pa siguro niyang maging under kay Luna. Haha!

"Mga ate!" bungad sa amin ni Chad at ang dalawang kaibigan nito maging si Ethan at kasama na namin ang girlfriend nito which is ang Ate ni Chad na si Chandria or Chan for short. She just got back from being an exchange student sa UK.

"HI CHAD!" sabay sabay naming bati sa kanya. Maging ang Aces ay bumati narin sa kanya.

"Oh? Kuya Ethan, may pera ka pa?" tawang tanong ni Chad kay Ethan.

"Oo, bakit?" nakabusangot na sabi ni Ethan. Natawa nalang kami.

Ever since bumalik na kami dito for second sem ay hindi na namin pa pinakawalan si Ethan kasi manlibre daw siya samin kapag makabalik na si Chandria.

Today is friday at kakalibre lang niya samin starting Monday. Sinabi ni Chad na one week dawng manlibre si Ethan. Hindi naman makaangal si Ethan kasi kapatid siya ng girlfriend niya kaya napilitan siya. Hahaha!

"Susss...dapat ka ngang magdiwang eh kasi last day of libre mo na ngayon." tawa tawang saad ni Chad. Sinamaan lang siya ng tingin ni Ethan.

"Chad, you're being childish again!" suway ni Chan sa kapatid nito. Sumimangot naman si Chad. "Ate! Panira ka talaga ng araw."

"Hehehe! Kaya lab ko tung Ate mo eh hehe!"

"Ikaw din! Huwag kang bubusangot diyan. Ikaw ang nagsabing manlibre ka kaya panindigan mo iyan!" suway naman ni Chan kay Ethan. Napanguso nalang si Ethan habang tawa naman ng tawa si Chad.

Naglakad narin kami patungong canteen. And as usual, all eyes are on us. Lakas talaga naming makakuha ng atensyon, lalo na't mas dumami na ang tropa namin kasi nasali na sina Chad and his friends at sina Ethan at Chan, and Aces also stick with us now.

Masaya na kaming nakaupo sa loob ng canteen. Talagang dalawang table ay pinagdikit namin kasi hindi kami kasya sa isa lang.

"Oh? Anong gusto niyong kainin?" nakabusangot paring sabi ni Ethan.

"Pizza!"

"Lasagna! Yeyy!"

"Cupcakes!"

"Ooohhh...may siopao oh. Siopao sakin Ethan yiee!"

"Siomaiii~"

"Carbonaraaaaa!"

"Burger! Burger! Burger!"

"Spaghetti sakin Ethan hihi."

"May nakita akong cake dun--"

"Tahimik!!!" sigaw ni Ethan kaya natigilan naman kami. Namewang naman ito habang nakatingin samin.

"Sabihin niyo nalang na itong buong canteen ang bibilhin ko. Grabe kayo, parang lahat ng inihandang snack ang pabibilhin niyo sakin ah?" reklamo nito.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now